Ruffa Gutierrez to John Lloyd Cruz: "If you're going to stay away from me, just please walk your talk and practice what you preach."

IMAGE 0


"Kung hindi mo kayang panindinigan ang ginagawa mo, huwag mo na lang gawin at huwag mo na lang akong tawagan. Because I have better things to do!" says Ruffa Gutierrez to John Lloyd Cruz.


Nadugtungan na naman ang usapin tungkol sa pakikipag-communicate pa rin ni John Lloyd Cruz sa nakarelasyon niya noong si Ruffa Gutierrez.

Noong una kasi ay itinanggi ni John Lloyd na tinatawagan pa rin niya si Ruffa. Pero ibinuking ni Dra. Vicki Belo sa isang panayam na totoong tinawagan ni John Lloyd nang ilang beses si Ruffa noong nasa Middle East sila. (CLICK HERE to read related story.)

Pagkatapos nito ay umamin si John Lloyd na totoo ngang tinawagan niya si Ruffa. Pero sinabi rin ng aktor na lalayuan na niya ang TV host-actress para matigil na ang isyu sa kanila. (CLICK HERE to read related story.)

Sa episode ng Paparazzi noong Linggo, October 24, ay sinagot naman ni Ruffa ang mga pahayag ni John Lloyd sa TV Patrol at SNN. (CLICK HERE to read related story.)

"Alam mo, mula nang ma-link ako kay John Lloyd, ang dami ko nang narinig na paninira sa akin," simula niya.

"Kung anu-anong pangalan ang itinawag sa akin ng mga tao. You know, 'laos, ginagamit ko lang siya for publicity, matrona, matanda...' All of a sudden, naging matrona akong bigla, di ba?

"You know, lahat ng klaseng masasakit sinabi na nila sa akin. And, you know, nandito ako sa industriyang ito hindi para manggamit, hindi para sumikat dahil matagal na akong kilala ng mga tao.

"I'm here because this is my job. I have two kids at kailangan ko silang buhayin. So, I would like to end this issue today at ayokong pag-usapan na siya kasi hindi ko naman pinangarap na maging ka-love team si John Lloyd, okay?

"So, I just feel right now, I'm so vindicated and I feel God is so good kasi lumalabas na ngayon ang totoo.

"In the first place," patuloy niya, "hindi naman ako ang nagpakalat na tumatawag siya sa akin. It was Mo [Twister].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman ng tao na nilaglag niya ako at pag ni-review n'yo yung lumabas no'n, I didn't even deny it and I didn't also admit it. I just said, 'Don't ask me this question, hindi ko naman birthday.'

"So, I mean, masakit para sa akin na nakakarinig ng mga kung anu-anong bagay and I'm very happy na meron akong mga tunay na kaibigan, katulad ni Dr. Vicki Belo, para ipagtanggol ako kasi alam naman niya ang totoo.

"Right now, I could sit here and call all of you, 'Oh, look, o, mga messages ni John Lloyd! Look at the pictures, look at the videos!' But I won't do that kasi may pinagsamahan kami and wanna keep my dignity and I wanna be class above this...

"So, for me, if you're going to stay away from me, John Lloyd, just please walk your talk and practice what you preach. Kasi it's not enough that you're cute and lovable. You should also have to have a backbone.

"Kung hindi mo kayang panindinigan ang ginagawa mo, huwag mo na lang gawin at huwag mo na lang akong tawagan. Because I have better things to do! That's all I'm gonna say!" mariing bitaw na pahayag ni Ruffa.

Nabanggit ni Mo na tinawagan daw ng manager ni John Lloyd si Dra. Belo para kuwestyunin sa ginawa nitong pambubuko sa pagtawag ng aktor kay Ruffa. Ano ang reaksiyon ni Ruffa dito?

"I've heard about it. If ever it's true, nakakaawa din naman on the part of Dr. Vicki Belo. She's just saying the truth. She didn't say nasty [things] about the person. She just revealed the events of what happened para ipagtanggol ako. Siyempre, babae rin ako at kaibigan ako ni Dra. Vicki Belo.

"You know, for now, enough is enough. I mean, because of these inconsistencies and because hindi niya [John Lloyd] alam kung anong gusto niya sa buhay niya, maraming taong nasasaktan. Maraming relationship ang nasisira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully, yung relationship ko with Tita Mariole [Alberto] and Mr. M [Johnny Manahan] will still be okay. But, you know, yung kanyang [John Lloyd] mga indecisions sa buhay at yung mga pagtawag-tawag niya, hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya, maraming nasasaktan.

"So, if I were you, JL, just be happy with your life and let's stop all these because it's not worth it," pahayag ni Ruffa.

Bilang pagtatanggol kay Ruffa, sinabi naman ni Mo Twister na hindi laos at hindi nito ginagamit si John Lloyd. Katunayan daw ay nagdala ng karangalan sa bansa si Ruffa nang magwagi itong 2nd runner-up sa Miss World noong 1994.

Dagdag naman ni Ruffa: "'Saka, my God, ang dami namang lalake diyan na kaya akong ipagtanggol."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN