Radio and TV broadcaster Joyce Ann Burton-Titular solicits Christmas- décor donations for orphans

IMAGE 0

Radio and TV broadcaster Joyce Ann Burton-Titular says her First Day of Christmas charity project is just a platform for a more important goal of The Edge Radio online Christian ministry where she and her husband belong. "The real purpose is for me and whoever wants to volunteer to go spend time with the children decorating. Parang doing a family thing.

"


Kung balak ninyong itapon na ang mga lumang Christmas decorations niyo, mag-isip-isip muna.

May pakinabang pa ang mga 'yan, ayon kay 1985 Binibining Pilipinas-Universe Joyce Ann Burton-Titular, para sa mga batang tutulungan ng kanyang First Day of Christmas Project.

Ang First Day of Christmas Project ay isang charity event na sinimulan ng dating beauty queen turned broadcaster at ng kanyang asawa na si Ron B. Titular bilang non-radio activity ng kanilang The Edge Radio online Christian ministry.

Layunin ng First Day of Christmas Project na hikayatin ang lahat na mag-donate ng mga luma nilang Christmas decor.

Pero may mas malalim pang layunin ang proyekto nina Joyce Ann at Ron Titular.

Nais nilang ihatid sa mga batang walang sariling pamilya at nangangailangan ng tulong at pagmamahal ang tunay na diwa ng Pasko—pagbibigayan at pagmamahalan.

Sabi nga ni Joyce nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa send-off ni 2010 Mutya ng Pilipinas-Tourism International winner Barbie Salvador sa Banana Leaf, The Podium, Pasig:

"The decoration is secondary. The real purpose is for me and whoever wants to volunteer to go spend time with the children decorating. Parang doing a family thing. Parang platform lang yung pagde-decorate.

"The real purpose here is to share the love of Jesus Christ, to be with the children, with the orphans, and hopefully some of my volunteers would be inspired to continue."

Tatlong taon na raw nilang ginagawa ang First Day of Christmas Project at sa tatlong taon na yun, may mga nagpatuloy nga sa pagtulong kahit tapos na ang Pasko.

"In the first year, one of my volunteers continued doing training every month to teenage orphans. Then last year, one of my other volunteers, she's a professora, she made a curriculum naman for this one other orphanage, she did it for free, cause they are starting a school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So this is not just a one day thing. I'm praying na the people who volunteer will continue visiting whatever charity organization we decorated that year," kuwento pa ni Joyce na isa nang voice-over talent ng cable channel na 2nd Avenue at newscaster ng RPN9.

Puwede rin naman daw na hindi lang lumang Christmas décor ang i-donate. Puwede ring bagong Christmas décor, o mas maganda, mag-donate na rin ng sweet treats, toys, pagkain at mga damit.

Para sa taong ito, ang beneficiaries ng First Day of Christmas Project ay ang Child House sa Quezon City at isang bahay-ampunan sa Pasig City.

"Child House sa PCSO, malapit sa Quezon Institute sa E. Rodriguez— it's a halfway house for kids with cancer. The second beneficiary is the Jesus Loves the Little Children Foundation, it's an orphanage in Pasig City."

Para sa mga interesado, maaari raw i-text o tawagan si Joyce sa kanyang cell phone number na 0918-9593343 para sa mga detalye at drop-off points ng mga donations.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN