Keempee de Leon in search of girlfriend who'll become his wife

IMAGE 0


Keempee de Leon says he goes on dates to find his next girlfriend. But the My Driver Sweet Lover cast member admits he has become choosy. "Nagiging mapili ako, in a sense na kung sino yung magiging girlfriend ko, yun na yung magiging asawa ko rin. Parang napagod na 'ko yung fling dito, fling diyan. Mga gimik-gimik...."


Sa kabila ng pagganap ng mga gay roles—tulad ng papel niya ngayon bilang Von, ang best friend ng character ni Danita Paner sa My Driver Sweet Lover, ang unang "kiligserye" ng TV5—hindi naman kaila sa lahat ang pagiging tunay na barako ni Keempee de Leon.

Ni matawag ngang "metrosexual" o yung pagiging banidosong lalaki, wala ang ganung katangian sa 37-year-old na anak na ito ni Joey de Leon. Although aminado naman ang aktor na fan pa rin siya ng brands pagdating sa pananamit.

"Ever since kasi I love clothes, I love shoes. Maluho ako sa damit saka sa sapatos. Mahilig akong manood sa cable ng about fashion, sa damit," banggit ni Kimpoy sa pakikipag-usap nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang bisitahin ito kamakailan sa taping ng My Driver Sweet Lover sa Thunderbird Resort sa Binangonan, Rizal.

"Before, maluho ako sa branded names. Although ngayon, medyo minimal na lang, dahil alam mo na, may anak na tayo!" natatawa niyang sabi.

MADE IN CHINA. Sa ngayon daw, marunong nang mag-value nang husto sa kanyang kinikita si Keempee kesa noong kabataan niya na wala siyang habas sa pagbili ng favorite brand niya ng damit.

"Maluho kasi talaga ako sa brand na Ralph Lauren dati nung araw, nung bata pa 'ko. Yung pinsan ko, ' Wow, ano 'yang ginagawa mo?' E, ako, mahilig sa ganun dahil uso dati ang Ralph Lauren," pagbabalik-tanaw pa ni Keempee.

Mas smart na raw siya ngayon kung paano dumiskarte sa istilo niya sa kanyang mga kasuotan. Kesa gumastos sa mga damit na gawa sa fashion capitals like New York at Paris, mga damit na "Made in China" ang binibili niya.

"Yun kasi ang di naiintindihan ng iba, made in China 'yan, pero imported fabric. Mas mura kasi kung dun ka magpapagawa.

"Kumbaga, nasa istilo lang 'yan, e. Parang, 'Aba, parang maganda ang design nito, a. Parang okey sa akin, 'to.' So, mas nakakamura ka ro'n, pero maganda pa rin naman yung tela," katuwiran ni Keempee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BUSINESSMAN. Kasama sa pagiging madiskarte niya sa buhay ngayon ang pagkakaroon din ng ibang pagkakakitaan ng pera bukod sa pag-aartista.

"Meron kaming store ni Cheenee [de Leon, his sister] with my brother-in-law. Kami yung partners, e. Kaming tatlo.

"Ang pangalan ng store, Extreme Sports, sa Metrowalk, second floor. Yung mga shorts na inaano namin, pang-extreme sports. Pang-wakeboarding , pang-mountain climbing...

"Nilalako lang namin 'yan dati sa Eat Bulaga!, nakamaleta. Kina Jimmy Santos... 'Tapos pati na rin yung mga staff. E, dumami na ang bumibili, so, naisip namin, bakit di na lang tayo magkaroon ng store, tapos promote-promote na lang," patuloy na bida ni Keempee tungkol sa negosyo nila.


SEARCHING MODE. With shows from both GMA-7 and TV5, plus ang negosyo pa nila ng kanyang kapatid at bayaw, masasabi na ngang secure na rin naman kung pagdating sa usaping pinansiyal si Keempee.

Pero pagdating naman sa usaping pag-ibig, nasa "searching mode" pa rin si Kimpoy.

Sa ngayon, dates lang muna daw ang ginagawa niya.

"May mga pinapa-date ang friends ko, pero group date. Kasi kakikilala ko pa lang, e. Wala pang seryoso... Hinahanap ko pa.

"Pero hoping... gusto ko talaga. Gusto kong magka-girlfriend na talaga. Kasi honestly speaking, I'm not getting younger anymore."

Pero hindi naman daw basta-basta siya papasok sa isang relasyon. Para kay Keempee, tapos na siya sa stage na naglalaro sa pag-ibig o yung pa-fling-fling lang.

"Nagiging mapili ako in a sense na kung sino yung magiging girlfriend ko, yun na yung magiging asawa ko rin. Parang napagod na 'ko yung fling dito, fling diyan. Mga gimik-gimik..."

At ano naman ang mga qualities na hinahanap ni Keempee sa gusto niyang maging girlfriend.

"Siyempre una, yung may hitsura!" tawa niya. "Hindi. Ang gusto ko yung Chinese-mestiza. Opposite ng kulay ko.

"Plus, yung siyempre maiintindihan ang trabaho ko. Kasi yung last ko, that was two years ago, hindi maintindihan ang work ko, so, nag-clash kami. Saka busy rin naman siya, kasi pre-school teacher yun, e," kuwento ni Keempee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May say rin ba ang 14-year-old daughter niyang si Sam sa mga nakakarelasyon niya?

"Naku, selosa yun, e. Parang ako yun. Saka kasi, babae. Doon ko nararamdaman yung, mahirap din...

"Minsan may mga binabanggit siya na, 'Uy, mas bagay sa iyo si Ganito...' Minsan, siya na yung namimili. Kaya medyo hirap ako. Kaya nga yung last relationship ko...medyo hindi niya gusto.

Pero hindi naman daw sa kung anupaman, parang nahuhulaan lang kasi noon ng kanyang anak na hindi magtatagal ang huling relasyon niya.

"Yun yung sa mga babae, e. Siguro parang meron siyang premonition na hindi kami magtatagal. Hindi kami magla-last..." tawa na lang sa huli ni Keempee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN