Gerald Anderson believes that death threats against him and Bea Alonzo are not from real Kimerald fans

IMAGE 0


"It's really unfair para sa mga Kimerald, yung kung sino po ang mga nag-support sa amin mula noong four years ago. It's really unfair for them dahil nadadamay din sila sa mga issues na ito. Yung mga death threats, sinasabi galing sa mga Kimerald. Ako po, hindi ako naniniwala na mga Kimerald yun. Kasi kilala ko sila," says Gerald Anderson.


Ilang araw matapos pag-usapan ang pag-iyak nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa kanilang presscon ng Star Cinema movie na Till My Heartaches End last October 12, live namang nag-guest si Gerald sa The Buzz kahapon, October 17, upang sagutin ang iba pang issues na lumabas kaugnay ng kanyang mga naging rebelasyon sa presscon.

Kaharap ang co-host ng programa na si KC Concepcion, inamin ni Gerald na kabado siya sa pag-upo niya ulit sa hot seat.

"Kinakabahan ako, e," sambit ni Gerald. "You know, I feel stronger kasi since the last few months, marami kaming pinagdaanan ni Kim. Maraming nangyari and marami ring nadadamay."

Nagpaliwanag si Gerald kung bakit siya umiyak sa presscon ng kanilang pelikula. (CLICK HERE to read related story.)

"Yung presscon na yun, sinabi ko lang kung ano yung nararamdaman ko. And I think my emotions took over me, pero hindi ko pinagsisisihan yun.

"I'm happy na alam ng lahat ng mga tao kung gaano kahirap yung sitwasyon namin ngayon. Sana kahit papaano mas maintindihan nila kami."

May mga pagkakataon daw na bilang artista kapag kaharap na niya ang press ay kinakabahan siya at nahihirapan siyang sabihin ang totoong damdamin niya.

"Yes, minsan natatakot ako, tayong mga artista... I don't know kung bakit. Biglaan, e. It just happened. Tinanong lang ako ni Kuya Allan [Diones] ng isang tanong and I wanted to answer with a straight face. But seeing Kim next to me, yung mga fans nandun, it [emotion] just took over me."

Malaki rin daw ang kinalaman ng mga isyung kinakaharap nila ni Kim ngayon kaya siya napaluha.

"Yung mga issues lately sa amin is about me and Kim na hindi kami okay. Tapos, you know, I did my best, ginawa ko ang lahat. I did the extra effort para maging okay kami.

"Kasi kaya ko namang talikuran ang lahat, e. I can go back to GenSan [General Santos], puwede akong mag-aral ulit sa States. Pero hindi ko kaya na maging magkaaway kami ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sa VTR pa lang, nakita n'yo na doon kami nagkakilala sa loob ng Bahay [ni Kuya]. Hindi soap yun. Lahat ng nakita n'yo sa PBB (Pinoy Big Brother Teen Edition), totoo yun.

"And lahat ng yun, we were very... Siya yung 'partner in crime' ko, e. Siya yung lagi kong kasama and...

"Basta yun, kaya kong talikuran ang lahat. But yun ang hindi ko kaya—ang maging magkaaway kami ni Kim. I can give this all up. Huwag lang yun," tila hirap sa pagsasalita na sabi ni Gerald.

"I'M NOT PERFECT." Ayon pa kay Gerald, muntik na raw siyang mag-give up dahil sa hirap ng sitwasyon. Talagang dinamdam daw niya ito at lagi niya raw itong iniisip.

"Isang beses pumunta ako sa taping na hindi pa ako nakakatulog dahil hindi ako nakakatulog sa gabi, kakaisip. Marami na ang nadadamay—pamilya ko, ibang artista, si Kim.

"Kung puwede lang akong maging Superman sa lahat. Kung kaya ko lang protektahan ang lahat, gagawin ko. Kaso hindi, e."

Ipinaliwanag din ni Gerald ang sinabi niyang nakakalimutan ng mga tao na tao din siya at nasasaktan.

"Oo, of course, kasi I believe that God gave me this talent. I'm here, He gave me this position for a purpose, for a greater purpose.

"Bakit ako nandun noong Ondoy? Bakit ko naramdaman na gusto kong tumulong sa ibang tao? Bakit gusto kong makasama si Efren Peñaflorida sa Cavite para tulungan yung mga bata?

"I'm not perfect. Hindi ako perfect na tao. I want to be my best para sa lahat. But I can't, I'm not perfect. No one's perfect. And I just hope na yung mga fans, yung ibang tao naiintindihan nila yun."

KIMERALD FANS. Dinepensahan din ni Gerald ang mga Kimerald fans at sinabing hindi siya naniniwala na galing sa mga solid fans nila ang mga death threats na natatanggap niya at ng nali-link sa kanyang si Bea Alonzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, first of all, gusto kong i-clarify na it's really unfair para sa mga Kimerald, yung kung sino po ang mga nag-support sa amin mula noong four years ago. It's really unfair for them dahil nadadamay din sila sa mga issues na ito.

"Yung mga death threats, sinasabi galing sa mga Kimerald. Ako po, hindi ako naniniwala na mga Kimerald yun. Kasi kilala ko sila.

"Naging mga kaibigan ko sila, kami ni Kim. Minsan kasama nga namin sila sa pack-up, sa taping, nandun pa rin sila. And alam ko kung sino talaga yung nagmamahal sa amin.

"Hindi po mga Kimerald yun," diin niya.

Nararamdaman niya ba na inaalagaan siya ng mga fans nila?

"Sobra, sobra, sobra. Hindi ko alam kung paano namin maibabalik lahat ng support na ibinigay nila sa amin. Kaya kami ni Kim, we give it our all sa mga projects namin na ginagawa," sabi ni Gerald.

BEA ALONZO. Humingi rin ng paumanhin si Gerald kay Bea Alonzo dahil sa pagkadawit nito sa isyu.

"Siyempre, nakakahiya and hindi na ho tama dahil ang isyu is about Kimerald, me, and Kim. Pero yun nga, tulad ng sabi ko, nadadamay ang pamilya ko, ibang mga artista.

"I just wanna say sorry sa mga nadadamay, kay Bea. You don't deserve this and I'm sorry. Problema ko ito at ayaw ko na may nadadamay."

Muling naging emosyonal at napaluha si Gerald nang magsalita na siya tungkol sa ginawang pagtatanggol ni Kim sa kanya at kay Bea.

"Ganun si Kim, e, sobrang bait niya. Isa siyang totoong tao. Kung sino yung Kim na nakilala ko sa PBB, 'til this day, ganun pa rin siya," umiiyak na sabi ni Gerald.

TILL MY HEARTACHES END. Malaki naman ang pasasalamat ni Gerald sa Star Cinema at sa direktor nilang si Jose Javier Reyes dahil sa tulong nila at sa paggawa ng pelikulang Till My Heartaches End ay nagkaayos sila ni Kim. Sa tulong daw kasi ng pelikula ay nagawa raw nila ni Kim na mag-usap at ayusin ang hindi nila pagkakaunawaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano yung extra [baggage], kung ano yung dala-dala namin, nailabas namin sa movie, sa mga eksena. Naging okay kami dahil din sa movie napag-usapan namin... Dahil sa movie na 'to, it's also my way of saying sorry to Kim," sabi ni Gerald.

Hindi naman nakasagot si Gerald nang tanungin ni KC kung nakapag-sorry na ba siya nang harapan kay Kim. Sabi na lang niya, "Nakakahiya. Ako lang yata ang action star na iyakin."

May pahabol pang tanong si KC kay Gerald kung ano ang ibinigay nila sa movie na ito na hindi pa nakikita ng mga tao sa past movies nila?

"Yung puso namin. Yung kung sino kami. Yung journey namin ni Kim kahit papaano. There's always love in every scene we do. There's always a purpose," sagot ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN