Lotlot de Leon: "Pagod na pagod na akong idepensa ang sarili ko."

IMAGE 0


"Basta ako, mahal ko ang mga anak ko. Ngayon, kung hindi pa rin sapat para sa kanya kung ano yung klaseng pagmamahal na ibinibigay ko sa mga anak ko, there's nothing I can do about that," says Lotlot de Leon about the statements made by her mother-in-law, Pilita Corrales, against her.


Malaki ang pasasalamat ni Lotlot de Leon sa GMA-7 at isinama siya sa cast ng bagong panghapong teleserye na Koreana, na mapapanood na simula Lunes, October 11, pagkatapos ng Trudis Liit.

Ginagampanan ni Lotlot ang role ni Josefina, na tatayong nanay-nanayan ng bidang si Jenna, played by Kris Bernal.

Hindi na bago para kay Lotlot ang pagganap sa mother role. Nae-excite pa rin ba siya sa role niya sa Koreana?

"Oo naman. Every time a role is given to me, nae-excite pa rin ako kasi it's a big challenge for me kung paano gagawing kakaiba ang pagganap ko sa bagong role na ibinigay sa akin compared sa nagawa ko na in the past," paliwanag ni Lotlot nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Koreana kagabi, October 5, sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network Center.

Naranasan na ni Lotlot ang mai-launch sa sarili niyang soap at pelikula noong kanyang kabataan. Ano ang advice na puwede niyang ibigay kay Kris Bernal sa first title role nito sa telebisyon?

"Kay Kris, pangalagaan niya ang trabahong ibinigay sa kanya. Napakasuwerte niya at inaalagaan siya ng GMA talaga. Lahat ng suporta, ibinibigay sa kanya.

"Pangalagaan niya yun. Mas lalo pa niyang pagbutihan at magsipag," pahayag niya.

PILITA CORRALES. Pagkatapos ng presscon proper, kaagad nilapitan ng PEP at iba pang press people si Lotlot para hingan siya ng paliwanag sa mga isyung kinakaharap niya. Ine-expect na raw ni Lotlot na kasama ito sa mga itatanong sa kanya.

Paano niya ba hinaharap ang bagong "feud" o alitan nila ng kanyang biyenang si Pilita Corrales matapos itong magpa-interview sa Paparazzi at diumano'y ibinigay na raw ni Lotlot ang custody ng mga anak niya sa ex-husband niya at anak ni Pilita na si Ramon Christopher?

"Wala naman po akong feud kahit kanino. Sila lang po yata ang may feud sa akin," sagot ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya sa mga inihayag ni Pilita on TV?

"What am I suppose to say? E, kung ganun na kababa ang tingin sa akin ng isang tao, hindi na rin po ako mag-aaksaya na baguhin yun kung yun ang gusto niyang paniwalaan.

"Basta ako, mahal ko ang mga anak ko. Ngayon, kung hindi pa rin sapat para sa kanya kung ano yung klaseng pagmamahal na ibinibigay ko sa mga anak ko, there's nothing I can do about that."

May galit ba siya kay Pilita?

"Galit is such a strong word. It's more of nasasaktan. Hindi ko ide-deny na nasasaktan ako.

"Pero kung yun ang gusto niyang paniwalaan at yun ang sa palagay niyang tama para sa kanya... Kasi pagod na pagod na akong idepensa ang sarili ko, sa totoo lang," sabi ni Lotlot.

Nagkaroon ba ng way para makapag-usap sila ng kanyang biyenan?

"Nagkita kami sa isang wake," banggit niya. "And I went to her. Sabi ko, 'Hi po, Mamita. How are you?' And you know it's not the proper venue to talk about something as private as yung nangyayari with our family.

"Siguro may sarili siyang opinyon kung ano ang tama at hindi tama o kung ano ang gusto niyang gawin ko. Pero hindi naman yun ang tamang venue to do that.

"But when she came out on TV again and said things about me, then I don't think there is something to say after that. I think I've done my part.

"I have not said anything in the eight years that I had been separated. Wala akong sinabing negative about Monching, about her [Pilita] and her family. I will never do that. Ayokong gawin yun at hindi ko gagawin.

"Kaya hindi ako yung pa-interview nang pa-interview kasi, you know, artista ako. But I don't want to wash my dirty linen in public.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naiintindihan ko na artista ka, napapansin lahat ng ginagawa mo. But it's also my choice not to answer because I have kids involved, e. And they're the ones that I'm protecting from getting hurt pa.

"Kasi, nasaktan na sila nung naghiwalay kami ng tatay nila. Mas masasaktan pa sila ngayon dahil hindi ako okay sa kanilang lola, di ba? So, bakit kailangan pang i-rock yung boat? Hindi na, tapos na, e," mahabang paliwanag ni Lotlot.

Ano ang comment niya na patuloy daw kumakayod si Pilita despite her age para masuportahan ang kanyang mga apo?

"That is her choice. Kasi ako kumakayod din naman ako para sa mga anak ko," sagot ni Lotlot.

FAMILY SETUP. Tungkol nga sa isyu ng diumano'y pagbibigay ng custody sa mga anak niya—na ang pinakamatanda ay 21 years old at 10 naman ang pinakabata—kay Monching, inulit ni Lotlot ang nauna na niyang pahayag sa Startalk na hindi ito totoo.

"No, hindi po totoo. Ipinamigay yung mga anak ko? Hindi," diin niya.

Ano ba ang setup nila ngayon ni Monching pagdating sa mga anak nila?

"Iba kasi yung setup namin, e, ng pamilya namin. And hindi ko na siguro dapat i-explain.

"Let's just say it's one setup that we're all okay in whatever situation we're in. And we're still a family. I do my part as a mom."

Okay ba sila ni Monching?

"Oo, mainam naman kami," maikling sagot ni Lotlot.

Yung setup na sinasabi niya, saan talaga nakatira ang mga bata ngayon: sa kanya o kay Monching?

"Pareho. Minsan nasa kanya, minsan nasa akin."

Gaano kadalas silang magkita ng mga anak niya?

"Depende," sabi ni Lotlot. "Like now, I'll be working three times a week. Pero pag weekends, they're with me.

"Minsan umuuwi ako sa bahay kahit on a weekday, biglang nandiyan na yung mga anak ko, natutulog doon. Kasi may susi sila ng bahay ko. So minsan, papasok ako ng kuwarto, natutulog na dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nagre-react ang mga anak niya sa isyung ito?

"You know my eldest is 21. Pag pinag-uusapan natin yung mga anak ko, parang ang edad nila, e, two years old. And, hindi na ganun.

"My children are all grown up. Yung isa magtatapos na ng kolehiyo.

"So, para pag-usapan na ipinamigay, parang too late for that, di ba? Kahit na yung ganyang salita is not true. Some of my children are of age na to decide for themselves."

Natural lang daw na masaktan tungkol sa isyu ang mga anak nila. Ano ba ang sinasabi ng mga bata sa kanya?

"Wala na lang. Huwag na nating pag-usapan yun," iwas niya.

"Basta nag-uusap naman kami. There is really nothing they can do about it. You can't stop naman people from saying things about another, kung yun talaga ang pinaniniwalaan niya, di ba?"

Nagsasawa na raw siya sa pang-iintriga sa relasyon nila ni Monching, pati na rin ang relasyon niya sa mga anak niya.

"Kaya nga nasasabi ko, pagod na pagod na ako. Mag-iisang dekada na kaming hiwalay ni Mon. Ang pinag-uusapan natin, parang kahapon lang.

"And yun ang parang naa-amaze ako kasi nakapag-move on na kami, e. Okay na kami.

"So, hindi ito isang bagay na nangyari lang kahapon. We should not talk about it anymore."

Sa paglabas ng mga ganitong issue, hindi ba nagbabago ang pagtingin sa kanya ng mga anak niya?

"I would like to think so. Kasi nakikita ko pa sila. Siguro kung hindi ko na nakikita yung mga anak ko, siguro tama siya [Pilita]," sabi ni Lotlot.

NORA AUNOR. Hindi rin nakaligtaang itanong ng mga press kay Lotlot ang tungkol sa kanyang inang si Nora Aunor. Kumusta na ba ang Superstar?

"Ayun, medyo hindi maayos after nga nung mawala ang boses niya. But si Mommy pa, I'm sure kakayanin niya yun. She will be okay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong ba niya sa mommy niya kung itutuloy nito ang pagdedemanda sa isang clinic sa Japan na nagsagawa ng surgery at enhancement sa kanyang mukha, na napaulat nga na nakaapekto diumano sa boses nito?

"Alam n'yo po, ayoko pong pangunahan ang mommy ko. Kung meron man po siyang gagawin, mas maganda po siguro na sa kanya manggaling, hindi sa akin.

"Kung anuman po yung sa tingin niya ay tamang gawin niya, basta kaming mga anak niya, nandito lang para suportahan siya."

Matutuloy pa ba ang pag-uwi ng mommy niya sa Pilipinas?

"Sana, sana. Malapit na... surprise," sabi ni Lotlot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN