It's back to work for Sarangani Congressman Manny Pacquiao after winning his eighth world boxing title

IMAGE 0


World boxing champ Manny Pacquiao explains why it took him 12 rounds to finish his opponent, Antonio Margarito. "Talagang ganoon ang boxing. Hindi mo naman talaga mapapabagsak ang kalaban, especially si Margarito na napakalaking di-hamak sa akin. Tumimbang siya ng 165 lbs. Ako, 148 lbs. lang. Napakalaking agwat. Hindi basta-basta at hindi lahat ng kalaban ay mapapatumba."


Live na nai-interview via phone patch ng mga hosts ng Startalk kahapon si Manny Pacquiao, boxing's eight-division world titlist and Sarangani congressman, habang nasa New World Hotel ito.

It was only yesterday morning, November 20, nang dumating si Manny at mainit na sinalubong ng mga Pinoy dahil sa muling pagka-panalo sa huling laban niya noong Linggo sa Mexicanong si Antonio Margarito.

Tulad nang nakaugalian na ni Manny, pagdating ay nagsimba muna ito sa Quiapo Church.

After that, personal na nagpunta ito sa MalacaƱang para tanggapin ang pagbati ni President Noynoy Aquino at ang token of appreciation na galing dito.

Sa Startalk, ang unang kinamusta ni Joey de Leon kay Pacman ay ang pagsasa-ilalim nito sa M.R.I. noong Martes sa Amerika. Kumusta naman ang naging resulta ng naturang test?

Ayon kay Manny, "Nagpa-check-up ako para masiguradong walang damage, at sa awa ng Panginoon, wala naman. Kaya natuloy yung meet-and-greet ko sa Lake Tahoe."

Tinawag naman na "future President" ni Lolit si Manny dahil ito raw ang balita na ikinangiti ng bagong World Boxing Council super welterweight champion.

Ayon kay Lolit, marami raw ang humula na mapapatumba agad ni Manny si Margarito, pero umabot pa ang laban ng 12 rounds.

Na-frustrate raw ba si Manny sa bagay na 'yun?

"Hindi naman. Talagang ganoon ang boxing. Hindi mo naman talaga mapapabagsak ang kalaban especially si Margarito na napakalaking di-hamak sa akin.

"Tumimbang siya ng 165 lbs. Ako, 148 lbs. lang. Napakalaking agwat. Hindi basta-basta at hindi lahat ng kalaban ay mapapatumba."

PACQUIAO VS MAYWEATHER. Sabi naman ni Butch Francisco, base sa mga boxing analysts ay isa na lang ang dapat labanan ni Manny: si Floyd Mayweather Jr.

Pero paano kung ayaw lumaban ni Mayweather sa kanya? Hihinto na ba si Manny sa pagba-boxing?

"Hindi pa naman, kaya ko pa namang lumaban sa iba... Basta sa akin naman, wala tayong pipiliin dahil boksingero tayo at 'yan ang trabaho natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Between Mayweather and Shane Mosley, sino sa tingin ni Pacman ang mas handa ngayon?

"Kahit kanino sa kanilang dalawa, kaya natin 'yan. Paghahandaan nating mabuti 'yan. Sa ngayon, set aside muna ang boxing. Focus muna sa pagse-serbisyo at may trabaho akong dapat gampanan."

BACK TO CONGRESS. Sa Lunes daw, magsisimula nang mag-trabahong muli si Manny.

Nai-follow-up naman ni Ricky Lo ang hinirit ni Lolit na pagiging future President nito. Ayon kay Ricky, may mga usap-usapan na posible siyang tumakbo bilang Presidente. Ano ang masasabi ni Manny sa bagay na ito?

"Ang sa akin, kung anuman ang ibigay ng mahal na Panginoon sa akin, palagi kong pinapasalamatan.

"Bilang congressman, doon muna ang focus ko, ang tulong na maibigay ko sa distrito ko. Kaya huwag muna nating isipin yun.

"Wala pa sa isip ko yun."

Ipinabatid naman ni Joey kay Manny na may nag-suggest daw na gawin siyang endorser ng Department of Tourism para mai-promote ang Pilipinas na tourist destination.

Type ba ni Manny ang slogan na "Pacquiao Philippines?"

"Ako naman, e, kilalang makabayan. Willing akong tulungan ang ating bansa. Para naman ito sa ating lahat. Sa abot ng aking makakaya, tutulong at tutulong ako para sa nakakarami."

JINKEE AND MOMMY D. Kinamusta naman ni Lolit kay Manny ang asawa nitong si Jinkee at ang ina na si Mommy Dionisia.

First time ni Mommy D manood ng actual na laban ng anak at ito nga ay hinimatay. Biro ni Joey, hindi raw pala stage mommy ang ina ni Manny, kung hindi, ring mommy.

Dugtong naman ni Lolit, dapat daw magpasalamat kay Dra. Vicki Belo na siyang unang tumulong kay Mommy Dionisia nang mag-collapse ito.

Kaya sabi ni Manny, "Salamat kay Dra. Belo sa pagtulong niyo sa mommy ko nang mag-collapse, dahil hindi niya nakayanan. Hindi nga nanonood yun ng laban sa ring, pinapakinggan lang niya ang sigaw ng mga tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa December 17 naman ang birthday ni Manny kaya tanong ni Butch kung ano ang mga preparations para sa espesyal na araw na ito.

"Sa Sarangani, holiday. At saka, pupunta rito si Bob Arum [ang promoter ni Pacman]. May party rin sa Sarangani."

Pagkatapos ng matagumpay na laban ni Manny, instead na magpahinga, pagsabak na agad sa tungkulin ang inaatupag.

"Siguro ang pahinga ko, Sabado, Linggo lang. Kasi, kailangan kong magbalik-trabaho. Yung tungkulin ko bilang public servant ay kailangang kong gampanan.

"Ayokong mapahiya sa mga tao na pumili sa akin. Ayokong masabihan nila ng tatamad-tamad."

Tanong naman ni Lolit: Gaano na ba kayaman si Manny?

Napa-"Ikaw naman" ang natatawang sagot ng world boxing champion.

Sa huli, nagpasalamat si Manny sa lahat.

Aniya, "Unang-una, salamat sa mahal na Panginoon. Kung hindi sa kanya, hindi mangyayari ang lahat ng ito.

"At siyempre, maraming salamat sa lahat ng kababayan ko na walang sawang sumusuporta at nagdarasal.

"Ito naman ay hindi lang para sa akin at sa pamilya ko, kung hindi, para po sa ating lahat. Saan man tayo magpunta, mga kababayan ko, e, taas-noo po tayong mga Pilipino.

"Ako'y nagpapasalamat din sa pagsuporta niyo sa akin. Hindi lang sa larangan ng boxing kung hindi sa aking karera. Bahagi kayo sa mga tagumpay na natatamo ko. Maraming salamat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN