PEP Special Year-end Report: Looking forward to new love teams in 2011

IMAGE 0


(Top, from left) The onscreen partnership of Jasmine Curtis-JC de Vera and Jewel Mische-Gerald Anderson are the new love teams promised by TV5 and ABS-CBN in 2011. While PEP predicts that GMA-7 current love teams, (bottom, from left) Barbie Forteza-Joshua Dionisio and Glaiza de Castro-Geoff Eigenmann, may still click in this coming year


Simula pa noon, isa na ang love team sa mga inaabangan sa mga pelikula at programang pang-telebisyon.

Ilan sa mga di-malilimutang tambalan sa showbiz ay sina Carmen Rosales at Rogelio dela Rosa, Nida Blanca at Nestor de Villa, Gloria Romero at Luis Gonzales, at Susan Roces at Eddie Gutierrez. Kasama rin dito sina Nora Aunor at Tirso Cruz III, Vilma Santos at Edgar Mortiz, Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, at Maricel Soriano at William Martinez.

Sa patapos na dekada, ilan sa mga naging matunog na love team ay sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales, Jolina Magdangal at Marvin Agustin, Piolo Pascual at Judy Ann Santos, Marian Rivera at Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Mark Herras, at sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Ngayon, bago pumasok ang bagong taon, ilalahad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa mga bagong tambalan na maaaring gumawa ng ingay sa showbiz.

Ang mga pinili ng grupo ay mga baguhan sa showbiz at mga tambalang umusbong nitong 2010. Ang pagpili ay base sa mga proyektong kasalukuyang ginagawa or gagawin pa lamang. Nakadagdag din sa aming konsiderasyon ang mabilisang pagtanggap ng mga tao sa kanila bilang love team.

Kabilang na rito sina ang ilulunsad pa lamang na tamabalan na sina Jewel Mische at Gerald Anderson at JC de Vera at Jasmine Curtis. Gayundin ang bagong love team ng GMA-7 na sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza, at ng ABS-CBN na sina Jessy Mendiola at AJ Perez.

Alamin kung sinu-sino pa ang napasama sa aming listahan sa pamamagitan ng pag-click dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN