Richard Poon explains why Maricar Reyes was missing at his concert; gives update on their status

IMAGE 0


"Tignan natin. Wala pa akong mako-comment ngayon, e.I'm pursuing her. Getting to know her more. We started off as good friends two years ago so, sa akin, let's see where it goes," says Richard Poon when asked about where he stands with Maricar Reyes.


Muling pinatunayan ni Richard Poon ang bansag sa kanyang "The Crooner" sa tagumpay ng kanyang concert noong Biyernes, Nobyembre 12, na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC), Manila.

Tila nagkaroon ng walk down memory lane ang audience nang gabing iyon dahil muling binuhay ni Richard ang ilang mga kantang halos limot na ng panahon sa kanyang concert na The Crooner: A Concert with a 25-piece Orchestra.

Ilan sa mga special guests niya noong gabing iyon ay ang nakatatanda niyang kapatid na si Eva Marie Poon, komedyanteng si Pokwang, at ang internationally-acclaimed actress at singer na si Lea Salonga (CLICK here to read related story).

Present noong gabing iyon ang ilan sa mga kaibigan ni Richard upang magbigay ng kanilang suporta.

Ilan sa mga nakadalo, ayon kay Richard, ay ang kapwa niya mang-aawit na si Erik Santos, cinematographer na si Shane Santi, ABS-CBN Vice-President Leo Katigbak, Star Magic head Mariole Alberto, at ang mag-asawang TV newscaster na si Tintin Bersola at Julius Babao.

MISSING MARICAR. Ngunit wala noong gabing 'yon ang tinuturing na special someone ni Richard—si Maricar Reyes.

"May taping siya, she's really, really very busy. May out of town pa ata siya tomorrow [November 13]. Sana, I would have wished sana she could go, but work, e," paliwanag ni Richard.

Dagdag pa niya, "I know she's very committed, as much as I am very committed, so, trabaho muna siguro."

Mas magiging kumpleto ba ang gabi kung nakarating si Maricar?

"Sana," maikling sagot ni Richard, na halata sa mata ang pag-asam na sana'y nakarating si Maricar noong gabing iyon.

Ang tinutukoy ni Richard na work commitment ni Maricar ay ang taping para sa ABS-CBN primetime show na Imortal, na pinagbibidahan nila Angel Locsin at John Lloyd Cruz..

"May hinahabol sila kay John Lloyd. Because John Lloyd just came from Europe, meron silang lead time na napakanipis lang. So they have to shoot, dire-diretso talaga, so I understand that. Dahil si Lloydie nakausap ko din about the shoots," ani Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya tungkol sa Imortal, "It has done a very good job. It has very good ratings, by the way."

Natawa naman si Richard nang tanungin kung nanonood ba siya ng nasabing show?

"Oo, dahil maganda siya. Maraming rason," ang nakangiti nitong sagot.

WAIT AND SEE. Noong nakaraang buwan, inamin ni Richard sa showbiz writers sa press conference ng kanyang concert na totoong liniligawan niya ang aktres na si Maricar Reyes (CLICK here to read related story).

Ano na ba ang status nilang dalawa ngayon?

"We are good friends. Getting to know each other more," sagot ng 29-year-old singer.

"But we are also both very private people. I think she likes the fact that I'm very serious about my work. When she's working, talagang she's also very committed, and people know and respect her as an actress, so I think pag ganitong trabaho, trabaho talaga muna," pahabol pa niya.

Patungo na ba ito sa seryosohan?

Nakangiting sinagot ito ni Richard ng, "Tignan natin. Wala pa akong mako-comment ngayon, e.

"I'm pursuing her. Getting to know her more. We started off as good friends two years ago so, sa akin, let's see where it goes."

LUIS AS RIVAL? Samantala, tikom naman ang bibig ni Richard nang hingin ang kanyang komento tungkol sa napapabalitang liniligawan din daw ni Luis Manzano si Maricar Reyes.

"Hindi ko po alam, e. Hindi kasi ako masyado nananonood ng TV. I read more books than I watch TV. Wala talaga akong alam, e. Sorry talaga," nakatawang sagot ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN