John "Sweet" Lapus attends screening of Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival

Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg"> Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg"> Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg">

Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg"> Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg"> Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg"> Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg">

IMAGE 0


"Kapag nasa ibang bansa ka pala representing a movie na galing sa sarili mong bansa, hindi mo alam ang magiging feeling mo. Basta, you are proud to be Filipino. Parang dala-dala mo ang bandila ng Pilipinas," says John "Sweet" Lapus.


Proud na proud ang TV-movie-stage comedian and TV host na si John "Sweet" Lapus dahil naimbitahan ang box-office hit comedy film na Here Comes The Bride sa 15th Pusan International Film Festival (PIFF) in Korea, na ginanap mula October 7 to 15. Isa si Sweet sa cast members ng pelikula, na kinabibilangan din nina Eugene Domingo, Angelica Panganiban, Tuesday Vargas, at Jaime Fabregas.

Kuwento ni Sweet sa PEP (Philippine Entertainment Portal) through Facebook, first time niyang makarating sa isang international film festival kaya malaki ang pasasalamat niya sa producer nilang si Atty. Joji Alonso.

"Madami na akong pelikulang ginawa, pero now lang ako nagkaroon ng movie na na-invite sa isang international film festival. But I've been to Korea na. That was six years ago noong kunan ang homecoming ni Sandara Park sa Seoul. Kaya first time ko sa Pusan.

"Anyway, I am so thankful kay Atty. Joji at isinama niya talaga ako para ma-experience ko kung ano ang pakiramdam. Isang unforgettable experience ito talaga.

"Sa totoo lang, kapag nasa ibang bansa ka pala representing a movie na galing sa sarili mong bansa, hindi mo alam ang magiging feeling mo. Basta, you are proud to be Filipino. Parang dala-dala mo ang bandila ng Pilipinas.

"Ako, para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa. Lalo na sa Pusan, nakakatuwa ang mga Koreans. Very appreciative sila sa mga pelikula na gawa ng ibang bansa. Masarap ang feeling na pinapalakpakan nila ang pelikula," tuluy-tuloy na sabi ni Sweet.

GAY ACTOR. Nalaman ni Sweet na wala pa palang matatawag na "gay actor" sa Korea. Sa Korean films kasi ay bihira na magkaroon ng gay character. Kaya aliw na aliw raw ang mga Koreano nang panoorin nila ang Here Comes The Bride, lalo na sa character ni Sweet na nakipagpalit sa character ni Jaime Fabregas.

Ani Sweet, "Yun nga ang nakakaloka, kasi wala pala silang tulad ko na bading na artista. Kaya siguro natutuwa sila sa akin sa movie. At sa mga movies nga nila, bihirang-bihira ang may gay character. Hindi tulad sa atin na okey lang na may bading sa pelikula at TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakainggit nga ang Korea kasi very open sila sa tulad ng movie namin. Gusto nilang mapanood ang mga gawa ng ibang directors from different countries.

"Sa kanila kasi, three to five Hollywood movies lang ang nakakapasok sa bansa nila every year. Mas marami ang movies nila na ipinapalabas doon. Kaya naman kilalang-kilala ang Korean movies sa buong mundo. Bongga silang mag-market ng pelikula nila."

HERE COMES THE BRIDE IN PUSAN. Ikinuwento rin ni Sweet sa PEP kung paano nakarating ang Here Comes The Bride sa PIFF 2010 bilang isa sa mga Asian films for exhibition sa Open Cinema section.

"Si Mr. Kim na Program Director ng Pusan International Film Festival ang mismong nakapanood ng Here Comes the Bride sa Cinemalaya a few months ago. Siya mismo ang nag-request na masama ang movie sa Open Cinema category ng 15th PIFF."

Pitong pelikula lang daw ang ipinalabas sa open theater na hangang 5,000 people ang nanood. Bukod sa Here Comes The Bride ay nakasama rin ang mga sumusunod: The Bang Bang Club (South Africa), The Butcher, the Chef and the Swordsman (China), The Lightning Tree (Japan), The Passion (Italy), The Sandman and the Lost Sand of Dreams (Germany), at Zebraman 2 (Japan).

Ayon kay Sweet, "Ang common sa seven movies na 'yan ay lahat naging box-office hit sa kani-kanilang bansa. Kaya bonggang-bongga ang mga napanood nila sa Pusan."

Kasama niyang nagpunta sa Pusan ang co-star niyang si Eugene Domingo, ang producer nila na si Atty. Joji Alonso, at ang direktor nilang si Chris Martinez.

"Bale second time na nila Uge at Direk Chris sa PIFF," banggit ni Sweet. "Noong 2008 ay naimbitahan ang movie nila na 100 at nanalo ito ng Audience Choice Award. Ang taray, di ba?"

Ikinuwento rin ni Sweet ang paglakad nila ni Uge sa red carpet noong opening night ng PIFF last October 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasama naming rumampa ang mga Korean stars at iba pang international stars na nandoon. Pinapalakpakan kami ng mga Koreano kahit hindi naman kami kilala. Super-announced lang na 'Philippine Actor Eugene Domingo and John Lapus!' Palakpakan at pa-picture na sila.

"Ang bongga, pinalabas sa buong Korean yung event. Live ang red-carpet opening. Pag-uwi namin sa hotel, naabutan pa namin ang delayed telecast. Nakakaaliw!"

Sabi pa ni Sweet, nagkaroon din ng screening sa PIFF noong October 8 ang Pinoy indie film na Donor na idinirek ni Mark Meilly at bida sina Meryll Soriano at Baron Geisler.

"Sinuportahan namin ni Uge yung screening ng Donor. Ang husay nina Meme [Meryll] at Baron! Palakpakan ang mga Koreans sa performance nila. At noong makita nila si Meme, super pa-picture ang mga Koreans sa kanya."

Isa pang Pinoy indie film, ang Chassis, ang nagkaroon ng world premeire sa PIFF.

Nagkaroon naman daw ng second screening ang Here Comes The Bride sa isang malaking parking lot sa Pusan Yachting Center noong October 9.

"Na-sold out ang tickets at nagkaroon ulit ng red carpet walk. Tawanan at palakpakan ang Koreans! Kahit subtitles lang ay hindi naging hadlang sa pag-appreciate nila ng movie namin. After the screening kinuyog kami ni Uge ng mga Koreans at nag-pa-picture at nag-sign kami ng autographs for them."

Nagkaroon din ng interview sina Sweet, Uge, at Direk Chris para sa isang TV show sa Korea noong October 10. Tinanong sila sa naging experiences nila sa PIFF. Tuwang-tuwa raw sa kanila ang TV host ng show kaya tinanong si Sweet kung babalik ba siya sa Pusan para sa susunod na PIFF.

Sagot ni Sweet: "Oh, yes! Next year even though I am not invited, I will gatecrash the event. That's how I love my experience here!"

Balik-trabaho na si Sweet sa kanyang shows sa GMA-7 na Showbiz Central at Show Me Da Manny. Nagboboses din siya para sa isa sa mga aso sa primetime series na Bantatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa movies ay nakapag-shooting na siya para sa Super Inday and the Magic Bibe with Marian Rivera for Regal Films. May natapos na rin siyang bagong indie film, ang Astro Mayabang, kunsaan bida si Arron Villafor.

Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg"> Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg"> Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg">


Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg"> Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg"> Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg"> Here Comes The Bride at Pusan International Film Festival" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23552/john-sweet-lapus-attends-screening-of-here-comes-the-bride-at-pusan-international-film-festival" data-desc="Sweet on his Pusan experience: "Para akong maiiyak na mababaliw sa tuwa!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ebf6494a5.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN