Rocco Nacino says his being "malambing" with girls is out of respect, not courtship

IMAGE 0


"Malambing lang ako sa mga babae na siguro, nami-misinterpret lang ng maraming tao na may gusto ako sa kanila or nanliligaw," says Rocco Nacino.


Sa presscon ng upcoming GMA-7 afternoon soap na Koreana kagabi, October 5, ay biniro ng press si Kris Bernal na nawala man daw sa kanya ang ka-love team na si Aljur Abrenica, dalawa naman daw agad ang naging kapalit nito—sina Steven Silva at Rocco Nacino.

Pero ayon kay Rocco, hindi naman daw sila dapat intrigahin kay Aljur dahil may respeto sila sa original na ka-love team ni Kris.

"We have a respect for Aljur. He's ahead of us at kami ni Steven, actually, ina-idolize nga namin siya, e. So, do'n kami natsa-challenge to give our best in this project," sabi ng StarStruck V Second Prince nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

BAD-BOY ROLE. Ayon kay Rocco, may pagka-Robin Padilla ang character na ginagampanan niya sa Koreana.

"Mahirap po kasi sa Kaya ng Powers, medyo comedian po ako do'n. It's hard, pero it's a challenge for me. Every day, natsa-challenge ako.

"Nakakatuwa rin po na na-experience ko ang ganito at nalaman ko rin po kung paano ang maging mahirap na isang tao. Every day is inspiring to do better," sabi ng 23-year-old actor na lumaki sa isang middle-class family.

Masuwerte kung tutuusin si Rocco dahil kahit wala pa siyang isang taon sa showbiz ay nabibigyan siya ng GMA-7 ng pagkakataon na magampanan ang iba't ibang roles.

"Very, very happy. Very excited for everything," sambit niya.

"Nakakatuwa na ang GMA, they got me and Steven sa Koreana, tapos original story pa. So, nakakatuwa po na nakasama kami rito.

"At naniniwala sila na yung skills namin as actors ay makaka-contribute sa programang ito. So, nakakatuwa po.

"I have nothing but so many 'thank you' sa GMA."

KRIS BERNAL. May balitang nagpaparamdam na raw siya sa kapareha niya sa Koreana na si Kris Bernal. Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano lang, nagpapa-close lang kaming lahat sa isa't isa," sagot ni Rocco. "Bonding moments lalo na sa workshop."

Si Steven daw, may ibinibigay na chocolates kay Kris. So, paano naman niya yun tatapatan o tatalbugan?

"Ako, inumin naman para hindi siya mauhaw," nakangiting sabi ni Rocco.

Kaso, may nakarating sa aming balita na kahit noong kasagsagan pa lang ng love team nina Kris at Aljur, nagpapalipad-hangin na raw si Rocco na type niya si Kris at gusto niya itong ligawan.

Gaano katotoo yun?

"Kasi po, sa StarStruck po, siya po ang nakaeksena ko sa Kiss Flick.' So, doon pa lang po, doon po siguro nag-start yung spark ng parang chemistry namin. Kaya nakakatuwa every time na sinasabi na 'magkakaroon kayo ng project ni Kris,' I look forward to it," saad niya.

Binalak din ba niyang ligawan si Kris?

"Ay, wala! Wala po akong plinanong ganoon, kasi I'm so focused with my work," sabi niya.

PLAYBOY? Dahil sa dami ng crush ni Rocco, nagkakaroon tuloy siya ng image na kung sino ang makapareha niya ay nagkakagusto siya o nababalitang pinopormahan niya. Ano ang masasabi niya rito?

"Kapag tinanong n'yo naman po sila, masasabi nilang hindi naman po ako nanligaw. Siguro po kasi, pagdating sa mga babae, very, very malambing ako.

"I just always appreciate the girl. At siyempre, ipinapakita ko yung respect na nakukuha nila sa akin.

"Malambing lang ako sa mga babae na siguro, nami-misinterpret lang ng maraming tao na may gusto ako sa kanila or nanliligaw," paliwanag niya.

Sa ngayon, may nililigawan ba siya?

"Wala po...wala po akong oras diyan," sagot ni Rocco. "Tuesday lang po ang libre kong araw. Manliligaw na lang po ako sa sarili ko at matutulog po ako sa buong araw."

Okay lang ba sa kanya na mabansagang "playboy"?

"Dedma na lang po tayo diyan. Kasi, hindi naman po. Wala naman po akong... Kasi, if you'll ask the girls I worked with, I don't think na makakakuha kayo ng reklamo," sagot ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN