Dra. Vicki Belo confirms John Lloyd Cruz made several calls to Ruffa Gutierrez

IMAGE 0


"Dine-defend ko lang si Ruffa kasi baka akala ng mga tao na si Ruffa ang naghahabol. Hindi po totoo na siya ang naghahabol. May ibang tawag nang tawag," says Dra. Vicki Belo (right) on John Lloyd Cruz's (inset) denial that he still calls Ruffa Gutierrez (left).


Nakahanap ng kakampi si Ruffa Gutierrez sa katauhan ni Dra. Vicki Belo na makapagpapatunay na totoong tinatawagan ni John Lloyd Cruz ang TV host-actress. Ito ay matapos i-deny ng aktor na tinatawagan at tine-text pa niya si Ruffa matapos ang kanilang "special relationship."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at mga TV crew sina Ruffa at Dra. Belo kahapon, October 20, sa Belo Clinic sa Medical Plaza Building sa Makati City, bago isagawa ni Dra. Belo ang bodytite medical procedure kay Ruffa para maalis ang mga loose skin niya sa tiyan.

Paglilinaw ni Ruffa, taliwas sa mga lumabas na balita, hindi siya ang nagsabing tumatawag si John Lloyd sa kanya kundi ang co-host niya sa Paparazzi na si Mo Twister sa isang episode ng show nila.

"I never said it," sabi niya. "You know you have to get your facts straight. Kahit sa E-Live [showbiz talk show ng ABS-CBN], I'm sorry to say, nakalagay kasi dun na Mo is fidgeting through my phone and saw the messages. That's not true.

"The thing is, ang sinabi ni Mo, nag-dinner sila ni Dra. Vicki Belo at saka ni Hayden [Kho]. Tapos naikuwento ni Vicki sa kanya, not knowing na this madaldal Mo would say it on air. So, pati ako nagulat.

"Off-air nga, sabi ko, 'Uy Mo, baka naman this would cause issues.' So, nasabi na niya. And yung staff namin [sa Paparazzi], ayaw namang i-edit dahil siyempre scoop nila yun. So, yun 'yon, that was the start of it.

"I never said na he was calling me. I mean, what for, hello! So, it was just Mo na ikinuwento nga sa kanya ni Dra. Belo.

"Hindi totoo na si Mo goes through my phone, okay. Minsan ang ginagawa ni Mo, pag nagte-text ako, nandiyan pala siya sa likod, tumitingin sa phone ko. So, now actually, hindi na ako nagdadala ng phone sa set, whatsoever," paliwanag ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DRA. BELO TO THE RESCUE. Tungkol naman sa pagde-deny ni John Lloyd na tumawag siya kay Ruffa, to the rescue naman si Dra. Belo sa TV host-actress.

Pinatotohanan ni Dra. Belo na may tawag nang tawag kay Ruffa nung magpunta sila sa Dubai at Lebanon. Bagamat hindi direktang binanggit ni Dra. Belo ang pangalan ni John Lloyd, malinaw naman ang tanong sa kanya ng PEP at ng media tungkol sa pagtawag ng aktor kay Ruffa at pagde-deny nito.

"Ganito ang nangyari and sasabihin ko talaga ang totoo," simula ni Dra. Belo. "Hindi niya [Ruffa] alam na tinitingnan ko kung sino ang tumatawag. Kasi pagdating na pagdating namin sa Dubai, wala pang five minutes, nag-ring na ang telephone.

"So, ako naman, akala ko kung si Cesar [Flores, Smartmatic president] ba o whatever. Nagbe-breakfast kami sa Dubai, 5 a.m. yun ng Manila time. Aba, nakita ko ang pangalan! Sabi ko, 'Aha!' Pero hindi ko siya [Ruffa] sinabihan, wala akong sinabi.

"Tapos itong babaeng ito, kukunin niya ang phone, lalabas tapos makikipagkuwentuhan nang matagal. Sabi ko, 'Hmmm, mukhang tawag nang tawag yata yung taong yun kasi kakadating lang namin, nag-ring na.'

"So, tahimik lang ako. Hindi ko sinabi kay Cristalle [Henares, Belo's daughter].

"Tapos pagdating namin ng Lebanon, nangyari ulit kaagad-agad. Pagdating namin, tumawag ulit. The next day, breakfast, tumawag na naman.

"In fairness, nag-dinner kami ni Mo... Nakalimutan ko na si Mo ay may show. Kasi dati pag nagkukuwentuhan kami ni Mo, hanggang doon lang naman. E, ngayon pala, I have to be careful.

"So, in-announce naman ni Mo. Sabi ko, that wasn't supposed to be for public consumption," mahabang salaysay ni Dra. Belo.

Gusto lang daw ipagtanggol ni Dra. Belo si Ruffa sa pangit na impression ng mga tao.

"Dine-defend ko lang si Ruffa kasi baka akala ng mga tao na si Ruffa ang naghahabol. Hindi po totoo na siya ang naghahabol. May ibang tawag nang tawag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ako nakita ko at naririnig ko yung boses. Kilalang-kilala ko yung boses nun, 'no! Medyo Belo din siya," dagdag pang clue ni Dra. Belo, na obvious namang si John Lloyd ang tinutukoy.

STILL FRIENDS WITH JOHN LLOYD. Ayaw namang idetalye ni Ruffa kung ano ang pinag-usapan nila ni John Lloyd sa phone.

"Ako, I'll just keep quiet na lang, being a girl," pa-sweet na sabi ni Ruffa.

Hindi naman daw sumama ang loob niya kahit na idinenay ni John Lloyd na tumatawag ito sa kanya.

"For me naman, there's no issue whatsoever. I mean, he can call me ten times a day or he can call me once a year. You know, JL and I are still friends.

"I think yung denial niya ang nag-instigate ng maraming reactions. Because for me, it's no big deal. Wala naman sa akin yung sinasabi na may malisya. Walang malisya at all.

"Walang problema sa amin ni JL. I even told him nung naghiwalay kami ng maayos na whenever he needs a friend he can call me. So, ayun."

Never naman daw silang naging magkaaway ni John Lloyd.

"Once and for all, I just like to say na hindi kami magkaaway ni John Lloyd. Hindi kami mag-on ni John Lloyd. Kung tumatawag siya o hindi, bilang magkaibigan na lang yun.

"So, kung meron siyang dapat i-deny, e, nasa sarili na lang niya yun. Basta for us, kami ng pamilya ko, wala kaming kaaway. And definitely, hindi namin kaaway si John Lloyd.

"I've moved on a long time ago. Kung may communication man, it's strictly friendship," diin ni Ruffa.

So, walang dapat pagselosan ang girlfriend ni John Lloyd na si Shaina Magdayao?

"Wala naman akong alam sa relasyon ng ibang tao. You know, as long as hindi ako lumalabas na masama, walang problema. I don't want to talk about other people's relationships coz my lovelife is boring."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi niya na isang numerologist ang nag-reveal na ang signs daw nilang dalawa ni John Lloyd ang mag-soulmate at sila umano ang magkakatuluyan?

"Well, if that's what they say. I mean, wala akong magagawa kung yun ang signs namin. At wala akong magagawa, hindi ko naman puwedeng ibahin ang sign ko at ibahin ang sign niya. So, kung yun ang sinasabi ng mga signs, okay, wala akong magagawa."

So, open ba siya sa possibility na magkabalikan sila ni John Lloyd?

"Ay, ayokong pag-usapan yung mga 'yan, ha!" iwas ni Ruffa. "Hindi, kasi according din sa numerology, I shouldn't fall in love this year.

"Me naman, I believe in God and I follow my heart. But right now kasi, ang dami ko kasing inaasikaso at wala sa utak ko yung pakikipagrelasyon."

Pero nakikipag-date naman siya sa iba?

"Yes, I'm dating naman," nakangiting sagot ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN