Gerald Anderson breaks down at the presscon of his movie with Kim Chiu

IMAGE 0


Young actor Gerald Anderson (left) was not able to suppress his emotions while talking about the death threats he and his family are receiving because of rumors linking him to Bea Alonzo. Gerald has a new movie with screen partner Kim Chiu (right), who asked the Kimerald fans to stop harassing Gerald, his mom, and Bea.


Naging emosyunal ang presscon ng Star Cinema movie na Till My Heartaches End kaninang tanghali, October 12, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Hindi napigilan ng male lead star ng pelikula na si Gerald Anderson na mapaluha habang nagbubuhos ng kanyang saloobin tungkol sa banta sa kanya at sa kanyang pamilya mula sa fans nila ng kaparehang si Kim Chiu, ang Kimeralds.

Ang mga bantang ito ay nagsimula nang ma-link si Gerald sa kapwa nila Kapamilya star na si Bea Alonzo.

Ayon kay Gerald, may banta ang ilang fans nila ni Kim na bubuhusan siya at si Bea ng asido. May death threat din daw siyang natatanggap at maging ang kanyang ina.

Hindi maintindihan ni Gerald kung bakit umabot sa ganitong punto ang lahat samantalang ang nais lang naman daw niya ay ang magtrabaho nang maayos.

Habang nagsasalita si Gerald ay tuloy-tuloy na ang pagbuhos ng kanyang luha. Pagkatapos niyang magsalita ay nagpaalam siya para siguro ayusin ang kanyang sarili. Pero hindi na bumalik si Gerald sa presscon.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na dinala ang young actor sa medic dahil sa hyperventilation dulot ng sobrang emosyon na kanyang nararamdaman.

Naiwan sa harap ng stage ng Dolphy Theater si Kim, ang direktor na si Joey Reyes, at iba pang cast members ng pelikula. Hindi na rin nila napigilan ang umiyak, lalo na si Kim.

Habang tuumutulo ang luha, nakiusap si Kim sa Kimerald fans na tigilan na nila ang pagbabanta kay Gerald, sa ina nito, at maging kay Bea dahil siya raw mismo ay nasasaktan na, lalo na para kay Gerald.

Abangan ang buong detalye ng istoryang ito mamaya dito sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN