PEParazzi Special Year-End Report: 2010 in photos and videos

IMAGE 0


Some of the most "clicked" and most controversial videos and photos this year feature (clockwise) Angel Locsin, KC Concepcion, Daniel Matsunaga, and Maggie Wilson.


Sa buong 2010, may mga imahe, personalidad, at pangyayaring tinutukan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na pinag-ukulan ng atensyon, oras, at naging paksa ng mga diskusyon ng mga PEPsters.

Balikan natin ang mga nakaraang buwan at alamin kung anu-ano at sinu-sino ang mga ito:

JANUARY. Leave it to the fans pagdating sa pagkalap ng mga impormasyon at materyal tungkol sa mga artista. Lalo na sa panahon ngayon na madali na lang ang mag-"upload" at "download" ng mga bagay-bagay na may kuneksyon sa mga artistang iniidolo.

Tulad na lang ng pinag-ukulan ng mahigit sa 77,060 page views ng mga PEPsters noong Enero: ang PEP Blog item kay KC Concepcion at mga kapatid nitong si Gabrielle, Cloie, at Samantha Alexis. (CLICK HERE to see item).

Sa PEP Blog item na in-upload ni peparazzo mula sa mga materyales ng PEPster na si knight_of_kc, makikita ang video clip ng shampoo commercial ni KC. Sa pag-click sa "NEXT" sa may bandang kaliwang-ibaba ng blog item ay bubungad naman ang mga larawan nina Gabrielle o Gary, Cloie, at Samantha Alexis.

Sina Gary (21 years old), Cloie (16), at Samantha Alexis (2) ay mga kapatid ni KC (25) sa amang si Gabby Concepcion. Si Gary ay anak ni Gabby sa businesswoman na si Grace Ibuna, si Cloie sa dating aktres na si Jenny Syquia, at si Samantha Alexis sa asawa ngayon ni Gabby na si Genevieve Yatco Gonzales.

FEBRUARY. Sa kainitan ng pagtatalo ng PEPsters kung aling TV network ang mas angat, bigla namang kumalat ang balitang lilipat na ng istasyon si Miriam Quiambao. Nakakuha ng mahigit 35,280 page views ang komentaryo ni tamburiki sa PEP Blog entry niya tungkol sa rumored transfer ni Miriam na kalaunan ay napatunayang may katotohanan pala. (CLICK HERE to see item)

MARCH. Early March nang magsimulang mag-circulate sa Internet ang mga publicity photos ni Angel Locsin para sa isang clothing brand. Kaya nga di kalaunan ay nasa PEParazzi na rin ang mga naturang publicity photos at may mga dagdag pang ibang kuha ni Angel mula pa rin sa pictorial na iyon para sa clothing brand (CLICK HERE to see item).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahigit 99,125 beses na tiningnan ang mga litrato ni Angel na naging cover at spread din ng FHM Philippines.

APRIL. Kainitan ng pangangampanya ng eleksyon nang makuhanan ng ANC news program na Rundown ang pagiging "pasaway" ni Baby James. 37,097 na mga mata ang natuwa, nakulitan at nasurpresa sa ginawa ni Bimby sa campaign sortie ni noo'y Senador Benigno "Noynoy" Aquino III (CLICK HERE to watch video).

MAY. Matapos i-post ng Hollywood blogger na si Perez Hilton sa kanyang blog, kumalat na sa YouTube at sa kung saan-saan Internet sites ang video ng pagkanta ni Charice Pempengco ng sarili niyang version ng "Baby" ni Justin Bieber (CLICK HERE to see item and watch video).

Pinagsamang page views ng landing page ng blog entry ni peparazzo (35,762) at ng mismong page ng video (15,861), ang resultang 51,623 page views ng patuloy na pag-akyat ng popularidad noon ni Charice sa Hollywood.

JUNE. Hindi man lumikha ng masyadong page views ang dalawang litrato (combined pageview: 12,972) ng noo'y natsitsismis pa lang na magkasintahan na sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz (CLICK HERE to see photos), submitted by PEPster shyspy noong Pebrero, ibang hataw naman sa page view ang nagawa ng na-submit na mga litrato ng PEPster na si shizzles463.

Mga kuha nina Lloydie at ng na-link din sa kanya noon na si Ruffa Gutierrez (CLICK HERE to see photos) ang mga ibinahagi niya sa PEParazzi. Nakakuha ang mga litratong ito na galing sa Facebook fan page na LloydFa ng mahigit sa 63,184 pageviews.

JULY. Nalungkot ang mga Korean Pop fans nang mabalitaan ang pagkamatay ng Korean drama actor na si Park Yong Ha (CLICK HERE to read entry). Sa PEP blog entry ni imbestigador007, noong July 1, nakakuha ito ng 34,927 page views.

AUGUST. Kahit na may tsismis noon na may alitan sina Angelica Panganiban at si Gretchen Barretto dahil sa pagli-link kay Greta sa boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay, hindi naman ito pinalaki pa ng dalawa. Nag-react nga nang positibo si Gretchen sa paghingi ng paumanhin ni Angelica sa kanya sa The Buzz, kunsaan napaiyak pa ang young actress habang humihingi ito ng paumanhin at pag-asam na sana'y hindi pa huli na magkaroon sila ng isang magandang pagkakaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Gretchen sa video na nakakuha ng 18,235 views: "Now I know that she's also crazy, I think we'll really have a lot of fun!" (CLICK HERE to watch the video)

SEPTEMBER. Usap-usapan noon ang pagkakasali ni Charice Pempengco sa opening ng second season ng hit U.S. TV musical comedy show na Glee. Natigil lang ang usap-usapan at haka-haka nang pormal nang i-announce mismo Charice na makakasama nga siya sa Glee Season 2 at nang lumakad na siya sa Red Carpet ng Glee Season 2 Party sa Hollywood (CLICK HERE to watch the video).

Proud moment na naman ito sa mga Pinoy at lalung-lalo na sa mga tagahanga ng young singing sensation. Ang video ng interview kay Charice sa red carpet ng Glee party ay nakakuha ng 17,108 page views sa PEParazzi.

OCTOBER. Naintriga marahil at gustong marinig mismo ng fans ni Marian Rivera mula sa bibig ng Kapuso newcomer na si Sam Pinto ang ibig sabihin ng komento nito (na siyang title din ng PEParazzi item) na: "I'm not really scared of Marian." (CLICK HERE to watch the video)

Nakakuha ng 15,825 page views ang video interview ni Sam tungkol sa pagkaka-link niya kay Dingdong Dantes. Pinasinungalingan niya sa video na may mabutihan ngang nagaganap sa kanila ng boyfriend ni Marian at sinabihan pa ang Super Inday star na, "Nothing to worry."

NOVEMBER. Ano nga ba ang kakaibang hatak ng mga Brazilian models at mukhang in love na in love sa kanila ang mga Pilipino? Paano nga ba maipapaliwanag ang 49,769 page views sa behind the scenes photos ni Brazilian-Japanese model turned Philippine TV actor Daniel Matsunaga? (CLICK HERE to see photos)

DECEMBER. Hindi pa man natatapos ang taon, pero sigurado na ang PEP na wala nang lalagpas sa dami ng page views sa buwan na ito sa pre-wedding video ng beauty queen na si Maggie Wilson at asawa na niya ngayon na si Victor Consunji (CLICK HERE to watch the video).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami man ang bumatikos kaysa natuwa, hindi maikakaila na nagtagumpay sina Maggie at Victor sa layunin nilang "make the people uncomfortable" sa kanilang video. Like it or hate it, nakakuha ang sexy video ng newlyweds ng 88,723 page views sa ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN