Why Anne Curtis deserves to be called "Twitter Queen"

IMAGE 0


Among the local stars today, Anne Curtis has the most number of Twitter followers. As of February 10, 2011, her followers count 711,082!


Sa lahat ng mga artistang lokal ngayon, si Anne Curtis lang yata ang may karapatang bigyan ng titulong "The Twitter Queen."

Bakit, 'ika niyo?

May lalaban pa ba sa 711,082 (as of Feb. 10, 2011) followers niya sa kanyang Twitter account? And still growing pa 'yan.

At hindi lang basta display ang numbers na ito, dahil ayon kay Anne, hangga't maaari ay nakikipag-usap siya sa kanyang followers.

"I try, whenever I can," sabi nga ni Anne nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa recent launching niya bilang endorser ng isang realty corporation. "That's why my fans, whenever I'm in traffic, I usually answer back. Or whenever I have a free day, I answer back."

Pero dahil nga sa dami ng kanyang followers, minsan ay hindi nasasagot ni Anne ang ibang kumakausap sa kanya.

"Sometimes may nagrereklamo, 'Hindi naman nagre-reply si Anne Curtis.' But then you have some of the other Twitter followers, they would say, 'Hindi, kasi nagre-reply 'yan pag traffic,' or 'Nagre-reply 'yan, maghintay ka lang, magre-reply rin 'yan,'" kuwento pa ni Anne.

SMS OF THE NET. Taong 2006 nagsimula ang social networking at microblogging service na Twitter. Kailangan mong mag-sign up at magkaroon ng sariling account para makapag-post ng "tweets" o mga mensahe o status na limitado lang sa 140 characters. Mala-texting sa cellphone nga minsan ang dating ng mga napo-post na tweets dahil sa limit ng paglalagay ng letra.

Dahil sa ganitong feature ng Twitter, tinagurian tuloy itong "SMS (Short Message Service) of the Internet."

Hindi katulad sa Facebook na kailangang ma-approve muna ang friend request para makita ang status o message ng isang user, sa Twitter ay automatic na o naka-default na sa "public" ang tweets ng isang user. Ibig sabihin nito'y puwedeng makita ng lahat ng gumagamit ng Internet—Twitter user man o hindi—ang mensahe o status ng isang Twitter user.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kung gusto mong palagian nang makita ang tweets ng isang Twitter user, kailangan mong maging follower ng Twitter user na iyon para lagi kang updated sa kanya.

JUST BETWEEN FRIENDS AT FIRST. March 10, 2009 naman nang maging Twitter user si Anne, sa impluwensiya na rin ng kaibigan niyang si Georgina Wilson. Sila-sila lang daw talaga noon ang nagtu-tweet sa isa't isa.

"It wasn't a major trend before. It wasn't considered a major social networking thing before. But now, nagulat na lang ako... Whoah! And I loved it!"

Ikinagulat nga niya na matapos ang halos dalawang taon, biglang lumobo ang bilang ng kanyang followers. Mula sa mga kaibigan at kakilala lang, join na rin at naging followers ng annecurtissmith Twitter account, ang kanyang fans at iba pang interesadong sundan ang pang-araw-araw niyang activity.

"Hindi ko inisip na magiging ganung kalaki siyang trend. Talagang kami-kami lang na magbabarkada ang nagpa-follow. And then it just grew and it grew, and... wala. Happy lang ako, because that's really the way that you can keep in touch with the people who follow you right away. Parang instant!

"I get the feedback from my fans and have a chat with them. Instant talaga. That's the one thing I love about Twitter. The technology nowadays..." sabi pa ni Anne.

MOST POPULAR? Dahil sa laki ng bilang ng kanyang followers, may mga nagpapalagay tuloy na ganito rin marahil ang laki ng bilang ng kanyang fans. At kung ganito nga, ibig sabihin ba nito'y siya na rin ang pinakasikat na artista dahil sa dami nga ng kanyang fans?

"No. Hindi ko iniisip yun. As I said, when I joined Twitter, hindi ko iniisip na magiging ganun siyang kalaki. I just want to reach out more to my fans. Yun lang," mapagkumbabang sagot ni Anne.

Pero kalaunan daw ay nagkaroon din ng mas makabuluhang gamit ang Twitter para kay Anne. Sa Twitter nga nakapag-update noon si Anne pati na rin ang iba pa niyang mga kaibigang artista ng mga pangyayari noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Sa Twitter din siya nanawagan ng tulong para sa mga nasalanta ng kalamidad na iyon noong 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Anne, hindi popularity contest ang pagkakaroon ng maraming followers sa Twitter. Natutuwa lang siya na marami ang nakikinig sa mga gusto niyang sabihin, lalo na sa mga makabuluhang bagay.

"It's good nga na the more followers you have, the more you can help in your own way. Parang...

"There was this whole Palawan... no mining in Palawan. And if you can reach that to how many followers, you can also place your vote, di ba? So you can also use it [Twitter] in many ways, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN