Piolo Pascual sings in a concert despite a "blind eye"

IMAGE 0


"For some reason, I got too excited. Pag-backhand smash, right away, na-hit yung eye ko. It was a strong impact," kuwento ni Piolo kung paano nangyari ang aksidente while playing badminton.


Bulag man ang kaliwang mata dahil sa aksidenteng tinamo sa isang badminton game, itinuloy pa rin ni Piolo Pascual ang concert na natanguan para sa mga agents at employees ng Sun Life Financial Philippines (SLFP).

Tila walang humpay ang tilian at pagsigaw ng pangalan ni Piolo ng mga nanood sa intimate concert niyang Private Time with Piolo Pascual na ginanap sa The Forum Tent sa PICC, Pasay City, kagabi, October 9.

Mga kanta mula sa Decades album niya ang karamihang inawit ni Piolo sa di magkamayaw na fans na nahirapang pigilan ng nakapaligid na security. Tumatayo sa mga upuan nila't lumalapit sa stage ang mga kababaihan para lang makamayan si Piolo. Marami ang nakalusot sa security at nakakaakyat pa ng stage para lang magpa-picture with Piolo.

Pinagbibigyan naman ng tinaguriang "Ultimate Heartthrob" ang mga photo op ng fans habang nilalakad niya ang mahabang stage na ginawa para sa concert na iyon. Sa dami ng mga nagpa-picture kay Piolo, tinanong tuloy niya sa audience kung gusto ba ng mga ito na magpa-picture na lang sa kanya o kumanta pa.

Siyempre, mas gusto ng karamihan doon na kumanta ang 33-year-old actor-producer.

Sinamahan nina Vina Morales at ng singing group na 92 A.D. si Piolo sa kanyang concert, with Ryan Cayabyab leading the band na nag-aakumpanya sa kanya, at sa direksyon ni Director Johnny Manahan.

BLIND EYE. Pagkatapos ng concert, nagpaunlak si Piolo ng interview sa mga inimbitahang press people na naroon sa kanyang dressing room. Tinanong agad ang lagay ng kanyang pansamantalang nabulag na kaliwang mata.

"For some reason, I got too excited. Pag-backhand smash, right away, na-hit yung eye ko. It was a strong impact," kuwento ni Piolo kung paano nangyari ang aksidente niya. "There was a blood clot, so, bulag po yung gitna ko. So, slowly I'm seeing from the background closing in. And then yung blood clot unti-unting nagre-retract. But it's really double-vision."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nga raw tama ang balance niya noong kumakanta siya't hindi nga kasi makakita nang maayos ang kaliwang mata niya. Kanan lang daw talaga ang gumagana.

Under medication pa rin siya at sabi raw ng doktor ay babalik naman daw sa normal ang mata niya ng di katagalan, basta sundin lang ang medication niya at huwag munang maglaro ng badminton o kahit ano pang sport.

TOP TAXPAYER. Hiningi naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa panayam na iyon ang reaksyon ni Piolo sa pagkakasama sa Top 3 ng BIR's (Bureau of Internal Revenue) List of Top 500 Individual Taxpayers for 2008 (CLICK HERE for related article).

Ang listahan ay kinapapalooban ng 500 na indibiduwal na maayos na nakapagbabayad ng buwis sa gobyerno. Inookupa ng pangalan ni Piolo ang No. 3 spot.

"That is a major misconception!" natatawang una munang reaksyon ng nahihiya pang aktor sa pagkakasama nga niya sa listahan ng maaayos na magbayad ng buwis. Kapagkuwa'y umamin na rin ito na maayos nga siyang mag-file ng kanyang obligasyon sa gobyerno.

"I am an honest taxpayer. Everything for me is in black and white. I just present my books to my accountant and I pay everything I have to pay. Ayoko namang habulin ako ng BIR.

"I don't wanna say there is a discrepancy," tungkol naman sa amount na binayaran niya base sa listahan ng BIR na lumabas sa isang local business magazine.

"But anything to help our country, you know, pay your taxes on time and pay it right. So siguro ganun lang.

"Pero ako, hindi po ako ganun kayaman! Hindi po galing sa akin lahat iyon. Hindi po ako yun!" pa-humble at natatawa pang sabi ng aktor na tinawanan rin ng kaharap niyang mga miyembro ng press.

PIOLO THE PHOTOGRAPHER. Isa rin sa highlight ng concert ay ang pagpapakilala ng bagong collaboration between Piolo and Sun Life Financial Philippines (SLFP).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang Pasko ay naka-raise ng mahigit sa kalahating milyon ang SunPIOLOgy 2010 desktop calendars na nagpi-feature ng iba't ibang litrato ng mga lugar at landscapes na kuha ni Piolo. Nakakuha tuloy ng tulong sa kita ang Hebreo 12:1 foundation ni Piolo na nagpapaaral ng mahigit sa isang daang estudyante sa iba't ibang paaralan.

Ngayong taon naman, nag-partner muli sina Piolo at ang SLFP para sa panibagong koleksyon ng photography niya na nakapaloob naman ngayon sa isang planner for 2011.

Nature's four elements ang tema ng mga litrato at proud na proud nga si Piolo na ipakita ang mga kuha niya sa press during the interview. Biro nga ng press na naroon, mala-National Geographic ang dating ng kanyang mga litrato. May balak ba siyang mag-submit ng mga kuha niya sa international magazine?

"I'm actually hoping to do a thing for National Geographic," balita ni Piolo. "I wanna send photos that really represent the Philippines. There's a proposal, and I really hope to find [time in my] schedule to do it."

MESSAGE TO JUDAY AND RYAN. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kahit paano'y nagkaroon din ng kuneksyon ang pangalang Piolo Pascual sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. May nagdaan man sila noon na hindi maganda dahil sa palitan ng mga salita ay naging maayos na rin naman sila sa isa't isa.

Hiningan ng PEP si Piolo ng mensahe sa bagong magandang pangyayaring naganap sa mag-asawa, ang pagkakaroon nga ng bagong "bundle of joy" na pinangalanang Jose Luis Santos Agoncillo at may palayaw na "Lucho." (CLICK HERE for related story)

"Congratulations, Juday!" bati ni Piolo. "Gosh, finally si Lucho is born. And a lot of people waited for him. So I'm happy for Juday and Ryan. Finally, they have their own baby boy, and I hope marami pa. Napakasipag ng mag-asawa na iyon at napaka-blessed. I wish them well, of course."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN