Danita Paner and co-star Arci Muñoz have many things in common — including ex-boyfriend Kean Cipriano

IMAGE 0


We're very much okay at marami po kaming things in common. Kasi, pareho po kaming nagbabanda. Pareho kami ng ex. At marami kaming napag-uusapan hanggang maging close na po kami," says Danita Paner about My Driver Sweet Lover co-star Arci Muñoz.


Masuwerte si Danita Paner dahil lead role agad ang naibigay sa kanya sa kauna-unahang primetime series niya sa TV5, My DSL: My Driver Sweet Lover, kung saan siya ang gumaganap bilang leading lady ni JC de Vera.

Bagamat nakalabas na rin siya noon sa Five-Star Special ni JC, itong My DSL ang itinuturing ni Danita na first major acting project niya.

Kuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Noong una talaga, umiiyak pa 'ko. After every scene, sabi ko, 'Ang hirap-hirap namang umarte.' Tapos, nag-acting workshop po kami. And ako, I believe na ang acting hindi natututunan nang overnight. Isa po siyang learning experience."

Ano sa palagay niya ang meron siya na wala ang iba at siya ang napili ng TV5 na gawing kapareha ni JC?

"Hindi ko nga alam until now," sagot ni Danita. "Kapag nagdarasal ako, sabi ko lang, 'Lord, sana magkatrabaho ako. Sana may ginagawa ako araw-araw.'

"Ngayon, ibinigay na sobra-sobra pa! Hindi ko alam kung ano ang nakita sa akin ng TV5. Pero kung anuman yun, I'm very, very thankful dahil ang dami pong taong naghahangad. "

EX-GIRLFRIENDS. Si Arci Muñoz ang gumaganap na kontrabida ni Danita sa My DSL. Merong pagkakapareho ang dalawang young stars—pareho nilang naging ex-boyfriend ang lead singer ng Callalily na si Kean Cipriano.

Kumusta ang pakikipagtrabaho ni Danita kay Arci, na incidentally ay "kapatid" niya sa manager nilang si Annabelle Rama?

"Ako po, noong una, bago pa lang mag-start ang show, I've met her na through Kean. Tapos, na-meet ko ulit siya through Tita Annabelle, because I'm with Royale Era na.

"So, okey po kami. We're very much okay at marami po kaming things in common. Kasi, pareho po kaming nagbabanda. Pareho kami ng ex. At marami kaming napag-uusapan hanggang maging close na po kami."

Ayon kay Arci, "common" daw ang tawagan nila ni Danita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo," natatawang pagkumpirma naman ni Danita.

Wala bang awkwardness na pareho silang naging ex ni Kean?

"Noong una, ako, awkward ako kasi isang boyfriend pa lang ang nakarelasyon ko at siya rin daw. So, ako, hindi ko alam ang mapi-feel.

"At that time, konting awkwardness, pero na-break din naman kaagad. Kasi si Mona [Arci], napakabait. At kapag nakakasama ko siya, minsan nga, nakatitig lang ako sa kanya kasi ang ganda-ganda niya. So, nakatitig lang ako sa kanya," kuwento ng dalaga.

REBEL KID? There was a time na natsismis na nagtanan sila ni Kean. Ito rin ang time na napabalitang naglayas si Danita at nagkaroon sila ng away ng adoptive mother niyang si Daisy Romualdez.

Totoo ba ang lahat ng yun?

"Oo nga...nagtanan, nag-live-in, nabuntis, nadyontis, nagpalaglag... Pero noong lumayas ako sa amin, nag-break kami ni Kean no'n dahil ayaw niya ang idea na gagawin ko.

"Tapos, nag-enroll ako sa school, I stayed with my dad [Manny Paner]. Tapos nagkita kami [ni Kean] sa school. Nagka-inlaban ulit kami at naging kami ulit, nagkabalikan.

"Tapos nang maging okay na kami ni Mommy, naging okay na silang lahat, naging fairy tale na lahat, nag-break kami nang bongga!

"Hindi ko alam kung bakit. May topak ba 'ko?" natatawang sabi ni Danita.

Naging pasaway ba siya noon?

"Rebelde po...pero hindi totoo yun," sagot ni Danita. "Kung rebelde, e, di may tattoo na 'ko. Yung mga tao kasi, talagang idya-judge ka.

"Pero yung nangyari sa akin before, hindi talaga maganda. Ako, aaminin ko, hindi talaga maganda.

"Pero katulad ng sinabi ko kanina, I have no regrets. Kung hindi po ako lumayas, hindi ko po mari-realize lahat-lahat, lalo na yung relationship namin ni Mommy."

Pero bakit nga ba kinailangan niyang maglayas?

"At that time, marami po akong... Hindi naman po rebelde, pero siguro yun nga ang term—hindi ko lang matanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, marami kaming hindi napagkakasunduan [ni Mommy]. Hindi ko siya maintindihan. Hindi niya ako maintindihan.

"Gusto ko lang mag-aral. Gusto ko lang magbanda. Siya, 'Hindi, gusto kitang mag-artista, ganyan-ganyan...' Punung-puno na ako. 'Hindi ka na magbabanda, hindi ka na kakanta.'

"E, very sensitive ako when it comes to music, to my music, and to myself. Kung ano ang gusto ko. Gusto ko, ako lang, ako lang, which is wrong.

"So, nag-clash kami. I had to break away and reflect sa mga bagay-bagay. So, ngayon, 'eto na 'ko, nag-a-acting na 'ko. E, before, sabi ko, 'Ayoko ng acting! Ang baduy!'"

Pero itinanggi ni Danita ang isyung sinasabi niyang nag-aaral siya, pero hindi naman siya pumapasok.

"Hindi talaga totoo 'yan," diin niya. "Kasi, 'yan ang ginanahan ako at yung feeling na ikaw na lang mag-isa. Na kailangan independent ako.

"Lumayas ako at kailangan kong patunayan kay Mommy, ganyan-ganyan... Pinagbuti ko po ang pag-aaral ko at marami akong katibayan."

JC DE VERA. Natsitsismis naman ngayon si Danita sa leading man niya sa My DSL na si JC de Vera. Balita pa nga, grabe raw sila mag-PDA (public display of affection) lalo na sa P.O.5. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Ha? Public display of affection? Napaka-high school! Kinikilig ako!" natatawang sabi ni Danita.

"Kasi si JC, noong second year high school pa lang ako, crush na crush ko 'yan noong maging cover siya ng Candy Magazine. Tapos, six years ago, ang tagal na, ipinakilala kami sa isa't isa ng common friend.

"Tapos, ewan ko, parang palaging nauudlot. Magkaka-text kami, palaging nawawala. Tapos 'eto, noong nagkatrabaho kami, na magkasama na kami na almost every day na, actually, go with the flow, having fun. Walang pressure."

So, anong meron sa kanilang dalawa?

"Wala kaming title, e," sagot ni Danita.

Pero may future ba siyang nakikita sa kanilang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako sana, may future dahil yung sa working relationship namin, sana maging okey sa tao. Sana may mapakilig kami. May mapasaya kami sa aming kilig-serye."

Pero aminado si Danita na boto ang mommy niya kay JC.

"Ay, gustong-gusto siya ni Mommy!" sambit niya. "Actually, silang dalawa talaga, e.

"Si JC kasi, ang nagustuhan ko sa kanya, na-attract ako sa kanya, sobrang tahimik niya. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa utak niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN