Ruffa Gutierrez on ex-flame John Lloyd Cruz: "Hindi naman ikahahaba ng hair ko kung tumatawag siya o hindi."

IMAGE 0


"For me, kahit na maraming babaeng dumating sa buhay niya—and I'm sure maraming babaeng darating sa buhay niya kasi bata pa siya—ang masasabi ko lang, at least naging parte siya ng buhay ko, at hanggang ngayon, at siguro hanggang sa pagtanda namin, magkaibigan pa rin kami. The same way na kaibigan ko si Aga [Muhlach], kaibigan ko si Zoren [Legaspi]," says Ruffa Gutierrez about ex-boyfriend John Lloyd Cruz.


Sinabi ni Ruffa Gutierrez na mali ang mga kumalat na balitang nag-break na sila ng Smartmatic president and Venezuelan businessman na si Cesar Flores.

"Paano naman kami magbe-break, e, hindi naman kami naging mag-on?" sagot ni Ruffa.

Hinarap ni Ruffa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga naghihintay na press matapos ang launching ng ini-endorse niyang Avon Jet Holiday and Fashions Dare to Dazzle Jewelry Collection kagabi, October 12, sa Society Lounge, sa Makati Ave.

Sabi pa ni Ruffa, naging OA lang daw ang mga balita sa kanila ni Cesar. Wala naman daw talagang nangyaring espesyal sa kanila. "After JL, wala pa akong nakakarelasyon," paglilinaw pa ni Ruffa.

Ang JL na tinutukoy ng former beauty queen ay ang aktor na si John Lloyd Cruz.

STILL IN TOUCH? Pero kahit na wala na nga sila ni John Lloyd, may mga usap-usapang tuloy pa rin daw ang communication nila though texting. Ano ang masasabi ni Ruffa dito?

"Alam n'yo, mahirap magsalita tungkol diyan, because I've heard a few things that he said. But you know, for me, I'd like to keep it private.

"Kasi kung ano ang press release niya sa inyo, baka iba yung sinasabi niya sa inyo, iba ang nangyayari sa totoong buhay.

"But for me, life goes on. For me, he's a part of my past, he's still a good friend. I have no issues whatsoever.

"And hindi naman sa ikahahaba ng hair ko kung tumatawag siya o hindi. To me, it doesn't really matter.

"For me, I treat everyone who's been a part of my life as a friend. So, the issue naman here is nobody needs to be worried. I'm living my life, I'm dating other people, and I'm happy," pahayag ni Ruffa confidently.

Pero nasasaktan ba siya kapag itinatanggi ng box-office actor na may komunikasyon pa rin sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako nahe-hurt. If JL says that we're not talking, you know, maybe he has some issues that he needs to cover up for, he has things that he needs to protect, and I respect that.

"Hindi ako nahe-hurt, kasi, first of all, hindi kami. So, he can say whatever he wants and it doesn't really affect me.

"Like I said, my statement to all of you—which is the truth and how I really feel—is whether he calls me or not is not the big issue.

"For me, he was a part of my life, and he will always be a part of my life, whether or not he's in a relationship now. I'm outside of that equation."

OUT OF THE EQUATION. Gusto raw kasi ni Ruffa na kung may nangyayaring anuman sa estado ng relationship ni John Lloyd at ng girlfriend nitong si Shaina Magdayao—dahil nga sa napapabalitang diumano'y komunikasyon pa rin nila ng dating boyfriend—huwag na siyang idamay.

"For me, kahit na maraming babaeng dumating sa buhay niya—and I'm sure maraming babaeng darating sa buhay niya kasi bata pa siya—ang masasabi ko lang, at least naging parte siya ng buhay ko.

"Hanggang ngayon, at siguro hanggang sa pagtanda namin, magkaibigan pa rin kami. The same way na kaibigan ko si Aga [Muhlach], kaibigan ko si Zoren [Legaspi].

"Leave me out of the equation. Pag sinasabing ako ang pinag-aawayan, ako'y nasa-shock na lang. Wala akong alam diyan.

"And I also would like to tell JL na I never talked about him. People are just saying about these things, at parang wala... walang issue at all," sabi pa ni Ruffa.

Maging sa mga napapabalitang "sightings" sa kanila ni John Lloyd ay may reaksiyon si Ruffa.

Tinanong ng PEP kung ano ang reaksiyon niya dito at kung may iritasyon na ba siyang nadarama sa patuloy na pagli-linksa kanya kay John Lloyd kahit na wala nga sila at may kanya-kanya nang buhay mula nang maghiwalay sila bilang magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, hindi maiiwasan 'yan, kasi pareho kaming artista ni John Lloyd. And I think a lot of people are still speculating.

"And kahit na gusto naming patayin yung issue, people somehow are still interested and wala na tayong magagawa dun. We're in the business and it doesn't bother me at all.

"No, it doesn't irritate me, nothing irritates me.

"My God, life is so beautiful! Why be negative about anything? Hindi naman nakakadiri si John Lloyd para ma-link ako sa kanya at mandiri ako, di ba?

"They can say whatever they wanna say. I know what the truth is."

SHAINA-JOHN LLOYD FIGHT. Nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa tsismis na nag-aaway na raw sina Shaina at John Lloyd dahil sa patuloy na pagli-link pa rin sa kanya ng binata, ito ang sagot ni Ruffa:

"You know, I don't wanna talk about other people's relationship. Because I have my own life to worry about and I have two kids that I have to focus on. So I don't wanna talk about people that don't concern me."

Kung nag-aaway man daw sina Shaina at John Lloyd, kung may katotohanan man ito o wala, wala na raw siyang pakialam.

"That is such old news! Haven't you heard, I'm dating other people," diin pa ni Ruffa sa pagsasabing labas talaga siya kung may problema man sa relasyon nina Shaina at John Lloyd.

Maganda naman ang reaksiyon ni Ruffa nang marinig na nakiusap si Shaina sa entertainment press kamakailan na huwag nang idamay pa si Ruffa sa issue sa relasyon nila ni John Lloyd.

"Oh, thank you. As long as hindi ako lumalabas na negative, it's fine. I mean, we are in a such small industry.

"And I think that's what really happens in the Philippines, na everyone knows each other and at one point, lahat kayo... ex mo yesterday, kaaway mo tomorrow, bati na naman kami the next week...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, for me, especially when it comes to negative things, I really wish na hindi ako ma-involve sa mga ganyan.

"Like I said, I have nothing but good words for the person [John Lloyd], and whether he calls me or not, like I said, it's not really important," sabi pa ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN