Melai Cantiveros goes through wardrobe overhaul as a certified celebrity

IMAGE 0


Melai Cantiveros describes how her fashion style has changed since she became a celebrity. However, she says that she still doesn't spend a lot on fashion.


Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang PBB Double-up Big Winner na si Melai Cantiveros kaninang tanghali, Disyembre 17, sa Heritage Hotel sa contract signing niya bilang endorser ng Uni-Tech.

Malaki na nga ang nagbago sa takbo ng buhay ni Melai mula sa pagiging isang guro sa Mindanao State University (MSU) na ngayon ay isa na siyang celebrity at kinagigiliwan na komedyante.

Kasabay ng pagbabagong ito ay ang pagbabago ng fashion style ni Melai.

"Dati po mahilig ako sa loose, ngayon parang mahilig na ako sa fit. Dati mahilig ako mag-sando, ngayon mahilig na ako maglong-long ganun kasi para hindi na masyadong mainitan sa mga taping," paglalarawan ni Melai sa mga pagbabago.

Sinu- sino ang mga nagbibigay ng fashion advice sa kanya?

"Yung mga friends ko, minsan yung mga handler," sagot niya.

Dagdag pa niya, "Minsan din si Jason [Francisco], [sasabihan niya ako] 'Wag kang magsuot ng ganito!,' magagalit siya. Kasi 'pag lumalabas ako, pagka minsan, [sasabihin niya], Hoy! magbihis ka nga."

Si Jason ang boyfriend ni Melai at ex-housemate sa Pinoy Big Brother Double-Up.

Masaya si Melai ang pagbabago na nagyari sa kanyang fashion style.

"Naninibago ako ngayon pero mas kumportable ako ngayon kasi nasusuot ko na yung gusto kong suotin.

"Kasi dati ang hirap kasi walang perang pambili. Pero hindi ko na pinapangarap ang over! over!" ani Melai.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi masyadong gumagastos si Melai sa mga damit.

"Nagbibigay kasi yung mga fans, " paliwanag niya.

"Tapos ako din 'pag gusto ko, binibili ko kasi gusto ko 'yon eh parang gift ko na lang sa sarili ko, pero madalang lang ako bumibili," kuwento niya.

At kung bumili man siya, ano kaya ang mga binibili niya?

"Wala naman, pag may nakita lang ako. Hindi naman ako mahilig sa branded pero as long as nakita ko yung design tapos gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi talaga ako mahilig sa branded," pagdidiin ng komedyante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN