TJ Trinidad wants to take movie directing seriously

IMAGE 0


Aside from acting, TJ Trinidad has also ventured into directing and writing. His first feature film, Ang Kahihinatnan ng Aking Mga Kabalbalan, was featured in Cinemalaya Film Festival this year.


Bukod sa pag-aartista, nais ni TJ Trinidad na seryosohin ang pagiging isang direktor.

In fact, nakagawa na siya ng isang indie movie, Ang Kahihinatnan ng Aking Mga Kabalbalan, sa ilalim ng sarili niyang produksiyon, ang Mind The Gap Films. Una itong ipinalabas sa Cinemalaya Film Festival this year.

"I wrote and directed it, and recently yun lumabas, September. And it's showing in the provinces now.

"It stars Jodi Sta Maria, Gina Alajar, Ketchup Eusebio, Epi Quizon, Bobby Andrews, ako, si Che Ramos, tapos may cameo [role] si Leo Martinez, si Ricky Davao. I did this, I shot this during Zorro," kuwento ni TJ sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Beauty Queen sa Studio 5 ng GMA Network Center noong Martes ng gabi, October 12.

Bakit this year lang ipinalabas ang pinakaunang pelikulang idinirehe niya?

"Kasi matagal yung editing, yung preparation, yung post-prod. Matagal, e," paliwanag ng actor-director.

Nagsimula raw ang lahat sa pagsusulat ni TJ ng isang script.

"Kasi nasulat ko siya, e. So after you wrote it, sabi ko, what else is, you know, the natural progression of it? So I wanted to direct it then."


Hindi raw sana siya parte ng cast ng movie niya.

"I didn't want to act in it though. But everything, like the time for it, fell on my lap.

"Kumbaga, yung availability ko siyempre, I couldn't wait for the availability of another actor and all that. Kasi ang hirap mag-schdeile ko. I just did it."

Proud si TJ sa cast niya. "I got very good actors."

Definitely, may plano si TJ na sundan ang una niyang directorial venture.

"Oo. I'm trying to write something else now. Pero with regards with me writing and directing, matagal pa. Kasi I'm still writing another one."

Open din siya sa opportunity na magdirek ng script ng iba. Aniya, "With regards with just directing other people's work, sana. Sana magkaroon ako soon, like within next year."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang mga paborito niyang directors?

"Ako, I like sila Darren Oronofsky [Requiem For A Dream, The Fountain], Christopher Nolan [Batman Begins, The Dark Knight, Inception].

"Sa local, of course you have the greats... You have like Ishmael Bernal, you have Mike de Leon, you have Lino Brocka...

"Although Brocka is more of an actor's director. So you know, basta parang... still, it's so effective, coz with regards to directing, parang I'm sort of like that. I'm so involved with the acting of my artists."

WORKING WITH IZA. Kinumusta naman ng PEP si TJ at ang working relationship nila ng leading lady niya sa Beauty Queen na si Iza Calzado.

"You know, I really haven't bonded with her or spoke to her since Pilyang Kerubin, yung nag-one week kami na guesting. She seems all right, she seems good, she seems very happy about this project.

"I'm very proud of her, that she's back in primetime. So, I'm excited for her and the whole project. I mean, she's good!" saad ni TJ.


Happy siya for Iza, lalo pa't alam niyang nag-effort si Iza na paghandaang mabuti ang naturang project.

"Yeah, yeah, super! I mean, she worked hard for it. Talagang gym, tapos yung pagkain niyan, may buong fridge siyang dinadala kasi may sarili siyang menu na halos puro vegetables and fruits. You know what I mean?

"She really worked hard for that. So, yeah, I'm very proud of her."

May intimate scenes ba siya with Iza dito sa Beauty Queen?

"I have no idea kasi we didn't...wala pa yung script. I mean, we only have week one of the script, you know. So as it comes along, we'll find out."

Magsisimula nang mapanood ang Beauty Queen sa October 18.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN