Luigi Revilla wants to be an action star like his dad and lolo

IMAGE 0


Luigi Revilla's first project is Koreana, which is topbilled by Kris Bernal. Bong Revilla's 18-year-old son is an Entrepreneurship student at the Enderun Colleges at The Fort, Taguig City.


Isa na namang Revilla ang sasabak sa mundo ng showbiz—si Luigi Revilla, anak ng action star-host na si Bong Revilla Jr., sa isang non-showbiz lady na nagngangalang Lovely Guzman.

Sa press conference ng Koreana, kung saan miyembro ng cast si Luigi, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network noong October 5, sinabi ni Luigi na may basbas daw ng senador ang kanyang pag-aartista.

Aniya, "Bata pa ako, gusto ko na talagang mag-artista. Pero ayaw akong payagan ni Papa. Studies first daw. Kaya nang lumaki na ako, ako mismo yung nagsabi kay Papa na gusto kong mag-artista. At ngayong college na ako, ngayon lang ako pinayagan ni Papa."

Dagdag pa niya, "Gusto ko kasing maging katulad ni Papa at ni Lolo [former Senator Ramon Revilla Sr.] at ng mga kapatid ko—sila Jolo at Bryan at Ram."

At gusto rin daw niyang makilala bilang action star. "Lumalaban ako ng Muay Thai, alam kong makakatulong yun sa akin sa action."

Nang usisain siya tungkol sa reaksiyon ni Bong, "Congrats daw kasi ako yung nakuha para dun sa role. Pagbutihin ko daw 'tapos mahalin ko daw yung trabaho ko. 'Tapos wag ko rin daw pababayaan yung pag-aaral ko."

Sa Koreana, gaganap siya bilang Jess—isang Pinoy na nagpapanggap na isang Koreano para mapalapit kay Amy, na ginagampanan ni Joyce Ching.

Paano niya pinaghandaan ang role?

"Bale nag-workshop kami bago mag-start yung taping. Pero gusto ko pa ring mag-workshop ng acting, dancing at singing para na rin paghahanda," ang sambit ng isa sa mga binata ni Bong.

"Sinusubukan ko ring humarap sa mirror at nagpapanggap akong Koreano," sabay tawa ni Luigi.

Nag-aral ka ba ng Korean language?

Sagot niya, "Hindi, kasi ang role ko naman, Pinoy na nagpapanggap na Korean. 'Tsaka puro Tagalog lang yata yung script ko dito. Kung meron naman siguro, yung madadali lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Georgina Wilson ang showbiz crush niya, "kasi ang ganda-ganda niya... sobrang ganda talaga." Pero kung papipiliin siya ng kapareha, ipinapaubaya na raw niya sa GMA-7 ang desisyon.

Aniya, "Bahala na siguro yung GMA-7 kung sino ang ibigay nila sa akin. Para sa akin kasi, trabaho lang. Alam ko naman na alam nila kung sino ang babagay sa akin."

Balik ang topic kay Georgina. Hindi pa raw niya nakikita ang 24-year-old model. "Sa pictures pa lang sa magazine, pero gandang-ganda talaga ako sa kanya," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN