Kim Chiu admits being affected by rumor linking Gerald to Bea: "Hindi naman ako robot na walang pakiramdam."

IMAGE 0


"Lahat naman ng tao dumaraan sa proseso ng buhay, sa baba, sa itaas, masaya, malungkot. Pero dahan-dahan, nagiging okay naman ang lahat. Katulad ko, masaya naman ako ngayon," says Kim Chiu.


Sinabi ni Kim Chiu na mas mature na siya ngayon sa dami na nang pinagdaanan niyang pagsubok at intriga sa buhay. Ito rin daw ang naging dahilan para maging matatag siya.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw sa The Buzz kahapon, October 10, inilarawan ng young actress ang pagbabago niya mula nang manalo siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition, apat na taon na ang nakalilipas.

Sabi ni Kim tungkol sa sarili, "2006, siguro parang nasa pagdadalawang-isip, mahiyain. Pero ngayon, stronger, more independent. At saka, alam na niya kung saang way siya pupunta. And, hindi na siya nakadepende sa taong nakapaligid sa kanya."

Nakuha raw niya ang lakas ng loob na meron siya ngayon dahil na rin sa mga pagsubok na hinarap niyang mag-isa.

"Sa mga pinagdadaanan ngayon at sa mga taong nakapaligid sa akin, siguro ang dami ko rin natutunan do'n. And living alone, dito sa Manila, walang family, walang kapatid, ako lang. Yun, ang daming nangyari and ang dami kong natutunan sa buhay.

"Nagugulat ako sa sarili ko. 'Ay, ako ba ang nag-decide nito? Ang galing ko pala. Puwede pala akong maging ganito,'" saad ni Kim.

ENCHONG & JASON. Isa sa mga intriga kay Kim ngayon ay ang panliligaw daw sa kanya nina Enchong Dee at Jason Abalos.

Niligawan nga ba siya ni Enchong?

"Close kami, lalo na noong My Girl days. And lagi kaming nagkukuwentuhan, tawanan," sagot ng young actress.

Si Jason?

"Ano ba 'yan! Parang ang kapal ng mukha ko kung sasabihin ko na, 'Oo, nililigawan nila ako.'"

GERALD ANDERSON. Tungkol naman sa kanyang ka-love team na si Gerald Anderson. Masasabi ba ni Kim na kay Gerald lang halos umikot ang buhay niya magmula nang maging magkapareha sila?

"Hindi naman...hindi naman siyempre. Meron namang pamilya. Meron namang trabaho. Meron namang iba."

Naaapektuhan ba siya nang todo kapag may ibang babaeng nali-link kay Gerald?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magandang lalaki si Gerald, made-deny ba natin yun? Mabait pa. Lahat naman siguro magkakagusto sa kanya kaya hindi imposibleng may ma-link sa kanya," safe na sagot ni Kim.

BEA ALONZO. May intriga naman na tuluyan na raw nawasak ang relasyon nina Kim at Gerald dahil kay Bea Alonzo. Pero ano nga ba si Bea kay Kim?

"Hi-hello, batian portion. Parang ibang circle of friends nila sa ASAP," maikling tugon ni Kim.

Walang wall or isnaban?

"No, nagbabatian kami. Okay naman po kami."

Pero aminado si Kim na hindi madali sa kanya ang sitwasyon.

Nasaktan ba siya nang todo sa pagkaka-link nina Gerald at Bea?

"Hindi naman ako robot na walang pakiramdam. Aminin naman natin na opo," sabi ni Kim.

Iniyakan niya ang isyu?

"Sa akin na lang yun, sarili ko na lang kung anuman," nakangiti niyang pag-iwas.

SUICIDE RUMOR. Pero ang pinakahiganteng intriga raw kay Kim ay ang pag-a-attempt niya diumano ng suicide dahil kay Gerald. Pero mariin naman itong pinabulaanan ng dalaga.

"Alam n'yo, kalokohan and katangahan para sa akin na gawin ko yun," sabi niya.

"Patayin ko ang sarili ko? Bakit? Sino ang mag-aalaga sa mga kapatid ko? Sino ang bubuhay sa kanila?

"At may ipinapagawa akong bahay na dream house ko. Sino'ng magtatapos no'n?

"Lahat naman ng tao dumaraan sa proseso ng buhay, sa baba, sa itaas, masaya, malungkot. Pero dahan-dahan, nagiging okay naman ang lahat. Katulad ko, masaya naman ako ngayon.

"At yung tungkol kay Gerald, ayokong isipin ng mga tao na masama siyang tao, kasi hindi talaga. Lahat ng mga haters niya, parang ako ang nasasaktan para sa kanya."

What makes her happy?

"Yung mga taong nakapalibot sa akin," sagot ni Kim.

"Hindi naman forever malungkot ka. Hindi naman maganda yun, di ba? At saka sa mga nangyayari sa akin, masaya ko at kuntento ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya tungkol kay Gerald, "Okay naman po kami. Ang dami naming pinagkukuwentuhan ngayon. After all ng tsismis, intriga, wala, ang gaan kasama. Ang gaan katrabaho."

LAST TEAM-UP? May pelikulang ginagawa ngayon sina Kim at Gerald para sa Star Cinema, ang Till My Heartaches End. Tungkol saan ito?

"Kasi yung kuwento, light siya na pabigat nang pabigat. And sa dulo, mai-in love ka na lang.

"Doon, makikita mo yung journey ng dalawang tao. Na mahal nila ang isa't isa, pero may wall. Parang may oras."

True-to-life ba ito?

"Sabihin na lang natin na lahat ng tao, makaka-relate sa kuwento. Kasi, lahat ng tao, nagmahal. Lahat ng tao, nasaktan. Lahat ng tao sumaya sa pakiramdam niya na may nagmahal sa 'yo," nakangiting sagot ni Kim.

Posible kayang huling pelikula na nilang pagtatambalan ito ni Gerald?

"Siyempre, ayoko namang sabihin na last na. Siyempre, ayoko namang mawala yung Kimeralds. Ayoko naman no'ng, 'O, magkalimutan na tayo.'

"Hindi ganyan. Siyempre, may pinagsamahan naman kami. May mga followers din kami na iniingatan namin," saad ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN