Sarah Geronimo wants toned body for new image but not for sexier, mature look

IMAGE 0


Clueless si Sarah kung bakit tumagal siyang endorser ng Jollibee. "Ako, hindi ko po talaga alam. Talagang I feel so blessed na hanggang ngayon po bahagi pa rin ako ng Jollibee," saad niya.


Kahapon, February 8, nag-perform si Sarah Geronimo sa isang event ng Jollibee, ang fastfood chain na kanyang ine-endorse, sa Mandarin Oriental Hotel sa Makati City.


Kinanta ni Sarah ang mga awiting "Love Will Keep us Together" ng The Captain and Tennille at "Firework" ni Katy Perry.

Napansin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na maganda ang mood ng young singer habang nasa stage. Sa katunayan, tumawa lang ito nang umaming nagkamali siya sa isa niyang kanta.


"Ang daldal ko kasi," ad lib niya sa stage.


Matapos ang kanyang performance, tinanong ng PEP kung bakit maganda ang kanyang mood. Sandaling umiwas si Sarah sa tanong bago sabihing masayahin lang talaga siya.


"Nagkamali nga ako sa kanta ko, e. Hindi ba halata? Ganun? Hindi. Blooming lang kasi itong damit ko. Pinasuot ni Mommy," pagtukoy ni Sarah sa suot niyang printed blouse na may ruffles na tila bulaklak sa malayo.

Pagpapatuloy niya, "Masaya naman po ako talaga sa lahat ng nangyayari naman sa buhay ko."



Matapos nito ay ibinahagi ni Sarah ang mga resolusyon niya para sa bagong taon. Ayon sa kanya, nais niya pang mag-aral upang maging mas magaling na singer at artista.


"Katulad po ng lagi kong sinasabi, gusto kong mag-aral, gusto kong
mag-improve bilang artist, bilang performer, singer. Kumbaga para
hindi ko naman ma-disappoint yung mga taong naniniwala sa akin, yung mga supporters," saad nito.


Para rin daw ito sa iilan niyang mga kritiko.


"And also dun sa mga critics, dun sa mga hindi natutuwa sa akin,
kumbaga, inspirasyon ko rin sila para pagbutihan ko itong trabahong
ito," sabi ng Pop Princess.


Bukod sa pag-i-improve ng kanyang craft as an an artist, nais din daw
ni Sarah na maging mas healthy sa 2011. Nais niya raw maging
health-buff, ngunit hindi para magkaroon ng mature at sexy image.


"Siguro lang para lang mag-tone lang, ganun. Para hindi naman ma-anong tingnan," saad ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Para kay Sarah, importante sa mga artist ang magbago ng imahe, kahit
paunti-unti, sa panahong nasa showbiz ang mga ito.


"Importante kasi yun bilang isang artist, e. Yun nga, para laging may
ibang nakikita ang tao, para hindi sila magsawa," sabi ng Kapamilya
singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN