Gian Magdangal enjoys working with foreign artists in musical play Kaos; limits comments on girlfriend Sheree's car-chase issue

IMAGE 0


Gian Magdangal feels more excited than nervous for the upcoming opening of the highly-ambitious musical play Kaos on December 1 at Resorts World Manila in Pasay City.


Nagkaroon ng special preview last Monday, November 15, ang musical play na Kaos sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Pasay City.

Itinuturing na ambisyoso ang proyekto dahil kasama rito ang performers na galing pa sa iba't ibang panig ng mundo.

Pinaghalong Pinoys at foreigners din ang nasa likod ng show, sa pangunguna ng set designer na si Andrew Botha, costume designer Liudmila Karpinka, choreographers Khmelnytsky Oleksandr at Donchanka Nataliya, executive producer Colin Kerr, at production manager Sviatlana Burkun.

Tila pinagsamang stage musical at circus show ang Kaos.

Ipinakita nila ito during the premiere, kung saan bukod sa mga awitin ay nagpakitang gilas din ang mga Chinese acrobats at ang Spanish master illusionist na si Enrique Polo, kasama ang kanyang alagang white tiger.

Bida sa nasabing palabas ang singer-actor na si Gian Magdangal at ang Canadian Idol contender na si Martha Joy. Parehong nagpamalas ng kanilang husay sa pagkanta ang dalawang lead stars noong gabing 'yon.

READY TO ROLL. September ng taong ito nang pormal na ipakilala si Gian sa publiko bilang lead star ng nasabing musical play. (CLICK HERE to read related article.)

During that time ay hindi pa ganap na pamilyar ang 28-year-old stage actor sa buong istorya ng Kaos, kaya maging siya ay nangangapa pa nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa background ng kanyang magiging role.

Barely two months after that meeting ay handang-handa na si Gian na gampanan ang papel ng isang medieval prince na naghahanap ng tunay na pag-ibig.

Wala naman daw dahilan para sobrang kabahan si Gian sa pagbubukas ng Kaos sa December 1.

Mahaba at pulido raw ang naging preparasyon nilang lahat, kaya kumpiyansa siya na magiging maayos ang takbo ng palabas from start to finish.

"For me kasi, I get nervous when you really don't prepare. But ito kasi, everything is being prepared.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, another way of saying it is, they really have planned it all throughout from the opening day to the opening week, and we have rehearsals.

"So far, it's been going smoothly and I'm enjoying. Siguro 'yon yung pinaka-number one na nakakapagtanggal siguro ng kaba or pressure, kasi enjoy, e.

"If you're enjoying on stage, it makes the job easier," paliwanag ni Gian.

Malaking karangalan para kay Gian ang makasama sa isang malaking produksiyon na kinabibilangan ng magkakaibang lahi.

Nakakatuwa nga raw at kahit pa sabihin na hindi pare-pareho ang kanilang background ay nagkakasundo pa rin ang lahat pagdating sa kagustuhan na mapaganda ang programa sa kapakanan ng mga manonood.

"It's an international cast so you encounter people who actually don't speak English or understand English. There are also communication barriers.

"But at the same time, you're also excited to work with different races, which I never experienced before.

"For me now, the most exciting part is to be able to perform with that cast, kasi iba talaga—may Russians, Chinese, may mga Spanish. So, 'yon talaga 'yong what I'm really cherishing now.

"Kasi people only see what's on stage and okay 'yon. Pero 'yong off-stage, 'yon yung mahalaga dun sa mga performers and artists.

"Kasi hindi nabibili 'yon, e, hindi nabibili 'yong pagkakaibigan, 'tsaka siyempre 'yong camaraderie with new races outside fellow Filipinos."

SUPPORTING SHEREE. Kinumusta rin ng PEP ang girlfriend ni Gian na si Sheree matapos ang naiulat na diumano'y car-chase incident na nangyari malapit sa Centennial Terminal ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon sa ulat na lumabas, inirereklamo raw ang dating miyembro ng Viva Hotbabes matapos nitong magtangkang takbuhan ang nabanggang sasakyan.

Sinabi naman ni Sheree na wala siyang motibong takasan ang pangyayari at naghahanap lamang siya ng "safe na lugar" na puwedeng paghintuan ng kanyang sasakyan bago makipag-usap sa kabilang kampo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dinagdag din ni Sheree na naayos na nila ang gusot sa airport pa lamang, kaya nagtataka siya kung bakit kailangan pang lumabas ang detalye ng insidente sa publiko.

Sinabi ni Gian sa PEP na pinapaubaya na lang nila sa abugado ang kahahantungan ng buong usapin: "Nakakalungkot din. But at the same time, we have lawyers naman who are well taking care of it and we just leave it up to them kasi they know what's best."

Ayaw na rin ni Gian na magbigay ng mahabang komento dahil baka lalo lang daw maging kumplikado ang isyung kinakaharap ng ina ng kanyang anak.

"It's really more of Sheree's game more than me dahil wala naman ako dun, e," sabi ng singer-actor.

"Pero siyempre, suporta talaga ako sa kanya and sa lahat ng magiging decisions niya."

Pero maayos naman ba ang lagay ni Sheree sa kabila ng lahat ng nangyari?

"Siyempre, she feels sad about it," mabilis na tugon ni Gian.

"Kasi sa lahat ng bagay na inaalagaan natin sa industriyang ito is yung pangalan natin. Siyempre, ayaw naman niyang isipin ng mga tao na parang nakipaghabulan siya.

"There's always two sides to a story, hindi lang 'yon, e.

"So, 'yon yung pinaglalaban namin sa korte and nag-file din kami ng case against the complainant and the lawyers are now taking care of it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN