COUPLES WATCH: Jason Francisco and Melai Cantiveros reveal what they like about each other

IMAGE 0


Melai Cantiveros and Jason Francisco are not your usual couple. They don't date, they're not even affectionate, but they've found their soul mate in each other.


Malapit na ang first-year anniversary as a couple ng on-screen at off-screen partners na sina Jason Francisco at Melai Cantiveros.

Sa February 8 ang kanilang anniversary. Nagsimula ang matamis nilang pagtitinginan sa Bahay ni Kuya noong naging housemates sila sa Pinoy Big Brother: Double Up Edition na nagsimula noong October 2009.

Naging matunog ang dalawa dahil na din sa asaran at mga hirit kahit na noong nasa loob pa sila ng PBB house.

Hindi rin makakaila ang dami ng fans ng dalawang ito. Dagdag pa nito, marami-rami din ang kinikilig at natutuwa sa kanilang mga asaran at hiritan.

Kamakailan, sinadya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa sa shooting ng una nilang pelikula pagbibidahan titled Pureza.

Parehong game na game ang dalawa sa pagsagot ng mga tanong sa kanila ng PEP. Hindi rin naiwasan ang kulitan nilang dalawa habang sila ay ini-interview.

WHY THEY LIKE EACH OTHER. Nang mapunta ang usapan tungkol sa kanilang love life, biglang namula si Jason at hindi nakapagsalita agad. Tumabi si Melai sa kanya at walang nagawa ang binata kundi ngumiti.

Ano nga ba ang nagustuhan nila sa isa't isa?

Bibong-bibo si Melai at siya ang unang sumagot, "Yung ilong po niya."

Saka niya pabirong dinagdag nang siya ay napatingin kay Jason, "Yung tinga din po niya."

Pagpapatuloy ni Melai na ngayo'y seryoso na ang tono, "Yung ilong niya tsaka yung pagiging maaalahanin niya. [Tulad ng] 'Isay, ako nang makuha ng sweldo mo, yung mga ganun," natatawa niyang kwento.

Dagdag naman ni Jason, "[Yung pagdating] sa oras, sa schedule, kasi hindi po siya marunong sumagot sa aming handler kaya palagi ako taga-sabi sa kanya..."

Hindi na pinatapos ni Melai ang kasintahan, "At napakabait niya po!"

Sa puntong ito, hindi na napigilan ni Jason ang tumawa. Pati ang mga tao sa set na nakikinig sa interview, hindi na rin napigilan na matawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ni Melai, "Sa sobrang pagkabait niya, hindi niya ako sinasabihan ng masasamang words. Tsaka gusto niya ako laging masaya. Tsaka never na lumaki yung mata niya sa akin. Sobrang pagkabait. Sa lahat ng mga naging boyfriend ko, siya ang pinakamabait."

"Shino-shopping niya po ako. Kasi po sa Mana Po mayaman ako dun. Siya nagpili sa mga sandals, kung ano suotin ko, kung ano yung bagay sa akin," pagmamalaki ng dalaga.

Sumagot naman si Jason nang pabiro, "Konti lang dun yung [galing] sa akin, no! Yung iba pinabigay lang."

Turn naman ni Jason para sabihin ang mga nagustuhan niya kay Melai.

Agad-agad na binulalas ni Melai, "Wala!"

Tinignan ni Jason ang kasintahan bago ito nagsalita. "Unang-una, ang personality niya, siyempre. Yun naman ang laging hinahanap ng isang lalake. Kasi yun, kung ano yung pagkakakilala mo sa una, yun pa rin, hindi na mababago. Yun na siya, e."

Ngumiti sa Melai sa narinig. Nagpatuloy si Jason na para bang wala si Melai sa kanyang tabi.

"Siyempre marami naman diyan na talagang magaganda, yung magandang-maganda, pero wala akong tiwala."

Biro naman ni Melai, "Mas may tiwala siya sa akin, kasi 'tong mukhang 'to, alam niyang hindi talaga..."

"... Parang hindi gagawa ng katarantaduhan?" tinapos ni Jason ang sinasabi ni Melai.

"Hindi ko naman sinabi na ganun ka... maganda ka naman," dagdag ng binata. "Siyempre, kahit na maganda, e, kung ang personality, hindi maganda, e, di parang wala din. Para sa akin talagang No. 1 ang personality kaysa physical."

WHY THEY CAN'T STAND EACH OTHER. Ano naman ang ayaw nila sa isa't isa?

"Ang ayaw ko sa kanya yung lagi siyang concerned sa akin. Yung exag (exaggerated), yung laging 'Bakit ganyan ang damit mo? Bakit ganyan ang damit mo?" ang sabi ni Melai.

"Hindi ka kasi marunong manamit!" sagot kaagad ni Jason.

Melai told PEP: "Siya kasi ang aking designer."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Stylist!" Jason corrected her.

Natawa silang dalawa at sinabi ni Melai, "Ay, stylist pala. Natatakot ako minsan manamit kasi baka pagalitan niya ako ng over over!"

Conservative ba si Jason?

"Opo, pero hindi siya conservative sa sarili niya kasi nakikita ang pwet niya!" hirit ni Melai.

SELOSO, SELOSA. Natanong din ng PEP sa dalaga kung uso ba sa kanila ang selosan.

"Dati po ako selosa, inaamin ko po yun na over, over!" ang seryosong sagot ni Melai.

Humirit si Jason at pinabulaanan ang sinabi ng kasintahan, "Hanggang ngayon naman, e."

Sagot naman ni Melai, "Ako selosa? Kailan ako nag-selos?"

"Palagi," saad ni Jason.

For example, yung Mocha girls.

"Ayun, oo nga, e. Nanonood lang ako," sabi ni Jason.

Paliwanag ni Melai, "Dati po selosa ako. Ngayon hindi na, kasi alam ko na pag patulan niya yun, papatulan niya. Pag hindi niya patulan, nasa kanya na yun, di ba? Confident din naman ako sa beauty ko na ganun talaga."

Ayon kay Jason, hindi raw siya seloso.

"Kasi pag alam ko na hindi na ano yung babae, wala na ako pakealam. Pag wala na care, bahala ka na sa buhay mo," aniya.

Sabi naman ni Melai, "Pero never pa siya nagselos sa akin... Kasi wala naman siyang pagseselosan! Ano ba pagseselosan niya sa akin?" sabay halakhak ng dalaga.

SOUL MATES. Napag-alaman ng PEP na ang tingin nila sa isa't isa ay "soul mates."

Ito ang binigay nilang paliwanag:

"Minsan kasi madalas parehas kami nang ginagawa," sabi ni Jason.

Nagbigay naman ng mas specific na example si Melai.

"Two times nagkita kami sa EDSA na hindi kami nagte-text-an. Sumakay ako sa kotse ng friend ko. Sumakay siya sa kotse ng friend niya.

"Traffic... tapos nagtabi yung sasakyan namin. Sabi niya, 'Hoy!' Nakita ko siya pero hindi ko siya pinansin," kwento ni Melai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero meron pang isang instance. Sa may E. Rodriguez Avenue, nagkita rin kami. Pero hindi kami nag-text kung nasaan siya. Pauwi na ako, pauwi rin siya, hindi namin alam na sabay kami pauwi."

Naganap ito nang may tampuhan ang dalawa.

Anu-ano ba ang kanilang pinag-aawayan?

"Camote-cue!" bulalas ni Melai.

"Hindi, mga simpleng bagay lang talaga. Nag-selos ata ako dati. Yung kasi madalas na pinag-aawayan namin, yung pagseselos ko," aniya.

Pagdating naman sa oras nila para sa isa't isa, masaya na sila na nakakapag-usap at nakakapagkwentuhan sa break time sa taping. Sobrang busy ang schedule nila.

"Yung time namin [para sa isa't-isa] yung mga break time. Eto na yung time namin para magkwentuhan, mag-asaran, maglaro-laro," ani Jason.

Masaya sila sa ganitong set-up. For now.

"Okay lang sa amin. Hindi na kami humihingi ng time masyado sa isa't isa. Magbibigay siya ng time sa akin, okay lang. Magbibigay ako ng time sa kanya, okay lang," sabi ni Melai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN