Michelle Madrigal doesn't feel any sincerity in Aubrey Miles's apology on Twitter

IMAGE 0


"Nag-sorry siya sa Twitter. If seryoso ka, bakit hindi mo ako tawagan? Kasi, nagkikita tayo sa promo ng Survivor, puwede mo akong kausapin. Hilahin mo ako sa gilid, kausapin mo ako nang seryoso, di ba? Sa akin, feeling ko, hindi lang sincere ang pagso-sorry niya na yun," sabi ni Michelle Madrigal (in photo) tungkol sa kapwa niya Survivor castaway na si Aubrey Miles.


Si Michelle Madrigal ang latest castaway na napatalsik sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. Siya ang ikatlong miyembro ng Jury na pipili kung sino ang tatanghaling Sole Survivor; kasama ang boyfriend niyang si Jon Hall at Aira Bermudez.

Aminado si Michelle na masama ang loob niya nang ma-vote out siya. Lumalabas kasi na wala siyang kakampi sa mga natirang castaways, lalo na nang mapatalsik noong una si Jon.

"Kasi siyempre, gusto ko talagang manalo. Kaso ang iba talaga, wala silang idea kung paano ang game," sabi ng sexy actress sa live interview sa kanya ni Raymond Gutierrez sa Showbiz Central noong Linggo, November 7.

"Tapos, naumpisahan na, Michelle and Jon. Then, noong wala na si Jon, weak ako. 'Bakit hindi natin tanggalin si Michelle? Weak naman siya.'

"Parang hindi nila inisip na kasi, hindi ka nila gusto, or 'wala naman siyang naitutulong sa cast, tanggalin na lang natin.' Pero, hindi nila naisip na puwedeng maging strategy yun para makagawa ng bagong alliance.

"Kasi kami ni Aira, nakapag-usap kami. Yun nga, na-blindside siya. So, lahat talaga ng nakakausap ko, lahat talaga ng naging alliance ko, tinatanggal," saad niya.

QUEEN BEE. Lumalabas na si Aubrey Miles ang nagiging pasimuno sa magiging desisyon kung sino ang matatanggal sa Tribal Council. Ano ang pakiramdam ni Michelle tungkol dito?

"Well, sa napapanood ko naman, totoo naman," pagsang-ayon niya.

"For me kasi, okay lang kung ganoon yung strategy niya na mag-manipulate ng iba. Hindi naman niya kasalanan kung madaling utuin ang ibang tao. Hindi nila naisip yung game.

"But, hindi ko lang gusto yung mga nasasabi niya na medyo personal. Like first week pa lang ng show, sinisiraan na niya si Jon."

Dating ex-girlfriend ni Jon si Aubrey.

Patuloy ni Michelle, "And then, may mga times din na may mga comments siya na wala rin namang kakuwenta-kuwenta at hindi naman siya tungkol sa game.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang feeling ko, masyado niya kaming pinersonal ni Jon.

"Siyempre, mas naniwala ang ibang castaway sa kanya dahil siguro takot kay Jon, at ako ang alliance ni Jon. So, mas naniniwala sa kanya.

"Pero kami ni Jon, the reason na gusto namin siyang tanggalin kasi alam namin na marunong siyang mag-manipulate."

"Pero siya, ang dami niyang mga BS [bullshit] na sinasabi. So, do'n ako naiinis," paliwanag niya.

Ayon kay Raymond, sa mga eksenang ipinapakita sa Survivor Philippines ay mabait si Aubrey kapag kaharap ang ibang castaways. Pero sa solo interviews nito ay iba ang kanyang sinasabi tungkol sa kanyang mga kasamahan.

Sa tingin ba ni Michelle ay "plastic" si Aubrey?

"Sa Survivor? Oo," sagot niya.

"Kasi, I mean, in a way, siguro kailangan mong makipagplastikan sa ibang tao dahil siyempre, gusto mo ng boto ng iba para masama sa alliance nila.

"Pero, kasalanan din naman ng mga hindi nag-iisip yun. Feeling nila, totoo sila sa kanya.

"Kumbaga, sa larong Survivor, hindi puwedeng super honest ka. Hindi ka puwedeng sunod-sunuran lang. Kasalanan ng ibang tao 'yun na sumusunod sa kanya kaya nama-manipulate ni Aubrey."

Sa puntong ito ay nagkuwento si Michelle tungkol sa isa pang celebrity castaway na si Akihiro Sato.

"With Aki naman, ang maganda kay Akihiro, honest siya. Pero kapag may kailangang i-vote out, makikita mong totoong tao siya. Na puwede mo rin laruin ang Survivor na tumagal ka, na hindi ka naninira ng pagkatao ng isang castaway."

AUBREY'S CHARM. Pagdating naman sa alliance, makikita na ang alliance ni Aubrey ay sina Ervic Vijandre at Akihiro.

Pero ano ang masasabi ni Michelle na ginagamit daw ni Aubrey ang kanyang charm to manipulate these men?

"Well, ang lalaki, kapag nakakita ng isang maganda at seksing babae, hindi nila maiiwasan 'yan. Nagkataon na ang isa sa kanila, patay na patay kay Aubrey. Alam naman ng lahat na patay na patay si Ervic kay Aubrey!" natatawang sabi ni Michelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Pansinin n'yo, di ba? Every day, sino ba ang hindi magkakagusto kay Aubrey Miles, palaging diretso ang name.

"Ang babae... Kung ako yun, makikita ko, 'A, may gusto ka sa akin? Madali ko nang paikutin ang mundo mo.'

"Madali mo nang laruin ang game kapag nakita mong may gusto sa 'yo ang isang tao."

Ngayong wala na sila sa isla at nagkikita na sila, may konti pa bang galit si Michelle kay Aubrey?

"Alam mo, sa akin kasi, kung sa game lang yun na ngayon, e, napapanood ko na nga, kung sa game lang, wala akong problema na tanggalin niya kami dahil alliance kami ni Jon.

"Pero nainis ako dahil sa mga sinabi niya na, yun nga, personal stuff.

"Tapos, ang sa akin lang, she said sorry... Nag-sorry siya sa Twitter. If seryoso ka, bakit hindi mo ako tawagan?

"Kasi, nagkikita tayo sa promo ng Survivor, puwede mo akong kausapin. Hilahin mo ako sa gilid, kausapin mo ako nang seryoso, di ba?

"Pero ang sa akin, bakit kailangan mo pa akong i-tweet, di ba? Nakikita ng buong... Alam mo yun, mga followers ko, followers niya, di ba?

"Sa akin, feeling ko, hindi lang sincere ang pagso-sorry niya na yun," sabi ni Michelle.

"Kasi, nag-sorry siya noong time na marami na siyang haters. So, parang feeling ko, hindi totoo ang pagso-sorry niya."

THE JURY. Kung may maganda man na nangyari sa pagkatanggal niya, she's now part of the Jury na pipili kung sino ang mananalo ng titulong Sole Survivor at three-million cash prize.

How does she feel na nasa kanya na ang power ngayon?

"Sorry kayo ngayon! Ngayon, kailangan n'yong maging mabait sa akin!" natatawang biro ni Michelle.

Pero dugtong niya, "No, kasi nga, hindi inisip ng ibang tao na kapag na-vote out ka, sila ang mamimili kung sino ang gusto nilang manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas marami kami. After ilang weeks, mas marami kami kesa sa kanila.

"Yung mga ininsulto nila at sinabihan nila ng masasama sa TV, yun na ang tingin namin puwede kaming gumanti at tingin namin, deserving ba kayong manalo."

Pero sa pagkakaalam ng PEP ay tapos na ang botohan kung sino ang mananalo dahil tapos nang i-tape ang buong season ng Survivor Philippines Celebrity Showdown sa Thailand. Ang hinihintay na lang ay ang live announcement ng winner na gagawin sa December.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN