John Lloyd Cruz denies report that Shaina Magdayao is like a "detective" tracking his whereabouts

IMAGE 0


"Bilang isang kapareha... she will go out of her way to see kung okay ka, kumportable ka. Huli kong nakatrabaho na maalaga rin, e.... Yun nga, may pagkain ka, parang si Angel is one of my leading ladies na ganoon," says John Lloyd Cruz about Imortal leading lady Angel Locsin.


Malaki ang pasasalamat ni John Lloyd Cruz dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa unang linggo ng kanyang bagong primetime series sa ABS-CBN na Imortal. Katambal niya rito sa kauna-unahang pagkakataon si Angel Locsin.

"Siyempre, nagpapasalamat ako sa lahat ng tumutok at sumubaybay sa unang linggo ng Imortal. Nakakatuwa kasi yung kaba namin bago kami umere, napalitan ng mas nakaka-inspire.

"Kumbaga, 'eto na, 'eto na...sa simula, nagustuhan kayo. Ang bigger challenge is paano n'yo ma-maintain yung interes ng viewing public," pahayag ni John Lloyd sa thanksgiving presscon ng Imortal kagabi, October 11, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Tinanong ng PEP si John Lloyd, na gumaganap bilang vampire sa Imortal, kung kasama ba sa naging paghahanda niya sa kanyang role ang pagbabasa at panonood ng Twilight series.

Ang Twilight ay ang best-selling vampire-romance novel ni Stephanie Meyer tungkol sa love triangle sa pagitan ng isang mortal (Bella Swan), isang bampira (Edward Cullen), at isang werewolf (Jacob Black). Isinalin din ito sa pelikula na pinagbidahan nina Kristen Stewart, Robert Pattinson, at Taylor Lautner.

"Of course, lahat naman pinanood ko," sagot ng award-winning actor. "Pero siyempre, hind mo sila puwedeng gawin basis mo.

"Unang-una, iba ang orientation ng foreign moviemaking. Iba sila, e, foreigner sila sa atin. Iba yung orientation. At saka, sa amin din, bilang gumagawa ng character, may pusong tao at may pusong Pinoy pa rin."

THE WAIT IS OVER. During the presscon proper, sinabi ni Angel na matagal siyang naghintay kay John Lloyd para makasama sa isang proyekto. Ganun din naman daw ang nararamdaman ng aktor para sa kapareha.

"Ako rin naman.... Naalala n'yo dati, noong ni-welcome siya sa ASAP, yung may red carpet doon sa kotse... Mula noon pa lang, naghihintay na tayo.

"Nasa kabila [GMA-7] pa 'yan, kapag tinatanong ako noon 'kung sino ba gusto mong makapareha sa kabila,' palagi, on top of my list, si Angel," saad ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, worth the wait naman?

"Ay, yeah!" mabilis niyang sagot. "Kakaibang experience."

Nang tanungin naman kung sino ang babaeng gusto niyang kagatin para maging imortal kung nagkataong bampira nga siya, si Angel ang isinagot ni John Lloyd. Ito ay sa dahilang suwerte raw kapag naging kaibigan ang young actress forever.

Bakit niya nasabi yun?

"Mayaman siya!" biro ni John Lloyd.

So, galante si Angel?

"Ay, napaka-galante niyan, napaka-galante!" bulalas niya. "Hindi naman sa akin, pero yung pagka-galante ng isang tao, hindi lang naman sa kapwa niya artista kung hindi maging sa mga ibang tao sa set. Talagang bibilib ka. Napakagaling makisama, maayos mag-alaga."

Sa kanya, paano mag-alaga si Angel?

"Bilang isang kapareha, bihira yung... she will go out her way to see kung okay ka, kumportable ka. Huli kong nakatrabaho na maalaga rin, e.... Yun nga, may pagkain ka, parang si Angel is one of my leading ladies na ganoon."

Pero siya naman daw ay maasikaso rin kay Angel.

"Maasikaso rin naman tayo sa leading lady. It's just that, siya rin, maasikaso ang ka-partner mo," sabi niya.

GOING SMOOTH. Tinanong din ng PEP kay John Lloyd ang intrigang nagkakalabuan daw at madalas daw silang magkaroon ng problema ng girlfriend niyang si Shaina Magdayao.

Lumabas sa ilang reports na kesyo parang "detective" na si Shaina kay John Lloyd at mino-monitor raw kung nasaan ang kasintahan. Tulad daw minsan na gumamit ng tracking device na Global Positioning System (GPS) si Shaina. Nang tanungin daw ni Shaina ang kasintahan kung nasaan ito, sinabi raw ng aktor na nasa ELJ Bldg. siya ng ABS-CBN, pero ang lumabas daw sa GPS ay nasa bandang South ito.

Pero itinanggi ni John Lloyd na may katotohanan ang bagong intriga sa relasyon nila ni Shaina.

"Hindi po totoo. Hindi po totoo yun," diin niya. "Okay po kami. Our relationship is going smooth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At yung GPS, hindi po totoo yun. Wala po kaming ganoong technology sa mga hawak naming cell phone."

Lumalabas din ang pangalan ng dating na-link kay John Lloyd na si Ruffa Gutierrez, na siya raw ang dahilan ng madalas nilang pag-aaway ni Shaina. Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?

"That's not true. Wala, walang ganoon. Walang away at lalong hindi dahil sa kanya kung mag-aaway," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN