Gerald Anderson says teary-eyed: "Siguro nakalimutan nila na tao din ako. Nagkakamali din ako."

IMAGE 0


"Magiging sinungaling din po ako kung sasabihin ko na hindi ako nasasaktan. Na may mga fans na nag-backout at ayaw na akong suportahan. Marami na akong natatanggap na hate mails sa bahay ko. Mga mahal ko sa buhay nadadamay," says an emotional Gerald Anderson about the hate mail and death threats he is getting from some Kimerald fans.


Ikinagulat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na naimbitahan sa presscon ng Star Cinema movie Till My Heartaches End kaninang tanghali, October 12, sa Dolphy Theater, ang maramdaming pag-iyak ng mga bida nitong sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Bago ito, isang tanong ng veteran columnist na si Mario Bautista ang tila may sundot ng intriga. Dahil sa pagli-link kay Gerald kay Bea Alonzo at si Kim naman kay Jason Abalos, sa tingin ba nila ay hindi makakaapekto ito sa movie?

Sabi ni Gerald, "Well, siguro sa amin, pagdating sa performance ng movie, maganda yung movie. Sinuman yung makakapanood or whoever watches the movie, paglabas nila ng sinehan, talagang sulit yung pera nila.

"Alam namin masusulit dahil 100 percent ibinigay namin ang lahat. So, bahala na sa October 27. We're very proud sa buong cast, kami nina Direk Joey, with this movie."

Ayon naman kay Kim, "Ako naman, kalimutan muna natin yung mga tsismis at mga intrigang masama. Basta itong movie na ito, ginawa namin ito para sa mga taong sumusuporta sa amin. And ginawa namin ito nang buong puso namin.

"Parang after ng movie na ito, hihinga na lang kami at sasabihin namin sa sarili namin na at least ginawa namin itong movie na ito."

EMOTIONAL GERALD. Nagbibiruan pa ang press dahil may warning nga sa pagtatanong during the presscon proper na dapat ay may kinalaman o related lang sa movie ang itatanong sa mga cast at sa direktor na si Jose Javier Reyes.

Masaya pa ang mood ng lahat ng nasa Dolphy Theater nang sumunod na magtanong ang entertainment columnist na si Allan Diones kay Gerald.

Tanong ni Allan: "I'm sure bago i-showing ang movie, ilang libong beses naming mapapanood yung teaser, trailer ng movie na may dialogue kayo na 'Mahal mo ba ako?' Sa totoong buhay ba Gerald, naitanong mo na kay Kim yung line na yun at sinagot ka ba niya ng, 'Sobra, sobra kitang mahal?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkatawanan pa nga noong una dahil ang gusto raw sumagot sa tanong ay si Direk Joey. Pero finally ay sinagot na rin ni Gerald.

"Kung tinanong ko si Kim kung mahal niya ako?" simula ng 21-year-old actor. "Alam mo kasi, yun nga ang sinabi ko sa mga interviews ko sa TV, na sa loob po ng four years, na nagkaroon kami ng special relationship.

"We shared very happy moments together. We cared for each other. There are times nga na we hurt each other. Mas madalas mas ako. Pero, masakit kasi–" at dito na nagsimulang mapaluha si Gerald, na noong una ay pinipigilan sana ang pag-iyak.

Pagpapatuloy ni Gerald, "Yun nga, ang dami kong ibinigay kay Kim na problema, heartaches. Pero tinanggap pa rin niya ako.

"Sa akin kasi, alam ko kahit kailan, kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin mapapantayan yung lahat ng ginawa ni Kim para sa akin. Yung pagtanggap sa akin.

"Ayoko kasi nung makaka-hurt ako ng tao. Siyempre, ginagawa ko ang lahat para maging role model, para maging mabuting tao."

Ayon kay Gerald, tila nag-iba na raw kasi ngayon ang tingin ng iba sa kanya, kumpara noong panahon ng Bagyong Ondoy last year, na naging mataas ang tingin ng tao sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsuong sa baha para sumagip ng buhay at tumulong sa mga stranded sa baha.

Aniya, "Mula noong Ondoy, mataas po ang tingin sa akin ng mga tao, e. Naging hero ako bigla. Pero ginawa ko dahil gusto ko. Hindi ko naman alam na makukunan ako ng camera.

"Mula noong araw na yun, naging model ako sa mata ng mga tao. Siguro nakalimutan nila na tao din ako. Nagkakamali din ako."

Kung meron man daw isang taong nakakaunawa at tunay na nakakakilala sa kanya, ito ay ang kanyang dating manager na si Jun Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung hindi dahil sa kanya, kung hindi niya ako pinilit na mag-audition sa PBB (Pinoy Big Brother Teen Edition), wala ako ngayon dito," sabi niya.

ISSUES AFFECTING HIS FAMILY & DEATH THREATS. Ngayon daw ay tila marami na ang may ayaw sa kanya at nagagalit sa kanya.

Sapantaha ng ilan, nagsimula ito nang ma-link si Gerald sa iba't ibang babae na hindi umano nagustuhan ng mga Kimerald fans. Mas tumindi pa ito nang lumabas ang breakup issue sa pagitan nila ni Kim, bagamat ni minsan di naman nila inamin na naging magkarelasyon sila talaga.

Ang latest nga ay pananakit daw umano ni Gerald sa damdamin ni Kim dahil ang nililigawan umano ni Gerald ngayon ay si Bea Alonzo. Tuloy, may mga fans daw na nagsabing hindi na siya susuportahan at si Kim na lang ang susuportahan ng mga ito.

"Until this day, ginagawa ko ang lahat," sabi ni Gerald. "Magiging sinungaling din po ako kung sasabihin ko na hindi ako nasasaktan. Na may mga fans na nag-backout at ayaw na akong suportahan.

"Marami na akong natatanggap na hate mails sa bahay ko. Mga mahal ko sa buhay nadadamay."

Apektado na rin daw pati ang pamilya niya sa mga negative issues na ibinabato sa kanya. At hindi lang yun. Umabot na sa pananakot sa kanila at pagbabanta sa buhay nila.

"Pati nanay ko, nagtatanong sa mga nangyayari sa akin. Paulit-ulit kong ine-explain sa kanila na, 'Kasama po ito sa trabaho ko.'

"Kasi kung ako lang, kaya kong tanggapin lahat ng mga [ibato] sa akin. Pero iba na pag nadadamay na pati pamilya ko.

"May tumawag nga noong isang araw at sinabi sa nanay ko na papatayin daw ang anak niya. Siyempre po, medyo iba na yun, di ba? 'Yan—hindi na po kasama sa trabaho namin 'yan.

"Pero yun, hindi ako galit. Basta ako, I'll try my best, I'll do my best para maging role model. Pero ang hirap, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos niyang mailabas ang kanyang saloobin, biglang tumayo si Gerald sa kanyang upuan at tinungo ang backstage. Akala ng lahat ay umiyak lang ang aktor sa likod, aayusin ang sarili at babalik din para tapusin ang presscon.

Pero nang lumaon, nagkaroon ng announcement mula sa staff ng Star Cinema na hindi na makakabalik sa presscon si Gerald dahil dinala na raw ito sa medic nang makaranas ng hyperventilation dulot ng sobrang bugso ng damdamin.

KIM APPEALS TO MAD FANS. Naiwan sa stage si Kim, si Direk Joey, at ang iba pang cast members ng pelikula na sina Martin del Rosario, Jaco Benin, Manuel Chua, Cacai Bautista, at Eda Nolan.

Lahat ay naging emosyonal na rin pagkatapos ng pagbubuhos ng damdamin ni Gerald.

Nang hingan si Kim ng reaksiyon tungkol sa ipinagtapat ni Gerald, hindi na rin napigilang umiyak ng aktres.

"Ako, gusto kong sabihin sa lahat ng tao na sana maging okay ang lahat. Kasi ako, okay ako," sabi ni Kim, habang tumutulo ang luha.

Ang ayaw raw ni Kim ay ang pagbabanta ng ilang nagagalit na fans laban kina Gerald, Bea, at sa mga taong malapit sa mga ito.

"Ayoko lang nung—'papatayin si Bea, tatapunan daw ng asido, papatayin si Gerald.' Ayoko yung ganun, e. Tanggapin na lang natin kung anuman yung nangyari.

"Kaya lang, hindi ko na kaya yung nangyayari ngayon. Sana tanggapin nila at maintindihan nila na may personal din kaming buhay."

Ilan sa mga Kimerald World at Kimnation fans nina Kim at Gerald ay dumalo sa presscon to represent their fans club. May mensahe at pakiusap din si Kim sa kanila.

"Sa mga fans, alam ko nasasaktan din sila para sa akin. And nahahati na rin sila. Dahil kay Gerald daw, nahahati sila. At hindi ko sila masisisi kung nangyayari man ito.

"Siyempre, nagpapasalamat ako dahil patuloy ang suporta nila sa akin. Inaalalayan nila ako sa mga pinagdadaanan namin [ni Gerald].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana balang-araw, maging okay lahat at bumalik ulit yung dati. Tama na yung gulo, tama na yung hindi pagkakaintindihan dahil hindi na maganda. Salamat dahil nandiyan sila para alalayan ako. Salamat at sana maging okay ang lahat."

Nasasaktan din daw si Kim sa mga intriga kay Gerald.

"Sabi ko nga, yung mga taong nagsasabi ng masama tungkol kay Gerald, minsan, ako rin yung nasasaktan para sa kanya. Kasi tao din naman siya, nagkakamali. Sana intindihin na lang siya. Tanggapin natin kung ano ang nangyayari," saad niya.

Hindi na nakausap pa ng mga press matapos ng presscon si Kim.

Usap-usapan nga na kung susuriin, hindi talaga nasagot ni Gerald ang tanong ni Allan Diones at nalihis na sa mas mabigat na topic ang inihayag ng aktor.

Bagama't hindi nila tuwirang sinabi, mararamdamang nagkaroon nga ng problema sa pagitan nina Kim at Gerald batay na rin sa pag-amin ni Gerald na pananakit niya ng damdamin ni Kim.

Samantala, kaninang bandang alas-kuwatro ng hapon ay nakatanggap ang PEP ng update mula sa Ad Prom ng Star Cinema na si Mico del Rosario.

Aniya: "Kim Chiu and Gerald Anderson are okay now and are actually on their way to a common appointment together. They just shot a highly emotional scene yesterday and the press conference was their first public appearance together."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN