Heart Evangelista is excited to meet Daniel Matsunaga's parents when they visit the Philippines next month

IMAGE 0


Heart Evangelista (inset) never expected to get along so well with her Brazilian-Japanese boyfriend Daniel Matsunaga (main picture) because they come from two different countries and have different backgrounds. "[But] it's nice, and we hardly fight... Usually mga tampu-tampo, pa-cute lang. So, we're good, we're good," she adds.


Last October 12, Tuesday, magkasamang tumulak papuntang Japan ang magkasintahang Daniel Matsunaga at Heart Evangelista. Bumalik sila sa Pilipinas noong Friday, October 15.

Ayon kay Daniel, sa panayam sa kanila ni Heart sa Startalk, ang dahilan ng kanilang pagpunta ng Japan ay: "Holiday, to have fun, you know, [to] enjoy Japan, [and] look around."

Kumusta naman ang kanilang bakasyon?

"Sobrang masaya, super-fun. We went to a lot of places, we ate a lot of sushi," sabi ng half-Japanese, half-Brazilian na si Daniel.

Dagdag naman ni Heart, "Super-saya, ang dami naming napuntahan, [like] Universal Studios.

"Mas alam niya [Daniel] ang kultura sa Japan kesa sa akin kasi it's my second time [pa lang] to go.

"Siya din second time, but he got to explain a lot of things to me. Kung bakit ganito, kung bakit bawal ganito, kung bakit bawal ang ganyan. Don't speak too [loud] or something like that.

"So it was good, it was good."

Kuwento ni Daniel, sumubok raw si Heart ng iba't ibang klase ng sushi. Nagustuhan ba ni Heart ang mga klase ng sushi na tinikman niya?

"Minsan ayoko, minsan masarap," sagot ng young actress. "But of course, all in all, masarap talaga sa Japan."

Ano ba ang mga nadiskubre nila sa isa't isa during the trip?

"Daniel is very organized. Ako organized din naman ako, pero I'm very clumsy, laging may nalalaglag, ganyan. Si Daniel clumsy din siya, sa eroplano pa lang, yung ballpen niya sumabog. Yung ice cream was all over [him]!" natatawang kuwento ni Heart.

Ayon pa rin kay Heart, pala-tulog raw ang kanyang Brapanese boyfriend.

"He sleeps a lot, 'yon. Cute naman, masaya, maganda yung mga revelations."

Hindi naman nagpatalo si Daniel sa pambubuko sa kanyang girlfriend. Aniya, "She also sleeps a lot, not only me! And yeah, we went to a lot of places. You know, like we went shopping, she loves to shop."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Daniel daw ang taga-kontrol sa pamimili ni Heart. Kapag may kukuning bagay si Heart sa isang store at ilalagay sa shopping basket o cart, aalisin 'yon ni Daniel.

"Yeah, pinipigilan niya ako!" tawa ni Heart. "'Pag naglagay ako ng accessories, nagtatanggal naman siya ng accessories.

"So, medyo there was a time na uminit ang ulo ko. Pero naintindihan ko naman na, you know, [I have to] pace myself, take my time."

Barely two months pa lang ang relasyon ng dalawa, pero malaki na raw ang tiwala ng mga magulang ni Heart kay Daniel.

Ayon kay Heart, "They could feel na he's a nice guy... I don't know, maybe they just feel [it], yun lang siguro 'yon, nararamdaman lang siguro nila kung paano talaga."

Sabi naman ni Daniel, "I'll make sure they will trust me. Yeah, of course, yeah! I am not a bad boy.

"Am I a bad boy?" tanong pa ni Daniel kay Heart na agad namang sinagot ng dalaga ng "No!"

Kasama ng dalawa sa Japan ang kapatid na babae ni Daniel na si Vanessa Matsunaga. Puring-puri ni Heart ang sister ng boyfriend niya.

"She's very nice, I love her. She's an angel as well!"

Excited na rin si Heart na makilala ang pamilya ni Daniel na bibisita dito sa Pilipinas next month.

"I'm so excited to meet [his] family kasi sobrang bait nila talaga," sambit niya.

Dagdag naman ni Daniel. "She's gonna meet my parents soon, next month." Sabay natatawang tanong kay Heart ng: "Are you prepared?"

"Yeah, I'm prepared and I'm excited, of course," sagot ni Heart. "I met them on Skype. Yeah, sa Skype ko sila nakilala at nakausap."

Ayon kay Daniel, alam niyang medyo mahirap ang magiging komunikasyon ng kanyang pamilya with Heart.

"It's a little bit hard to communicate. But you know, my mom, she will try to speak English, 'coz they speak Portuguese at home."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman inakala ni Heart na magtatagpo at magkakasundo ang dalawang taong tulad nila ni Daniel.

Sabi niya, "I didn't think that two different people coming from two different countries, ay magkakasundo. That they'll get along even if [they were] brought up differently.

"It's nice, and we hardly fight...Usually mga tampu-tampo, pa-cute lang. So, we're good, we're good."

Paano maikukumpara ni Heart ang relasyon niya kay Daniel sa mga past relationships niya?

"Iba! Ito yung pinaka-ibang relationship I've ever had. And I think, so far, it's the best. So, sana tuluy-tuloy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN