Efren Peñaflorida relinquishes his title as CNN Hero of the Year

IMAGE 0


"Marami akong nami-meet na mga bayani talaga, na sabihin na nating minsan nga, talagang mas greater pa yung ginagawa nila dun sa ibang tao," says 2009 CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida.


Isang taon na pala ang nakalipas mula nang hirangin ang Filipino educator na si Efren PeƱaflorida bilang CNN Hero of the Year. Sa susunod na buwan nga ay may bago nang tatanghaling winner at ito ang dahilan kung bakit lilipad si Efren patungong U.S. sa October 26.

"Actually, I was invited by different States for talks. Aside from that, ang main reason din kaya naman ako pupunta ng States is to attend the CNN Heroes Awards Night and Tribute Show sa November," banggit ni Efren sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap namin si Efren sa pictorial niya para sa cover ng Songs For A Better World CD-album na ginawa kaninang tanghali, October 20, sa Print Mode Studio sa Timog Avenue, Quezon City.

Ayon kay Efren, may sampung finalists na para sa 2010 CNN Hero of the Year, pero walang pumasok na Filipino this year.

Hindi ba nalungkot si Efren na walang finalist mula sa Pilipinas ngayong taon?

"Hindi naman sa nalungkot. Pero siyempre, parang hoping and praying na sana meron ulit na Pinoy na bigyan ng parangal dun sa ginagawa niyang selfless deeds.

"Well, actually, ang dami naman kasing... Based sa experience kasi, I'm hosting yung Ako Mismo [TV5 show], e. So, it's actually parang type ba na CNN Heroes din na looking for ordinary people doing extraordinary things. So, parang ganun.

"So, dito naman [Ako Mismo], ang hinahanap namin yung mga unsung heroes talaga ng bansa natin sa mga sulok ng Pilipinas. We're searching for heroes na talagang magiging inspirasyon sa bayan natin.

"Marami akong nami-meet na mga bayani talaga, na sabihin na nating minsan nga, talagang mas greater pa yung ginagawa nila dun sa ibang tao," saad niya.

Sa tingin ni Efren, bakit walang nakapasok sa Top 10 ng CNN Hero of the Year mula sa ating bansa ngayong taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam, e. Hindi ko alam kung paano sila mag-search."

Pero sinabi ni Efren sa amin na nag-submit siya ng possible nominees.

"Meron, oo. May sinabmit kami, may mga ni-nominate kami. Sa personal, siyempre, yung mga kilala naming mga luminaries and advocates.

"Hindi ko alam kung paano yung judging nila, e. Even yung pagkapasok ko, hindi ko rin naman alam kung paano ako napilli, kung paano nila ako pinili."

Ang tatanghaling CNN Hero of the Year ay tinitiyak sa pamamagitan ng online voting.

KARITON CLASSROOM. Kumusta na ang Kariton Classroom, na siyang naging dahilan para tanghalin siyang CNN Hero of the Year last year?

"Actually, we're building a Learning Center para sa mga bata sa Cavite," banggit ni Efren.

"It's not a formal school. It's actually a tool para tulungan yung mga nasa eskuwelahan, yung mga bata na na-encourage naming pumasok sa school. So, para ma-sustain yung kanilang studies.

"It's actually ongoing na, yung pagbi-build. Kaya nga we're hoping na matapos ito sana by November para by December, operational na. And ngayon, actually we're raising more funds pa."

Paano sila nagre-raise ng funds?

"Ayun, meron kaming exhibit ngayon sa Rockwell, ng Dynamic Team Company. So naka-display dun yung mga kariton, yung photos ng mga bata... Actually, exhibit yun to ask help para tulungan kami ng mga gustong tumulong."

Marami na bang tumulong?

"Medyo, medyo. Mga private individuals."

Ang gobyerno ba tumulong na?

"Oo, actually nakikipag-coordinate naman sila sa amin para sa support. Parang talagang ina-ask nila yung mga suggestions namin. Nag-i-inquire sila kung paano nila mako-contibute para sa education natin dito.

"Even si Secretary Armin Luistro [of Dept.of Education], nakausap ko na para ayusin nga kung puwede ngang i-replicate yung pushcart nationwide, yung sistema."

Ang kinabibilangang Dynamic Team Company ni Efren ang nagpasimula ng Kariton Classroom.

Sumasama pa rin ba siya sa pagtuturo sa mga streetchildren kahit busy na siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, kaya medyo maitim pa rin ako!" tawa ni Efren. "It's every Saturday."

Ano na ang pinakamalayo nilang narating?

"Actually, yung pinaka-main namin is in Cavite. Pero yung replication nito, as far as Naga, meron sa Cagayan de Oro. Actually, meron ding nag-e-mail sa amin from Kenya, asking if they could replicate the same system."

So, may plano to go abroad ang Kariton Classroom?

"Yes. But hindi na yung group namin ang magma-manage or mag-o-operate. It's actually a different organization na.

"Parang we will allow them to use yung activity, yung tool namin, yung pushcart classroom, kung saang paraan para mas ma-improve yung services nila pagdating sa pagri-reach out dun sa mga youth, dun sa mga less-fortunate kids."

LIFE STORY. Kung gagawing pelikula ang buhay ni Efren, papayag ba siya?

"Okay lang kung makakapag-inspire. Basta para sa youth sa mga kababayan natin, to inspire more people," sagot niya.

Actually, naisadula na dati sa drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya ang buhay niya. Si Enchong Dee ang gumanap sa kanya. Choice ba niya si Enchong?

"Okay naman si Enchong. Hindi naman ako yung pumili sa kanya, e," sabi ni Efren.

Pero kung siya ang pinapili?

"Okay naman si Enchong," ulit niya.

Kung sa pelikula, sino ang choice niya?

"Hindi ko alam... Kung may magpapa-audition. It's not my ano naman."

Bakit hindi siya ang gumanap sa life story niya?

"Hindi ako pang-ganun!" tawa niya.

May lovelife ba si Efren?

"Huwag nating pag-usapan 'yan, huwag na 'yon," natatawang pag-iwas ng 29-year-old educator-TV host.

Basta masaya raw ang personal niyang buhay.

"Yes, oo naman."

Nang tanungin namin siya tungkol sa na-link sa kanya noon na si Angel Locsin ay umiwas din si Efren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN