Eugene Domingo shares secret to her new shapely figure

IMAGE 0


Eugene Domingo says she decided to correct her food habits and to take good care of her body for the sake of her career and self-image. "Ang katawan ko ang puhunan ko bilang artista. So you have to take care of your body at dapat ipakita mo rin na may iba kang itsura. Para iba ring roles ang magagampanan mo." Above on the left is Uge's Here Come's The Bride (2010) photo; on the right is Uge minus 20 pounds today.


Ginulantang ni Eugene "Uge" Domingo ang mga naghihintay na press people, film staff and crew at co-stars niya sa last presscon ng My Valentine Girls noong February 4 nang pumasok ito sa function room ng Imperial Palace Suites, Quezon City.

Mas slim na si Uge! Ang tumambad sa amin ay may kakaibang dating at tila gusto pang tapatan ang kaseksihan ng mga co-stars niyang sina Solenn Heussaff, Lovi Poe, at Rhian Ramos, na pawang naka-mini skirt.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mahusay na komedyana kung may pinaghahandaan ba siya ng kanyang pagpapa-slim.

"Natutuwa lang ako na nasusuot ko na yung mga gusto kong isuot. Pag nakita mo yung sarili mo, natutuwa ka rin. Ay, sa wakas, achieved!" sagot ng theater actress turned TV-movie actress.

TWO YEARS' WORK. Proud na proud nga si Uge sa kanyang katawan ngayon dahil dalawang taon niyang sinikap na magbawas ng timbang. Walang birong pagdidisiplina sa sarili at pagtitimpi raw ang ginawa niya para makuha ang gusto niyang timbang at sukat ng katawan.

"I'm very happy to share na hindi ako nagmadali na pumayat o makuha yung desired weight or shape ko.

"Talagang nagdesisyon ka, na parang, siguro panahon na para naman alagaan ko yung katawan ko. Mag-exercise, kumain nang tama, umiwas na sa mga dati mong kinakain na mali, hindi ka na umiinom, ganun.

"Because I am not getting any younger at ang katawan ko ang puhunan ko bilang artista," patuloy niya. "So you have to take care of your body at dapat ipakita mo rin na may iba kang itsura. Para iba ring roles ang magagampanan mo."

GOING ORGANIC. Maingat na nga talaga ngayon sa kinakain niya si Uge. Hiningan siya ng PEP ng mga halimbawa ng diet niya.

"Nasa organic ako ngayon. I only eat brown rice. Mas malaki ang kinakain ko sa umaga, kasi pang-ano 'yan, e, gasolina mo 'yan, e. And then, sa gabi, konti na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, always, always, [drink] hot tea. Huwag ka nang magyelo or huwag ka nang uminom ng madami, kahit party. At umiwas ka na sa baboy," payo pa ni Uge.

BROWN RICE AND HOT TEA. Ang brown rice, ayon sa www.whfoods.com ay naglalaman ng mga minerals na manganese, selenium at magnesium. Mayroon din itong mga bitaminang B1, B3, B6, Iron at mga importanteng dietary fibers at fatty acids.

Ang mga mineral at bitaminang nabanggit ay tumutulong sa maayos na pagtunaw ng pagkain, naghahatid ng sustansiya sa buong katawan, nagpapabawas ng timbang, nagpapaayos ng takbo ng dugo at tumutulong sa paglaban sa colon cancer.

Ang mainit na tsaa naman pagkatapos kumain ay pinaniniwalaang nakapagpapabilis ng pagtunaw ng pagkain sa katawan at tumutulong sa pagpapaganda ng balat, ayon na rin sa kaugalian at paniniwala ng mga Chinese.

SELF-IMPROVEMENT. Dahil sa kapansin-pansing pagnipis ni Uge, tinanong na rin ng PEP kung ano ang sukat ng katawan niya ngayon.

"Naku, hindi ko alam. Wala akong dalang medida!" patawa ng komedyana. "Pero sa weight ko, parang nabawasan ako ng 20 pounds."

Kitang-kita nga kay Uge ngayon ang kasiyahan at kakaibang glow dahil na rin sa resulta ng pagsisikap niyang itama ang mga maling ginagawa niya noon sa kanyang kalusugan.

"Lahat naman ng tao gustong i-improve ang sarili niya. I am just so happy na nakapagdesisyon ako. Disiplina lang 'yan," pagwawakas ni Eugene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN