Enzo Pineda doesn't believe rumors that Sam Concepcion walked out after being dethroned as Candy Top Celebrity Boy

IMAGE 0


"For me naman po, there's no competition. Siya yung top Candy cutie for the past four years. So I have so much respect for him and all the winners. Lahat kami panalo. Yung mapasok lang nga ako sa Top 10 masaya na ako," says Enzo Pineda about four-time Candy Top Celebrity Boy winner Sam Concepcion.


Ayaw raw isipin ng 2010 Candy Top Celebrity Boy na si Enzo Pineda na hindi tanggap ng ni Sam Concepcion ang kanyang pagkapanalo. Si Sam ang four-time winner ng Candy Top Celebrity Boy.

May ilan kasing binibigyan ng kulay ang biglang pag-alis ni Sam sa Candy event na ginawa sa A. Venue, Makati City, nung September 2, matapos i-announce na si Enzo na nga ang nasa No. 1 ng listahan ng cute Candy Celebrity Boys.

Sabi ni Enzo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last October 6, sa ibinigay na presscon ng GMA Artist Center sa 17th floor ng GMA Network Building, hindi daw niya napansin ang pag-alis ni Sam.

"Hindi naman po siguro totoo na nag-walk-out si Sam. Baka siguro tapos na yung number niya kaya umalis na siya. Hindi ko kasi napansin na umalis na siya kasi ang daming tao nung araw na yon," pahayag pa ni Enzo.

Sa tingin kaya niya, hindi tanggap ni Sam ang pagkapanalo niya gaya ng hinala ng ibang nakakita ng pag-alis nito?

"For me naman po, there's no competition. Siya yung top Candy cutie for the past four years. So I have so much respect for him and all the winners. Lahat kami panalo. Yung mapasok lang nga ako sa Top 10 masaya na ako.

"Kaya nga nagpapasalamat ako sa mga taong sumuporta sa akin. Yung mga taong nandiyan na kahit nasa StarStruck pa lang ako, hanggang ngayon nagpapasalamat talaga ako nang buong puso."

Nang tanungin ng PEP kung nagkita sila ni Sam, sumagot si Enzo na hindi. Pareho raw kasi silang busy sa kani-kanilang dance numbers.

"Tapos after ng number ko umalis na rin kami kaya walang chance na makapag-usap kami," nawika pa ng binata.

"I know naman na ia-approach niya rin ako if given a chance. Yun nga lang pare-pareho kaming artista na may iba pang lakad. Siguro next time na lang. Pero kinongratulate naman ako nung ibang mga winners like sina Ivan Dorscher."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakarating kay Enzo na kinarir daw talaga ng mga fans niya ang pag-text at pag-online vote. Todo pasasalamat naman ang binata. Nasa mga kabataan pala talaga ang bulk ng kanyang fans.

"Oo, at ngayon ko lang nalaman ito. Kaya pala hindi ako nakapasok sa Cosmo [Cosmopolitan Philippines Bachelors list]. Pang-Candy Cutie pala ako," nangingiting wika ni Enzo.

PREPARING TO INTERVIEW PACQUIAO. Ang ama ni Enzo na si Eric Pineda ang business manager ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. May balitang kasama raw si Enzo sa entourage ng Team Pacquiao sa pagpunta nito sa Texas, U.S.A., para sa laban ni Manny against Antonio Margarito. Totoo ba ito?

"Opo. Hopefully, ako po yung mag-i-interview kay Kuya Manny, and at the same time, hindi pa rin naman ako nakakapunta sa Texas. [This is] something new for me. Para at least makalibot din ako sa buong mundo at first time ko ring makakasama sa fight ni Kuya Manny.

Anong klaseng interview naman ang gagawin niya kay Manny?

"Interview talaga tungkol sa fight, tungkol sa kanyang paghahanda. Paghahandaan ko talaga ito nang sobra. For me naman, it's something new, dahil ako naman ang mag-iinterview ng tao. Pag-aaralan ko ito nang mabuti," sagot ni Enzo.

COMPARED TO ROCCO AND STEVEN. Kahit tapos na ang StarStruck V, silang tatlo pa rin nina Steven Silva at Rocco Nacino ang pinagkukumpara. Ano ang masasabi niya rito?

"Para sa akin, wala naman akong magagawa dun. Dahil siguro galing kami sa isang reality-based artista search kung saan kami nag-compete. Pero for me, lahat kami magkakaibigan. Siguro kung meron man, it's a healthy competition, dahil lahat kami naghihilaang pataas."

May pakiramdam ba siya na tila mas sikat sa kanya si Rocco o si Steven?

"Para sa akin hindi, kasi we have our own image. May sariling image si Rocco and si Steven has his own image also. So, meron kaming kanya-kanyang daan sa pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But of course, siyempre, as artists, we have to keep on improving. Hindi lang dapat dito ako, dapat marami akong natututunan. And of course mga bago kaming artista ngayon, what more kaya yung mga bago pang artistang darating. Kaya kailangan mag-level up talaga to prove yourself."

Kakaiba raw ang image na pino-project niya kesa as image nina Rocco at Steven. Ang sa kanya raw ay pang-Candy cutie na image.

Kung mas kilala raw sina Rocco at Steven ngayon, hindi naman siya nagmamadali at darating din ang panahon niya.

"Ngayon happy ako kasi hindi naman ako nagmamadali. Sina Rocco at Steven mga kuya ko na sila," sabi pa ni Enzo.

For now, masaya na siya sa kung ano ang imahe niya, yun ngang pang-bagets.

MORE CLOSE TO ROCCO. Between Rocco and Steven, sino ba ang mas ka-close niya?

"Si Rocco kasi magkasama kami sa Kaya Ng Powers, magkasama rin kami sa Party Pilipinas, pero definitely close din ako kay Steven."

Kung tutuusin magkakabarkada naman daw silang tatlo, pero ito ngang si Rocco ang mas madalas na kasama niya at kalaro pa sa PSP. Dahil sila nga ang laging magkasama kaya sila ang lagi ring pinagkukumpara.

Bale wala naman ito kay Enzo dahil katuwiran nga niya, "Nagtutulungan kami para umangat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN