Cyberboso Bill aims to help celebrities and ordinary people fight sex video and webcam scandals

IMAGE 0


Republic Act 9995, also known as Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 or Cyberboso Bill, was authored by Buhay Party-list Rep. Irwin Tieng (main photo). This bill prohibits taking photos or videos of sexual activities, as well as private parts of a person, without the consent of the people concerned.


Willing si Buhay Party-list Representative Irwin Tieng na tulungan sina Katrina Halili, Mark Herras, at iba pang mga artista na maaaring maging biktima ng sex video at webcam scandals, lalo na nga't isang batas na ang isinulong niyang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 (Republic Act 9995).

Mas kilala bilang Cyberboso Bill, ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ay nagbabawal sa pagkuha ng litrato o video ng seksuwal na gawain nang walang pahintulot mula sa taong nasa video o picture, kasama na ang pagkopya, paglathala, pagpapalabas, at pagbebenta nito.

Ayon sa naturang Republic Act, ang mga mapapatunayang nagkasala ay maaaring makulong ng tatlong taon hanggang pitong taon at may multa pang P100,000 hanggang P500,000.

"Cyberboso Bill, pasado na siya," sabi ni Rep. Tieng. "Before nag-end yung 14th Congress, we were able to pass the bill. So, ngayon Republic Act na siya.

"Ang current situation natin ngayon ay una siyang gamiting pang-file ng kaso ng offended parties against crimes. At least magdadalawang-isip na ngayon ang mga tao bago kumuha ng malalaswang video o picture kahit sa cell phone man nila, tapos ay ikakalat dahil puwede na silang maparusahan at makulong."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Rep. Tieng sa presscon na ipinatawag niya para ihayag sa mga press ang mga batas na isinulong niya para makatutulong sa showbiz. Ginanap ang presscon noong Sabado, October 9, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

KATRINA HALILI. During the presscon, ang isyu kina Katrina Halili at Mark Herras ang naging pangunahing topic ng pagtatanong kay sa congressman.

Kasalukuyan pang nakikipaglaban si Katrina sa kasong isinampa niya laban kay Hayden Kho kaugnay ng pagkalat sa Internet at DVDs ng kanilang sex video. Si Mark naman ay mainit na pinag-uusapan ngayon kaugnay ng webcam scandal na iniuugnay sa kanya.

Ayon kay Rep. Tieng, "Hindi ang Cyberboso Bill ang ginamit na pang-file ni Katrina laban kay Hayden. Pero kung titingnan po mabuti ng mga abugado ni Katrina, puwede niyang gamiting pang-file yung Cyberboso Bill natin dahil makikita naman natin yung elements ng kaso nila, nandun naman lahat yun sa bill natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think puwedeng ipandagdag yun. Although, hindi siya sakop ng kaso kasi nangyari yung crime two, three years ago. Yung bill natin naipasa last year lang.

"Continuous naman yung paninirang-puri na nangyayari. Yung mga videos, nandiyan pa rin. Yung mga DVDs, nandiyan pa rin. Yung sa Internet, nandiyan pa lahat, e. So, as far as I'm concerned as author of the bill, puwede pa niyang gamitin yun," paliwanag ni Rep. Tieng kaugnay ng kaso ni Katrina.

Kung sakaling kakailanganin ni Katrina ang tulong niya, buong-puso raw niyang susuportahan ang aktres.

"Kasi ongoing yung kaso nila, siyempre ayoko namang makialam. Pero in the event she comes to us for help, tutulungan natin siya.

"Kami naman, bukas naman ang pinto ng Buhay Party-list, ang aming grupo, na tumulong sa kanya," saad niya.

MARK HERRAS. Sakop ng Cyberboso Bill hindi lang ang mga artista kundi pati ang mga private individuals. Kaya sinumang magiging biktima ng panghahalay sa Internet—kasama na ang Facebook at Twitter, pati na sex-video recording sa cellphone—ay maaaring gamitin ang bill na ito na pang-file ng kaso.

Nilinaw rin ni Rep. Tieng na ang Cyberboso Bill ay hindi lang para sa mga babae kundi pati sa mga lalaki.

"Actually, marami nga ang nagtanong nun sa akin. Kahit kanino puwede, babae o lalaki, puwede siya. Kung lalaki naman ang na-video-han o siya ang naagrabyado, puwede rin siyang mag-file ng kaso at gamiting pang-file ang bill natin."

Naitanong din kay Rep. Tieng ang tungkol naman sa eskandalong hinaharap ngayon ng aktor na si Mark Herras nang masangkot ito sa isang mahalay na webcam video.

Bagama't idinenay na ni Mark na siya ang nasa video o photo, ano pa ang maipapayo niya na puwedeng gawin ng aktor?

"Kung hindi naman siya yung nasa video, I guess hindi siya sakop nitong bill natin. Marami naman siyang ibang puwedeng ikaso doon, like siguro yung paninirang-puri o false accusations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang Cyberboso Bill kasi, hangga't hindi ikaw yung nasa video, bakit ka naman magpa-file ng kaso? Kasi pag ganun, parang inamin na niya rin na siya yun, di ba?"

May mga showbiz personalities na bang lumapit sa kanya para magpatulong sa Cyberboso cases?

"As far as showbiz is concerned, wala pa namang lumalapit sa amin," sagot ng kongresista. "Puro private individuals, mga estudyante, mga bata, yun po ang lumalapit sa aming opisina.

"Kasi, siyempre po, bilang mga artista, meron naman silang connections. Meron silang abugado na makakatulong sa kanila. Yung sa amin po, yung mga lumalapit sa amin, talagang walang-wala na talaga, e."

Ano naman ang masasabi niya sa mga artistang biktima, pero mas piniling manahimik?

"Sa atin naman po kasi wala naman kaso kung walang magpa-file o magdedemanda. May dalawang klase kasi ng tao 'yan: yung isang tao na lalabas at ipaglalaban talaga at merong isang tao na mananahimik lang.

"So, karapatan naman 'yan ng tao ikung ayaw niyang magsalita at kung ayaw niyang mag-file ng kaso," saad ni Rep. Tieng.

Puwede rin bang gamitin ang Cyberboso Bill ng mga artistang nakunan ng mahahalay na pictures at inilabas sa tabloids?

"Kung merong maseselang bahagi ng katawan diyan, puwede yun, puwede nating gamitin ang Cyberboso Bill. Pero kung candid shots, I guess sa Invasion of Privacy yun babagsak.

"Pero kung talagang compromising yung pagkuha at talagang... alam naman natin kung ano yung hindi magandang kuha, e. So, kung ganun po, puwede po nating isama yun sa Cyberboso Bill."

LOWERING AMUSEMENT TAX. Isa pa sa mga bill na isinulong ni Rep. Tieng na ipinapagsalamat ng showbiz industry ay ang Lowering of the Amusement Tax Bill o House Bill 4367 na naipasa na bilang Republic Act 9640.

Ang bagong batas ay nag-uutos na babaan ang ipinapataw na amusement tax, na mula 30 percent ay naging 10 percent na lang sa lahat ng kikitain mula sa admission rates sa mga sinehan. Binago nito ang Section 140 ng Local Government Code ng 1991.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito, tinanong ng mga press si Rep. Tieng kung sakop ba ng batas na ito ang taxes sa concerts?

"Ang ginawa kasi nating amusement tax ay sa movies, kasi yun po ang nag-lobby sa atin. As far as yung mga group ng singers natin, so far wala pa naman pong lumalapit sa atin na may ganitong concern. Ngayon ko lang po narinig na may ganitong concern din ang mga singers.

"As far as I'm concerned, ang pinag-uusapan natin ay yung theatrical movies, hindi po kasama ang concerts.

"Pero sa dati po, napagdebatehan na kung isasama yun o hindi, ang mangyayari po niyan ay nasa implementing rules and regulations po magbabase 'yan pag lumabas na po siya.

"Pero ako naman po, very open kami na tumulong na yung ating mga artists, ating mga singers, gusto nilang ma-lower yung amusement tax sa kanila, puwede naman silang lumapit sa akin at ipaglalaban ko yung kanilang cause."

ANTI-CAMCORDING BILL. Ibinalita rin ni Rep. Tieng na naipasa na rin ang isinulong niyang Anti-Camcording Bill para makatulong sa ating gobyerno sa pagsugpo ng piracy.

"Nung umupo kasi ako sa Congress, kinausap ko ang entertainment press at sinabi nga nila sa akin na dalawa ang problema ng industriya. Number one is taxation, number two is piracy.

"I did two bills, yun ngang Lowering of Amusement Tax, at yung Anti-Camcording ay para sa piracy. May parusa na po para sa pagkuha ng video kahit sa cell phone sa loob ng sinehan."

Kung dati raw ay madaling nakakalusot ang mga gumagawa ng ilegal na pamimirata, ngayon daw ay may kaukulang parusa na para rito.

"Dati po yung mga nahuhuli pina-file-an ng kaso, pero hindi nagma-materialize dahil wala ngang angkop na batas para rito. Ngayong meron nang Anti-Camcording Bill, ang mahuhuli ay puwede nang makulong."

PRO-LIFE STAND. Second term na ni Rep. Irwin Tieng na maupo sa Kongreso matapos ngang manalo ng Buhay Party-list sa national elections last May 2010. Kasama niyang nakaupo sa Kongreso para sa Buhay Party-list si Rep. Rene Velarde. Ang pangunahing ipinaglalaban ng Buhay Party-list ay ang pagsusulong sa pro-life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa nga sa tinututulan ng Buhay Party-list ay ang Reproductive Health Bill, pati na ang paggastos ng gobyerno para sa mga birth control methods gaya ng pagbili ng mga condoms.

"Kami ang stand namin sa Party-list, dapat hindi na po ang gobyerno ang magsabi sa atin kung ano po ang kailangan nating gawin. Kasi open naman ang lahat kung ano man itong mga contraceptives na ito, widely available naman siya, e.

"Kahit saan puwede kang bumili, sa TV makikita mo. Yung mga intra-uterine device, may mga health centers tayo, puwede mong gawin yan o sa ospital.

"So, ang akin lang, bakit kailangan pa ng estado na gumastos ng initial na tatlong bilyon para lang dito sa mga tao na ito, ng kokonting tao na ito na gustong pigilan ang buhay? Bakit hindi na lang 'yang tatlong bilyon na iyan... di ba, sabi natin ang tao asset? So, bakit hindi natin turuan magtrabaho, turuan natin ng lahat ng puwede nating ituro para mapakinabangan siya ng estado natin? So, hindi solusyon yun.

"Kami naman, naniniwala na itong Reproductive Health Bill ay hindi kailangan sa ngayon. Ang dami-daming problema ng bansa natin. Tapos yung pera diyan mo lang ilalagay."

Sa mga taong gustong lumapit at humingi ng tulong sa Buhay Party-list at kay Cong. Irwin, bukas raw ang opisina niya para sa lahat.

"Puwede silang pumunta sa Congress. Doon po tayo sa Southwing 402. Meron din tayong Hotline na puwede nilang tawagan—9316393."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN