Cristine Reyes and Rayver Cruz: Are they together or not?

IMAGE 0


Cristine Reyes and Rayver Cruz have been spotted being very sweet to each other on the set of their teleserye, Kristine.


Cristine Reyes, may inililihim nga bang relasyon kay Rayver Cruz?

Sa report ng The Buzz kahapon, sa pagpasok ni Rayver sa seryeng Martha Cecilia's Kristine ng ABS-CBN, mabilis na kumalat ang balitang natuloy na raw ang naudlot nilang relasyon at ngayon ay two months na raw silang mag-on.

Kasabay nito ang paglabas ng video na nagpapakita ng kakaibang sweetness ng dalawa habang nasa set ng teleserye.

Live na nag-guest si Cristine, November 21, sa The Buzz, upang sumalang sa "The Abunda Challenge" segment upang sagutin ang mga matitinding katanungan sa kanya ni Boy Abunda.

Sa umpisa ng naturang segment ay nag-promote muna si Cristine ng teleserye niya na magkakaroon na ng Book Two.

Sinabi rin niya na mas lalong magiging mainit ang mga eksena sa Kristine at ang character niyang si Jewel na dating pa-sweet at hindi palaban ay lumalabas na sa shell nito. In fact, may eksena na nakasuot lamang ng two-piece ito.

At marami raw na mga female (contravida) characters na papasok sa Book Two.

Matapos nito ay nagsimula na ang "The Abunda Challenge."

Ang unang tanong kay Cristine ay: Angel Locsin, Marian Rivera at Cristine Reyes, sino ang pinakaseksi? Sino ang pangalawa at sino ang pangatlo?

Ang sagot ni Cristine ay:

"Pang-third si Marian, hindi kami masyadong close, e! Second si Angel. Siyempre first, ako! Love your own," natatawang sagot niya.

"Para sa akin yun, ha, sa akin lang naman," dagdag pa nitong sinabi.

Ang pangalawang katanungan: Sa lahat ng naging karelasyon ni Dennis Trillo, masasabi ba niyang siya ang pinakamaganda? Oo o hindi?

"Siyempre, sasagot po ako ng honest talaga. Ako yun, siyempre!"

"Ang kapal ng mukha," natatawa naman niyang dagdag na sinabi.

Totoo bang kaya siya nawala sa grupong Amplaya Anonymous ay dahil naramdaman niyang naiwan siya sa ere nuong nagkaroon sila ng gap ni Pauleen Luna?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsalita muna na tila nagbibiro si Cristine ng "Nagpa-palpitate ako dun, ah!" bago sumagot ng "Opo!"

Totoo bang nagkaroon sila ng samaan ng loob nina Maxene Magalona at Angel Loscin dahil dito?

"Opo!"

Sa dami ng intrigang lumabas sa kanila ni Sarah Geronimo, sa kanyang palagay, may dapat ba siyang ika-guilty kay Sarah?

"Ah wala, wala po!"

Kung sakaling makakaharap niya si Sarah, ano ang sasabihin niya dito maliban sa hi and hello?

"Ah, kanina po kinausap ko siya. Sabi ko sa kanya, 'Uy, wala na akong BBM [Blackberry Messenger], pakisabi sa friend natin na wala na, baka nagbi-BBM siya sa akin.'"

Ang tinutukoy ni Cristine ay isang non-showbiz common friend nila ni Sarah na nagngangalang Ate Anna.

Ang next question kay Cristine ni Boy ay kung totoo bang minsan na niyang tinangkang magpakamatay dahil sa lalaki?

"Ay, hindi po!"

"Nagpa-palpitate ako," muling sinabi ni Cristine.

Ano ang mas mahalaga para sa kanya, pamilya o pag-ibig?

"Pamilya, siyempre!"

Kung siya ang papipiliin, sino ang mas hot—si Rayver Cruz, si Zanjo Marudo, o si Dennis Trillo?

"Para sa akin po? Hot talaga? Siyempre... yung totoo lang naman, si Zanjo talaga!"

May lalaki na ba siyang minahal nang higit kay Dennis?

"Daddy ko!"

Nahalikan na ba siya sa lips ni Rayver, off-cam?

"Opo, siyempre, naging kami, e!" ang nakakabiglang rebelasyon ni Cristine.

Sila na ba ni Rayver?

"Hindi po!"

Sa huling katanungan, sinabi ni Boy na puwede itong sagutin ng young actress at puwede ring hindi. Hindi siya pipilitin at puwede siyang mag-walk-away at hindi sagutin ang katanungan.

At ang tanong kay Cristine ay kung higit sa isang kaibigan, higit sa isang barkada, at higit sa isang kapatid, mahal ba niya si Rayver?

Sa tanong na ito, matagal nag-isip si Cristine bago ito nag-desisyon na mag-walk-away at hindi sagutin ang katanungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago umalis, sinabi ni Cristine na...

"Maraming-maraming salamat sa pag-imbita ninyo sa akin dito, mahal na mahal ko kayo, The Buzz, but hindi ko kayo kinaya!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN