Yayo Aguila wants ex-husband William Martinez to find a girlfriend who will take care of him

IMAGE 0


"Gusto ko man siyang alagaan, hindi na [puwede]. Kaya nga gusto ko nga magkaroon siya ng girlfriend para may mag-aalaga sa kanya. Gusto ko rin na maging masaya siya," says Yayo Aguila about ex-husband William Martinez.


Kasama si Yayo Aguila sa cast ng "kiligserye" ng TV5 na My Driver Sweet Lover. Dahil dito, binibiro tuloy si Yayo na mas gumanda pa ang takbo ng kanyang acting career mula nang aminin niya ang paghihiwalay nila ng asawang si William Martinez. (CLICK HERE to read related story.)

"Siguro nagkataon lang, or malakas lang siguro yung pagdinig sa akin ni Lord. Siyempre, kahit anong sabihin mo, kailangan ko talaga ng trabaho dahil you have to support yourself and yung mga bata, kahit side by side pa rin kami ni William para doon.

"Sobrang suwerte nga dahil from Momoo and Me, nakatawid ako dito. Suwerte ko talaga. Lagi kong dinadasal yun.

"Ang laking bagay no'ng lumapit ako kay Tita Annabelle Rama. Hindi talaga niya ako pinabayaan. Nag-start siyang i-manage ako 'etong July lang," paglalahad ni Yayo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

MONEY IS NOT AN ISSUE. Nililinaw ni Yayo na para sa kanyang mga anak din ang ginagawa niyang pagsisikap at hindi lang para sa sarili. Inamin naman niyang hindi siya binibigyan ng pera ni William para sa kanyang personal necessities.

"Hindi. Pero sa lahat, para sa mga bata, hati kami. Kumbaga, tulong pa rin kami. Pagdating sa pera, yun, hindi talaga namin pinagtatalunan or pinag-aawayan."

Ever since ba binibigyan siya ng pera ni William kahit noong nagsasama pa sila?

"Hindi yun sa binibigyan niya ako literally, 'O, Mama, eto ang suweldo ko kunin mo na ito.' Hindi gano'n. Kami, lahat ng pera namin, isang account lang pumapasok. Doon na umiikot yung panggastos at kung anu-ano pa. Hindi yung literal na sa akin yun."

Patuloy ni Yayo, "Okey naman kami ngayon. Habang tumatagal, mula no'ng na-interview mo ako after ng Paparazzi guesting ko, mas okay ngayon.

"Feeling ko at sa nakikita ko, nakapag-adjust na siya [William]. Hindi naman ako nagmamayabang na nakapag-adjust na ako sa kanya agad. Oo, siyempre, kasi ako naman talaga yung una na umalis. Ako yung nag-decide na ako na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, mahirap rin yun on his part. Pero sa pagkakakita ko sa kanya, adjusted na siya, hindi na kami masyadong nagtatalo. Siyempre, may mga inis siya sa akin.

"Kunwari yung pagtulog ng mga bata sa akin. Wala kasi kaming structured na pag-uusap sa gano'n. 'Saka yung sa gastos kung sino ang magha-handle muna sa ganito, yung sa gano'n. Ngayon, wala na, maayos na kami."

Regular ba yung support ni William para sa mga bata?

"Oo, kasi siya naman yung nagbabayad ng tinitirhan nila, e," sabi ni Yayo. "Yung bahay namin dati na bahay na niya ngayon. Siyempre, siya yung bumibili ng sarili niyang grocery doon. So, ako, may sarili rin akong grocery pag nasa akin yung mga bata.

"Siyempre, sabi nga ni William, sa ngayon, wala pa siyang regular show. Hindi pa siya nabibigyan. Open book naman yun, hindi ko na ikinakaila. So, sa amin, kung sino sa amin ang okey ang estado, siya muna. Nagtutulungan kami."

Nabanggit din ni Yayo sa PEP na wala na raw ang negosyong pinasukan ni William kaya medyo hindi regular ang kita nito ngayon.

"Wala na, e, yung mga car-car business niya. Nag-stop na siya doon. Pero ngayon, nag-start na siya uli. Hindi ko alam kung ano, pero may mga pinapasok siyang business ngayon with his friends and his partners. Pero hindi ko alam, kasi wala pang solid na ano, e."

TAKING CARE OF WILLIAM. Hanggang ngayon, wish pa rin ni Yayo na magkaroon na kasintahan si William, kahit siya mismo ay hindi naman open sa pagkakaroon ng bagong mamahalin. Mas gusto raw kasi niyang maunang magkaroon ng ibang mamahalin ang kanyang dating asawa.

"Pero tanungin mo siya kung meron siya," sabi ni Yayo. "May mga nagsasabi sa akin.

"Kung meron man siyang special friend, sobrang okey sa akin. Kung meron siya actually, matutuwa pa nga yung mga anak ko, e. Sinasabi ko nga ng mga anak ko, 'Sana magka-girlfriend na si Papa.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, nalulungkot ako na hindi ko na siya kayang alagaan. Pero kasi lately, marami siyang nararamdamang sakit. Kasi [nasa] lahi ang diabetes.

"Sabi ko nga sa kanya, magpa-check up siya, magpa-hospital siya. 'Kasi baka sa heart din may problem ka.'

"Gusto ko man siyang alagaan, hindi na [puwede]. Kaya nga gusto ko nga magkaroon siya ng girlfriend para may mag-aalaga sa kanya. Gusto ko rin na maging masaya siya.

"Sinamahan ko siyang magpa-test dahil namamanhid yung braso niya, baka kasi sa pagyo-yosi niya. Lagi rin siyang nagtsi-chest pain."

Nakikita ba ni Yayo ang sarili niya na kasama pa rin si William sa kanyang pagtanda kahit magkaibigan lang sila at wala nang relasyon?

"Alam mo, oo," sagot ng aktres. "Lately kasi ganyang may sakit siya, tumatawag or magti-text 'yan sa akin, 'Rosario...' Tawag kasi niyan sa akin, 'Rosario.' 'Ang sakit ng ganito ko, bilhan mo naman ako ng gamot.' Pag gumanyan sa akin si William, hindi ko siya matatanggihan.

"Alam mo, kahit anong sabihin mo, any time nandiyan ako. Dinadalhan ko 'yan ng pagkain, gamot. Pag nasa bahay 'yan, nagsasabi na, 'Gusto kong kumain ng donut.' Nagdadala ako ng donut. Siyempre kasama ko yung mga anak ko sa pagdadala ng food.

"Wala naman sa akin yun. Sino ba ang mag-aalaga sa kanya? I mean, hindi ko naman pababayaan 'yan, e. Kunwari may mangyari sa kanya? Ako rin naman yung tatakbo sa kanya. Sa akin, okey lang yun.

"Sabi ko nga sa kanya, 'Ako maaasahan mo akong tumakbo sa iyo pag may sakit ka bilang magkapitbahay at bilang magkaibigan tayo. Pero ikaw yung gagastos, ha? Ikaw yung magbabayad ng ospital mo.'

"Pero kahit anong favor ang hingin sa akin ni William, okey sa akin," sabi ni Yayo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN