Ai-Ai delas Alas becomes emotional during her 20th anniversary concert Akin ang Tronong 'To!

IMAGE 0


Ai-Ai de las Alas surprised the audience when a "fire fountain" exploded on her chest at the end of a duet with Christopher de Leon during the Comedy Concert Queen's 20th anniversary show at the Araneta Coliseum on November 19.


Talagang pinatunayan ni Ai-Ai delas Alas na siya ang nag-iisang Comedy Concert Queen sa bansa. Dinaos sa Araneta Coliseum noong Biyernes, Nobyembre 19, ang kanyang 20th anniversary concert na pinamagatang Akin ang Tronong 'To, Hoy, Hari at Reyna ng Showbiz ang mga Guests ko!


Halos mapuno ang Araneta Coliseum sa dami ng mga fans na dumalo sa concert ni Ai-Ai. Nakita sa audience ang mga artista at kaibigan niya katulad ni John "Sweet" Lapus, Eugene Domingo, Direk Wenn Deramas at DJ Durano.

Magkatabi naman sa upuan sina Aga Muhlach at ang kanyang kabiyak na si Charlene Gonzales. Nandun din ang idol na idol ni Ai-Ai, ang Star for All Seasons at Batangas Governor, Vilma Santos.

Nanood rin sa naturang concert ang mga ABS-CBN executives na sina Ms. Charo Santos-Concio, Cory Vidanes, Linggit Tan, Malou Santos ng Star Cinema, Mr. Johnny Manahan at Mariole Alberto.


Sa simula pa lang ng concert, naghihiyawahan na ang mga fans paglabas ng Comedy Concert Queen suot ang kanyang puting kapa na may pagkalaki-laking cross na nakasabit sa kanyang leeg.

Lalong lumakas ang tilian nang ibukas ni Ai-Ai ang kanyang kapa at kita ang kanyang mala-tanggang suot. Aniya, "O, sample pa lang 'yan ha! Mamaya ko na ipakikita yung iba," sabay tawa.


Kitang-kita ang energy ni Ai-Ai sa kanyang opening number na "Believe" kasama ang G-Force.

Tatlong beses siya nagpalit ng damit para lang sa kanyang opening number kunsaan kinanta niya ang mga Lady Gaga songs kasama ang sikat na sikat na "Bad Romance."


Nagpalit ng magagandang damit si Ai-Ai sa gilid ng stage na may tabing, pero patuloy ang kanyang pagsasalita at pagpapatawa para maaliw ang audience.

SING-ALONG WITH AI-AI. Nagulat ang lahat nang lumabas si Ai-Ai na suot ang mala-reynang damit niya at may korona pa.

Tinawag niya ang mga lalaking dala-dala ang kanyang trono sabay sambit ng, "Halika kayo mga alagad ko, dalian pag di n'yo dinalian sige, ibubuko kong malalaki ang inyong katawan pero maliit ang inyong bird."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Inikot ang komedyana sa buong patron area ng Araneta Coliseum habang pinakanta ang mga piling bisita sa kanyang segment na tinawag na "Sing-Along time with Ai-Ai."

At siyempre, hindi nakaligtas ang mga sikat na artista na dumalo sa gabing iyon. Una niyang nilapitan si Aga Muhlach para pakantahin.

Isinunod si Eugene Domingo na pabirong sinabunutan pa ni Ai-Ai sabay sabi ng, "Kunwari ka pang aayaw-ayaw, kakanta ka rin naman pala."


Nilagpasan niya si Direk Wenn, ngunit binigay niya ang mikropono kay DJ Durano na bigay na bigay naman sa pagkanta.

Tilian ang lahat nang lapitan ni Ai-Ai ang kanyang idol na si Ate Vi. Sabi pa ng Star for All Seasons, "Pwede bang ikaw na lang kumanta at sasayaw na lang ako?"

Siyempre kumanta si Ai-Ai at sumayaw ni Ate Vi ngunit noong bandang huli, napakanta rin niya nang kaunti si Ate Vi na kinatuwa ng mga fans.

Niyakap at hinalikan ni Ate Vi si Ai matapos ang kanta, na siyang dahilan kung bakit napaluha ang komedyana.


VIDEO TRIBUTE. Sa bawat gap ng programa ay napapakita sa video ang mga kaibigang artista ni Ai-Ai, na nagsasalita tungkol sa komedyana. Kasama rin sa pinakita ang 12 Steps at Sikreto daw ni Ai-Ai sa pagiging successful artist.

Kasama sa mga nagsalita sina Arnel Ignacio, Allan K, Tessie Tomas, Kay Brosas, Pokwang, Jayson Gaiza, Pooh, Vice Ganda, Ariel Ureta at siyempre, ang kanyang ama-amahan at manager na si Tito Boy Abunda.


Talagang kakaiba ang concert na ito dahil napakanta ni Ai-Ai ang The CompanY ng kwela at double meaning na mga kanta tulad ng "Ibaon mo sa Limot" at "Banana" na may matching dance number pa na hawak ang plastic na saging.


Nagpasalamat si Ai-Ai sa mga kaibigan niyang bakla, pero para maiba naman daw ay pasasalamatan din niya ang mga "bumblebee" o mga tomboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinataas niya ng kamay ang mga tomboy sa audience at tinawag niya ang mga ito sa stage, ngunit iisa lang ang lumapit at naglakas loob na pumunta upang bigay na makipagkantahan at makipaglokohan kay Ai-Ai.


ASIA' S SONGBIRD VS CONCERT COMEDY QUEEN.
Tilian ang mga tao nang lumabas si Regine Velasquez suot ang puting gown.

Sambit ni Ai-Ai, "Wow, naman ate, puting-puti ang suot mo. Handang-handa ka na talaga sa iyong kasal, ah. Sigurado ka na ba? Pag-isipan mo muna 'te."

Tawa ng tawa ang audience nang lokohin ni Ai-Ai si Regine na kaya niya lang pakakasalan ni Ogie Alcasid ay dahil "malaki" daw ba? Siyempre di mapigil ang tawa ni Regine.

Bumanat ulit ang Comedy Concert Queen ng biro kay Regine... Di ba daw siya naiilang na pag kasal na sila ni Ogie e, pag-introduce sa kanya, "Ladies and Gentlemen, let's welcome the Song Bird and the Big Bird, tapos ganito ang lakad ni Ogie." (Naglakad si Ai nang pasakang.)


Siyempre pa, nag-duet ang dalawang singers. Nagpaunlak ng medley tungkol sa nalalapit na kasal ni Regine at Ogie. Sinimulan ni Ai ng kantang "Ikakasal ka na," at sinundan ni Regine ng "Please Be Careful with My Heart" at "It Might Be You."

Binanatan naman ni Ai ng "Too Much Love Will Kill You" at sinagot ni Regine ng "What About Love?"

Sigawan ang tao nang kantahin ni Ai ang "Paalam Na."

Ang sabi ni Regine, "Huwag naman sana, di pa nga kami kinakasal paalam na agad."

Binanatan naman ni Ai ng "Before I Let You Go" at "Napakasakit Kuya Eddie."

Tinapos ni Regine ang duet nila ni Ai-Ai ng "I Will Survive."


Namangha at palakpakan ang audience sa taas ng boses ng Asia's Songbird nang kantahin niya ang "I Know Him So Well" alay niya para kay Ogie.


BOY ABUNDA ON AI-AI. Matapos kumanta si Regine, in-introduce niya sa video screen si Tito Boy Abunda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsalita si Tito Boy tungkol sa kanyang anak-anakan, habang ipinakita ang mga nakaraang concert ni Ai-Ai sa Folk Arts Theater at Araneta Coliseum.

At si Tito Boy na rin ang nag-introduce kay Ai-Ai na siyang gumawa ng mala-circus na special dance number, kasama ang G-Force uli sa tugtog na "Fashionista."

Sumunod ang duet ni Christopher De Leon at Ai na "Total Eclipse of the Heart," "Wild Wild," "Love Hurts," at "Faithfully." Nagulat ang lahat sa ending ng kanilang duet ni Boyet pagkat nagpasabog ng "fire fountain" si Ai-Ai mula sa kanyang boobs.

Iba talaga itong concert na 'to kasi pati costume ng komedyana ay may special effects pa.


FAMILY AFFAIR. Isa sa mga inaabangan ng lahat ang number ni Ai-Ai kasama ang kanyang tatlong anak na sina Sancho, Niccolo and Sophia.


Unang nagsalita ang panganay na si Sancho. "Salamat po at sinusuportan n'yo po ang nanay ko kahit ganyan po siya."

Humirit naman si Niccolo, "Nagpapasalamat po ako dahil nagpapaloko po kayo sa nanay ko."

Sambit naman ng nag-iisang anak niyang babae na si Sophia: "Nagpapasalamat po ako dahil hindi ko po siya naging kamukha."

Hiyawan ang mga tao sa mga hirit ng mga bata!


Biro ng komedyana sa kanyang mga anak sa ex-husband na si Miguel Vera, "Gusto niyo ibalik ko kayong tatlo sa uterus ko! Buti na lang malalaki na kayo at di na kayo kasya sa uterus ko."

Halatang nahihiya ang tatlong anak ni Ai-Ai habang sumasayaw at kumakanta ang kanilang ina, lalong-lalo na ang pangalawang anak nito na si Niccolo na hindi masyadong sumamasabay sa kanta at sayaw.

Halata namang mana sa ina si Sophia dahil talagang nakikipag-sabayan ito sa kanyang ina sa pagkanta at pagsayaw ng "Billie Jean."


INTERNATIONAL GUEST. Nagtilian ang audience nang lumabas ang sikat na international singer na si Lea Salonga. Di rin nakaligtas ni Lea sa mga biro ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit daw mas maraming pumapalakpak na mayayaman kay Lea. Kay Ai-Ai daw puro sa General Admission lang yung pumapalakpak sa kanya.

Siyempre kitang-kita rin ang kasayahan ni Lea sa pagpapatawa ni Ai-Ai. Nag-duet ang dalawa ng mga kakaibang OPM songs tulad ng "Yakap sa Dilim," "Isang Linggong Pag-ibig," "Nananabik," "Tukso Layuan mo Ako," at "Bakit ako Mahihiya?"


Supposed to be, walang solo number si Lea pero patuloy na nagsigawan ang audience ng "More! More!" Hindi nakatanggi si Lea kaya kahit hindi siya handa, pinagbigyan ng international singer ang audience.


Nang tanungin ni Ai-Ai kung anong song ang gusto nilang kantahin ni Lea, sumigaw ang mga tao ng "Sana Maulit Muli."

Sagot naman ni Lea, "Andyan ba yung favorite na ka-loveteam ko sa movie na si Aga Muhlach?"

Tinuro ni Ai-Ai sa audience si Aga, kung kaya't kinilig ang lahat.


Nang matapos ang kanta, humihirit pa rin ang audience kung kaya't lumapit si Ai-Ai sa ABS-CBN President na si Ma'am Charo Santos-Concio at humingi ng suggestion ng kung ano ang kakantahin ni Lea.

Ang naging mungkahi niya ay "Bakit Labis Kitang Mahal?" at siyempre pinagbigyan ng international singer ang hiling ni Ma'am Charo.


MEGA BFF.
Hindi rin nawala sa gabing iyon ang nag-iisang BFF (Best Friends Forever) ni Ai-Ai na si Sharon Cuneta.

Nag-duet ang Concert Comedy Queen at ang Megastar ng kantang "Kahit Maputi na ang Buhok Ko" at "Sana'y Wala nang Wakas." Kinanta rin ni Sharon nang solo ang "Ikaw" habang nagpapahinga at nakaupo sa isang tabi si Ai-Ai.


Para sa finale ng Akin ang Tronong 'To, kinanta ng Comedy Concert Queen ang "Handog."

Suot ang napakagandang gown, kinanta ng komedyana ang "O Holy Night" bilang handog niya ngayong Pasko para sa mga taong sumusoporta sa kanya.

Akala ng mga manonood ay matatapos ang programa. Pero nagtanong si Ai-Ai: "Do you want more?" Sagot ng audience: "More! More!"


Biglang hinubad ni Ai-Ai ang pang-ibabang bahagi ng gown niya at natira ang mistulang tangga!


Para sa kanyang finale, kinanta at sinayaw ng Concert Comedy Queen ang K-pop song na "Nobody."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN