Manny V. Pangilinan leads "Maliwanag ang Pasko" grand Christmas lighting ceremony

IMAGE 0


Meralco's CEO, Manny V. Pangilinan (right frame), led the grand Christmas lighting ceremony held at the company's compound in Pasig City. The program was hosted by Wilma Doesnt and Jojo Alejar (inset).


"Kutitap, busilak at pag-asa ng Pasko, ipamahagi mo!"

Ito ang mensahe ng Meralco Maliwanag ang Pasko Grand Lighting Ceremony na ginanap noong December 2, 2010 sa Meralco compound, Pasig City.


Nagkaroon ng cocktails sa lobby ng Meralco Theater kunsaan hinanda ang masasarap na traditional Pilipino Christmas food tulad ng bibingka at puto bungbong. Kumanta naman ng masasayang awitin ang Meralco Chorale para sa mga panauhin ng gabing iyon.


Nagsama-sama ang iba't ibang executives ng Meralco, mga empleyado at mga kids para sa espesyal na gabing ito. Pinakilala rin sa publiko ang mga miyembro ng basketball team na Meralco Bolts na tinaguriang Christmas Goodwill Ambassadors.


Naging masaya ang palatuntunan dahil main hosts ang dalawang makulit ngunit magaling na hosts ng TV5 na sina Wilma Doesnt at Jojo Alejar.


Sinimulan ang palatuntunan sa pamamagitan ng isang panalangin ng isang bata mula sa Laura Vicuna Foundation, na isa sa mga charitable institutions na tinutulungan ng Meralco Foundation.

Nagsalita bilang panimula ang Chief Operating Officer ng Meralco na si Mr. Oscar Reyes. Matapos magsalita ni Mr. Reyes biniro ni Wilma na baka daw si Mr. Reyes na ang hinahanap niyang bagong ama ng kanyang mga anak. Siyempre tawanan ang mga panauhing pandangal, kabilang ang TV5 owner na si Mr. Manny V. Pangilinan.


Nagbigay ng ilang awit ang Pinoy Pop Superstar 2nd Season Grand Champion na si Gerald Santos sa palatuntunan.

Pinakilala ni Mr. Ramon Segismundo, Senior VP ng Meralco, ang Meralco Bolts bilang Christmas Goodwill Ambassadors. Isa-isang tinawag at pinakilala ang mga basketball players na nakasuot ng orange na polo shirts na may nakasulat na Meralco Bolts sa dibdib. Nang makumpleto na sila sa entablado sabay-sabay na isinuot ang kanilang red and white Santa hats at sabay-sabay na sumigaw ng "Meralco, Maliwanag ang Pasko!"


Nagsalita rin si Fr. Anton Pascual, chairman ng Caritas Manila, bilang pasasalamat sa Meralco sa patuloy na pagbibigay-tulong sa kanilang mga kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Para sa finale, pinailaw ang buong kapaligiran ng Meralco na pinangunahan ng panauhing pandangal na si Mr. Manny V. Pangilinan, ang CEO ng Meralco.


Halos buong compound ng Meralco ay napaligiran ng Christmas lights. Kitang-kita ang napakalaking Belen na may mga tupa at Tatlong Hari na gawa sa used bronze wires.

Masasabing isa sa mga magiging Christmas tourist spots ng mga bata ang compound ng Meralco dahil sa angkin nitong ganda. Maaari pang sumakay ng libre ang mga bata sa rechargeable tren na umiikot sa palibot ng kanilang huge Christmas Tree. Meron ding mala-Transformer na robot na may nakasulat na Meralco Bolts. At meron ding mga maliliit at colorful na barong-barong na puwedeng paglaruan ng mga bata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN