Denise Laurel says she's a "low maintenance" girl as far as fashion and beauty are concerned

IMAGE 0

Martha Cecilia's Kristine star Denise Laurel shared her being a "low maintenance" girl as far as fashion and beauty are concerned. "My hair, I do it myself. If not, I go to this friend of mine who does my hair for me. Pero bihira yun, kasi kaya ko naman."


Matapos magpakita ng kaseksihan sa Precious Hearts Romance presents Midnight Phantom, muling ipinamalas ni Denise Laurel ang katangian niyang ito sa Martha Cecilia's Kristine .

Hindi na nga maikakaila na isa ang Kapamilya actress sa pinakamaalindog na aktres sa Philippine television.

Hindi man katangkaran, balingkinitan naman at may kakaibang dating si Denise.

Nang makausap kamakailan ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nagbigay ng kanyang mga sikreto sa pagpapaganda at pag-aalaga sa sarili si Denise.

FOUR-MINUTE WORKOUT. Paano nga ba niya napapanatiling balingkinitan ang katawan.

"I feel bad, actually. Kasi hindi ako nakaka-workout every day. Pero before I get dressed in the morning, I do my four-minute workout, which is 20 push-ups, 20 crunches, 20 squats, and do the plank."

Ang plank ay isang ehersisyo na ginagawa sa Pilates workout system, kunsaan nakadapa ang indibiduwal sa sahig o yoga mats habang nakatukod ang mga braso at siko. Tina-target ng workout na ito ang core, o gitnang bahagi ng katawan (abdominals, lower back). Habang ang ibang exercises naman ni Denise na push-up, squats at crunches ay mga regular na calisthenic exercises.

Parte rin ng pag-aalaga ni Denise ng kanyang katawan ay ang klase ng mga pagkain na kinakain niya.

"I try to stay away from—although I really, really love eating—French fries. And kami ni Raf [Rafael Rosell, co-star ni Denise sa Kristine] we try to make bantay what we eat sa set. Yung food kasi sobrang rich, like caldereta, favorite namin yun sa set, potatoes, rice... We have what we want, whatever we crave for. We eat everything, but only in moderation," sabi pa ng 22-year-old actress.

LOW MAINTENANCE. Pagdating naman sa pagpapanatili ng kanyang kagandahan, simple lang ang istilo ni Denise.

"For my face, I try not put anything. I don't wear foundation. I try to wear simple makeup as possible... Basta, I keep my face clean all the time. I don't put a lot. Ayoko nung maraming nilalagay. Ayoko nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin mahilig sa spa si Denise. Aniya nga, "I'm not a spa person."

At pagdating naman sa kanyang buhok, hindi rin palaging nagpapaayos o nagpapaalaga sa iba sa mga salon ang magandang Batangueña.

"My hair, I do it myself. If not, I go to this friend of mine who does my hair for me. Pero bihira yun, kasi kaya ko naman."

Sabi pa ni Denise, siya ang babaeng "low maintenance." Dumating nga siya sa lugar na pinag-interview-han namin na basa pa ang buhok at natuyo na lang habang nakikipag-usap. "Ganyan lang ako. Wash and wear. Ha-ha-ha!" natawa pang wika ni Denise.

MMA BACKGROUND. May nakakagulat namang rebelasyon si Denise tungkol sa sarili niya nang tanungin namin kung ano namang physical activity ang pinagkakaabalahan niya, bukod sa kanyang "four-minute workout."

"I run. I do my interval running and at the same time, I box. I used to do mma (mixed martial arts) before. Pero matagal na yun. Now, matanda na 'ko. Ha-ha-ha!"

Banggit ng PEP, nakakagulat na sa isang katulad niya na petite o maliit, balingkinitan at sweet-looking ay may karanasan pala sa pag-aaral ng isang bayolenteng sport na tulad nga ng mma.

"You'd be surprised. They always say, don't judge a book by its cover. I came from a family of mostly boys. All my first cousins, we all live together. My two brothers, my sisters, they do mma also. They know how to box, they also know arnis, jeet kune do. My dad was into these mixed martial arts, with Topher Ricketts, and I know how to use the butterfly knife. I'm a Batangueña, so, yung balisong," nakangiti pang kuwento ni Denise.

Si Topher Ricketts ay nakatatandang kapatid ng aktor at chairman ng Optical Media Board (OMB) na si Ronnie Ricketts. Karamihan sa mga tinuruan ni Master Topher (tawag sa kanya ng kanyang mga estudyante) ay mga taga-showbiz at mga pulitiko tulad nina TJ Trinidad at Senator Juan Miguel Zubiri, bukod pa sa iba't ibang kliyente sa mga martial arts schools nito sa abroad. Kamamatay lang ni Master Topher sa edad na 55 dahil sa cancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din ng PEP kung mahilig siyang magpabango.

"Yeah, I only wear one scent. Bulgari Crystalene. If wala, just baby cologne. And I always want my hands clean, so I always have [rubbing] alcohol."

Pagdating naman sa pagsusuot ng damit, hindi masyadong mahilig sa brands si Denise.

"I go for comfort and style [rather] than brand. What I'm wearing right now, this is from a local young designer. I don't wear big, bulky stuff, 'cause I'm short. And my measurements are not for tall people. So I try to keep it simple.

"'Cause on TV, you get added twenty pounds. So I wear clothes that are specially tailored for me, for a small person. I don't want to look really big on TV."

MALUGAY COLLECTIVES. May sariling store si Denise kunsaan niya kinukuha ang kanyang mga damit. Kasosyo ang ilang kaibigan, napo-promote tuloy ang mga tinda nila sa store nila sa pagsusuot niya nito sa mga events at functions.

"It's called Sundae, it's in Malugay Collectives, 7274 Malugay Street, Makati City. It's an interesting place that I opened up with my friends. It has an art gallery, stores... We have clothes designed by local young designers, I have some stuff there that I designed myself, and we have imported brands too, like Vans, Michael Kors. It's for young people," pagpo-promote pa ni Denise bago namin tapusin ang interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN