Meryll Soriano breaks up with Joem Bascon

IMAGE 0


"Napakaayos po talaga. Naiintindihan naman niya, so I'm very grateful na naintindihan niya. Kumbaga, he let me be free when it comes to my dream," says Meryll Soriano about her breakup with Joem Bascon.


Kararating lang ni Meryll Soriano mula sa Pusan International Film Festival (October 7-15) sa Korea.

Isa kasi sa mga entry doon ang pinagbidahan niyang Donor, ang indie film na idinirek ni Mark Meilly. Noong July, nanalong Best Actress si Meryll para sa pelikulang ito sa Cinemalaya Filmfest ng CCP.

"Yes, congratulations sa lahat ng mga nakasama naming pelikula sa Pusan International Filmfest," sabi ni Meryll sa panayam sa kanya ng Paparazzi na ipinalabas kahapon, October 17.

Kabilang din sa mga naitanghal sa Pusan Filmfest this year ang Here Comes The Bride ni Chris Martinez at ang Chassis ni Adolf Alix Jr. na nag-Asian premiere doon.

"Masaya naman," banggit pa ni Meryll. "Well-received ang mga pelikula natin. Nakaka-proud maging Pinoy, in fairness."

After Korea, pupunta si Meryll sa London at sa Brussels, Belgium.

"On October 25, I'm leaving for London, before Brussels. Mag-i-scout ako ng school [sa London]..."

Sa London magpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo si Meryll. Kukuha siya ng kursong Interior Design.

Sa Belgium naman, on the first week of November, ay a-attend siya sa Brussels International Film Festival, also with director Mark Meilly, kaugnay ng pelikula nilang Donor.

BREAKUP WITH JOEM BASCON. Sa desisyon niyang mag-aral abroad, kinailangan ding magpasya si Meryll hinggil sa relasyon nila ni Joem Bascon. Inamin ng aktres na break na sila ni Joem.

Almost two years tumagal ang relasyon ng dalawa, simula noong early 2009 nang magkasama sila sa teleseryeng I Love Betty La Fea ng ABS-CBN.

Two weeks ago ay na-interview rin sa Paparazzi si Joem, at sinabi nitong: "I support [Meryll] sa decision niyang mag-aral [sa London]. Matagal na niya yung plano.

"Right now, hindi pa kami nag-uusap tungkol diyan. We're just happy ngayon na kasi nandun yung moment na happy kami, na na-achieve niya yung goal niya..."

Ganito naman ang naging pahayag ni Meryll: "Okey naman kami. There has been some decisions in my life na kailangan ko talagang gawin right now, na naiintindihan naman niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nangyari ang paghihiwalay nila ni Joem?

"Alam naman niya kasi, from the very beginning, kahit nung hindi pa kami, kung ano yung mga pangarap ko," sagot ni Meryll.

Dagdag niya, "And so, sabi ko lang, hindi ko kasi kaya ang long-distance relationship. Hindi ko talaga kaya 'yon.

"Sabi ko, maganda yung maging magkaibigan kami because dalawang taon lang naman 'yon. So, pagbalik ko, hindi pa rin natin alam, e."

Kumpara sa ibang breakup, maayos daw ang nangyari between Meryll and Joem.

"Napakaayos po talaga," pagkumpirma niya. "Naiintindihan naman niya, so I'm very grateful na naintindihan niya. Kumbaga, he let me be free when it comes to my dream."

ON JOEM'S "WOMANIZING." May sundot na tanong kay Meryll tungkol sa diumano'y pakikipagkita ni Joem sa isa raw miyembro ng wwgirls, ang all-female dance group ni Willie Revillame, habang nasa Korea si Meryll.

"A, okey," sabi ni Meryll, sabay sabing hindi nakarating sa kanya ang nabanggit na usap-usapan.

Sakaling totoo 'yon, "wala naman po akong magagawa," sabi rin niya.

Paliwanag ni Meryll, "You know, 'yang paghihiwalay namin na 'yan... Hindi mo naman puwedeng sabihin, 'O, hiwalay tayo ngayon, tapos after two years, tayo uli.' Di ba?

"You cannot help whatever you feel. At saka I have to be happy for him kasi may kailangan yung puso niya."

Gumaganda ba talaga ang babae pag loveless?

"Yes! Apparently, sa akin, nangyayari 'yon!" masayang sabi ni Meryll.

HAPPY FOR DAD WILLIE.Ano naman ang damdamin ni Meryll ngayong magbabalik-telebisyon na via TV5's Willing Willie ang kanyang ama na si Willie Revillame?

"Masayang-masaya ako," sabi ni Meryll. "In fairness, with all sincerity talaga, nakikita ko si Papa ngayon, nag-e-enjoy.

"At saka personally, ako, masaya ako dahil after talaga nung Wowowee, nagkaroon talaga kami ng time. Yes, finally nagkaroon kami ng relasyon!" biro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dati raw kasi, busy at laging mainit ang ulo ng daddy niya, lalo noong kainitan ng issue ng pag-alis nito sa ABS-CBN.

"So, this time, nakita ko... Actually, nakatulong din sa kanya, na natuwa siya na maraming sumama sa kanya."

May pagtatanggol na rin si Meryll hinggil sa sinasabing ugali ng kanyang ama—ang pagiging mainitin ng ulo nito at kaprangkahan na para sa iba'y pagiging bastos, at sa iba nama'y pagiging totoo sa sarili.

Speaking for her dad, sabi ni Meryll, "Totoo 'yan, na gano'n talaga siya, kahit sa harapan namin, kahit na kaming dalawa lang ang tao.

"Nami-misinterpret 'yon. But that is more of his strength, hindi lang nakikita ng tao. Pero yun ang isa sa pinakamaganda niyang trait."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN