Love Defined by former PDA Scholars before Valentine's Day

IMAGE 0


Pinoy Dream Academy Season 2 scholars (top frame, L-R) Chivas and Bunny Malunda, Miguel Mendoza, Liezel Garcia, Hansen Nichols, and Cris Pastor rocked Teatrino in Greenhills, last February 5, for their pre-Valentine concert. Their batchmate Bugoy Drilon (bottom frame) was the night's surprise guest.


Pinatunayan ng mga Pinoy Dream Academy Season 2 scholars na sina Liezel Garcia, Hansen Nichols, Cris Pastor, Miguel Mendoza at ng mag-asawang Chivas at Bunny Malunda na may K na silang mag-concert!

Naging matagumpay ang kanilang pre-Valentine Concert na pinamagatang Love Defined na ginanap sa Teatrino, Greenhills noong nakaraang Sabado, February 5.


Bago nagsimula ang kanilang concert, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na kumustahin ang mga perfromers sa back stage.

Magkahalong kaba at saya ang nakita sa mga dating scholars ng naturang reality show. Bago sila isinalang sa kanilang opening number ay nagdasal sila nang sabay-sabay sa pamumuno ng kanilang producer na si Miguel Mendoza.


Nang buksan na ang telon ng Teatrino, umaatikabong tilian at hiyawan ang narinig sa buong venue. Kinanta ng anim na scholars bilang opening number ang medley ng "Pyramid," "Just the Way You Are" at "Where is the Love?"


Bagamat loveless daw ngayon si Cris Pastor ay feel na feel niya ang kanyang solo performance song na "Bleeding Love," with matching black sexy mini skirt and boots.

Tila hinarana naman ni Hansen Nichols ang crowd nang kantahin niya habang nakaupo ang "It Might Be You." Siyempre, tilian ang mga babaeng nilapitan ng 24-year-old Filipino-American model-singer na nakasuot ng blue polo long sleeves.

Hindi naman nagpatalo si Chivas Malunda sa kanyang R&B version ng "Hey Lady." Matapos ang kanyang number, pumasok sa stage ang napakaganda at seksing kabiyak na si Bunny Malunda. Sigawan ang mga viewers.

Tumahimik ang lahat noong nagsimulang kantahin ni Bunny ang "Kung Ako Lang," na composition ng kanilang producer na si Miguel Mendoza.

Tinananong ng PEP si Miguel kung ano pakiramdam niya habang kinakanta ni Bunny ang kanyang komposisyon. Aniya, "Gusto ko maiyak dahil ang ganda ng pagkakanta ni Bunny ng komposisyon ko, pero siyempre pinigil ko kasi may mga susunod pa akong performance. Ayaw ko naman maapektuhan yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BUGOY DRILON OFFERS FLOWERS TO LIEZL. Hindi ini-expect ng mga tao ang pagdating ng special guest na si Bugoy Drilon, na sinalubong ng masigabong palakpakan. Inawit nito ang kanyang hit na "Muli," na sinunadan ng "Hindi na Bale Kung Mawala Ka."


Matapos ang kanta ni Bugoy, pumasok ang tatlong PDA scholars na sina Liezel, Bunny at Cris, suot ang kumikinang at naghahabaang gown.

Magkatabi sa stage sina Bugoy at Liezel kaya kinilig ang fans, na panay ang sigaw ng, "Kiss! Kiss! Kiss!" Eto namang si Bugoy, panay din ang halik kay Liezl.


Samantala, buong galak na pinalakpakan ang mala-Dream Girls performance nina Liezel, Cris at Bunny, na umawit ng "Apologize," "Alone" at "If I Were A Boy."

Pagkatapos, naiwan sa stage ang taga-Puerto Galera na si Liezel suot ang nagniningning na silver gown habang kinakanta ang "I Wanna Know What Love Is." Biglang pasok si Bugoy bitbit ang bouquet, na iniabot sa dalaga nang may kasamang kiss sa cheek. Naghiyawan na naman ang mga tao ng "Duet! Duet! Duet!"

Bagamat hindi preparaed ang dalawa, pinagbigyan ang mga fans at kinanta ang "If I Ain't Got You" with matching holding hands.


Inabangan din siyempre ang solo performance ng concert producer na si Miguel.

"Love Is" ang kanyang piyesa, na sinabayan niya ng pagtugtog ng keyboards. Pagkatapos ng kanyang number, binigyan ni Miguel ng roses ang apat na mahalagang babae sa kanyang buhay: ang kanyang dalawang sisters na sina Mia at Mady, ang kanyang lola na si Lola Zeny at kanyang ina na si Mommy Mylene. Pasasalamat daw niya ito sa patuloy na pagmamahal at suporta sa kanya.


Well-applauded din ang segment kung saan inawit nila ang anim sa mga hits ng magaling na singer-composer na si Ogie Alcasid. Ang "Bakit Ngayon Ka Lang" ang kinanta ng mag-asawang Chivas at Bunny. Ang "Paano Kita Iibigin" ay kinanta nina Liezel at Hansen at ang "Hanggang Ngayon" ay inawit naman nina Cris at Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa finale, "Marry You" ang kanilang napiling kanta, at para sa encore, "Love Is The Answer," na sinabayan ng crowd ng sayaw.

Sakto ang naging titulo ng pre-Valentine concert ng mga PDA scholars. Bukod sa nakasama nila ang kanilang mga mahal sa buhay, nagawa nila ang pinakagusto nilang gawin: ang pag-awit. It was, indeed, love defined!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN