Zsa Zsa Padilla supports daughter Zia's plan to join show business; says Dolphy's work ethic admirable

IMAGE 0


"I really have so much respect for him, by the way he works. Kasi, 'yong work ethics niya ay talagang maganda," Zsa Zsa Padilla says of her long-time partner, Comedy King Dolphy.


Tila isa pa sa mga dalagang anak ni Zsa Zsa Padilla ang susunod sa kanyang mga yapak bilang singer. Ito ay ang kanyang 19-year-old na anak na si Zia.

Noong nakaraang dalawang linggo, Nobyembre 7, sa ASAP XV, nakita ng publiko ang namanang talento sa pagkanta ng nakababatang anak ni Zsa Zsa kay Dolphy, sa album launch ng huli, ang Handog ni Pidol.

Kabilang si Zia sa ilang duets na kasama sa 10-track album ng Comedy King.

Inamin ni Zsa Zsa na may mga pag-uusap na sa pagitan nila ng PolyEast Records para sa planong paggawa ng music album ni Zia.

"We're fixing her songs na. I'm acting as her manager, for now. We're choosing some songs na in the process," natutuwang balita ni Zsa Zsa, matapos ang press launch ng music album ni Dolphy noong Huwebes, Nobyembre 11, sa Discovery Suites, Ortigas, Pasig City.

Ayon kay Zsa Zsa, binibigay niya at ng kanyang buong pamilya ang buong suporta para sa kanilang bunsong anak ni Dolphy.

Hindi rin daw magiging problema ang pagiging sikat na niyang singer, at ng isa pa niyang anak na si Karylle, para ipagpatuloy ang planong pagpapakilala kay Zia bilang mang-aawit.

Sabi pa ni Zsa Zsa, "Siyempre, siya ang aming bunso. Siya ang aming pride and joy. But we all have different styles naman, e, so that's not a problem. Si Zia is a very soulful singer. Marami ring plano ang PolyEast para sa kanya."

Bagamat lumaki si Zia kasama ang mga magulang na kilalang-kilala sa showbiz, aminado si Zsa Zsa na sobrang mahiyain pa rin ang kanyang anak.

Kaya naman todo pa rin ang pag-encourage niya sa kanyang anak sa tuwing nahihiya itong mag-perform sa publiko.

Dagdag na kuwento pa ni Zsa Zsa, "Kasi, we treated her like a pro because she sounds like a pro. But madalas iniisip namin, 'Ano ang nangyayari?' 'Tapos, 'Ay, ninenerbiyos pa nga pala siya, bago pa nga palang siya.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, nakakalimutan ko 'yon. She's very shy pa, e. Sabi ko, 'No, you'll get there. And we've been getting positive feedback about you.'"

ON LONG-TIME PARTNER DOLPHY. Samantala, hangang-hanga naman si Zsa Zsa sa kanyang partner na si Dolphy dahil sa kabila ng kanyang gulang, patuloy pa rin ang kanyang pagiging artista.

Bukod sa music album, abala ang 82-year-old comedian ngayon sa paggawa ng pelikulang Father Jejemon, ang opisyal na entry ng RVQ Productions sa darating na Metro Manila Film Festival.

Patuloy rin ang kanyang taping para sa weekly show niya sa TV5, ang Pidol's Wonderland, kasama ang kanyang mga anak na sina Epi at Vandolph Quizon.

Ayon kay Zsa Zsa, naiintindihan niya si Dolphy kung bakit paulit-ulit itong bumabalik sa showbiz kahit ilang beses pa niyang sinabi na retirado na siya.

"It makes him happy, e. It really makes him happy," paliwanag ng singer-actress.

"Sinasabi nga niyang semi-retired na siya dahil every time he wants to retire, he just goes back to work. I understand what it's like to be an artist.

"Hindi naman siya katulad ng ating generation, na mahilig sa computers at may ibang outlet for creativity. You know, I can just sit in and type. You know naman our generation ngayon, maraming bloggers, maraming inspirations, maraming mapupuntahang sites.

"Hindi naman kasi siya 'yong type ng generation na 'yon, e. Siya 'yong tipong mas gusto mag-conference, mag-uusap-usap. Old school na old school."

Gayunman, todo ingat pa rin naman daw ang binibigay niya sa kanyang partner. Halimbawa na lang sa Father Jejemon, kung saan tumatayo si Zsa Zsa bilang isa sa mga producer.

"Kapag siya ang kausap ko minsan, siyempre, ang number one concern ko is 'yong health niya. So, medyo umaalalay kami sa scheduling. So, kapag humihingi siya ng extra two or three days, nakaganito lang ako." Sabay pakita ng mukhang tulala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, as a producer, alam ko na ang iisipin, budgeting, budgeting. Pero, siyempre, kailangang isipin ko na dapat nangunguna 'yong role ko bilang partner niya."

At kahit pa humiling ng extra days ang partner niyang si Dolphy para magdagdag pa ng ilang shots, hindi na ito iniisip ni Zsa Zsa dahil, "I really have so much respect for the way he works. Kasi, 'yong work ethics niya ay talagang maganda."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN