Mariel Rodriguez has full support of husband Robin Padilla in joining Happy, Yipee, Yehey!

IMAGE 0


"It's Robin who wants me to do it, e. So, hindi siya isyu. Kasi, siya rin naman, nagwo-work din siya kaya naiintindihan niya rin ako," says Mariel Rodriguez about the reaction of husband Ron Padilla on hosting another noontime show.


Kahit na halos araw-araw ang kanyang magiging trabaho sa Happy, Yipee, Yehey! siniguro naman ni Mariel Rodriguez na hindi ito magiging problema sa pagitan nila ng asawa niyang si Robin Padilla.

Ang kilalang action star pa raw ang nag-udyok sa kanya para tanggapin ang trabahong pagho-host ng bagong noontime show ng ABS-CBN.

"Si Robin po talaga ang nagpu-push sa akin. Siya po talaga ang may gusto," sabi ni Mariel sa media junket na inihanda ng ABS-CBN para sa mga host ng Happy, Yipee, Yehey! kamakailan.

Dagdag pa niya, "Wala po siyang ibang plano for me. He really wants me to do this. Lalung-lalo na we feel very blessed because we were able to do a noontime show. Hindi ba sa noontime show din naman kami nagkakilala? So, he's very, very supportive."

Matatandaan na umusbong ang pag-iibigan nina Mariel at Robin nang humalili ang huli bilang guest host sa dating noontime show na Wowowee. Pagkatapos ay napabalitang nagpakasal daw ang dalawa sa India noong August 19. (CLICK HERE to read related article)

Sa kanyang pagbabalik noontime show, sinabi ng isang reporter na ibig sabihin nito ay mababawasan na rin ang oras niya para sa kanyang asawa.

Ngunit agad naman sumabad si Mariel, "Bakit? Puwede pa naman after, di ba? May after, may gabi, may weekend."

Paliwanag pa ni Mariel, "That thing is, it's Robin who wants me to do it, e. So, hindi siya isyu. Kasi, siya rin naman, nagwo-work din siya kaya naiintindihan niya rin ako. Hindi naman ibig sabihin porke't nag-asawa ako, mag-i-stop ako mag-grow as a person."

Sa isyu naman ng pagkakaroon ng pamilya, wala pa raw sa isip nilang mag-asawa ang magkaroon kaagad ng anak kaya hindi rin magiging sagabal ang pagbabalik-trabaho niya.

"I don't want to have children anytime soon so, I don't think that's going to... It's not really an issue. It's not even a problem kasi hindi pa naman siya kinu-consider so wala naman pong conflict."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Mariel ay magiging abala sa Happy, Yipee, Yehey!, pinaghahandaan naman ngayon ni Robin ang susunod niyang TV project sa ABS-CBN, ang teleseryeng Guns and Roses kasama si Bea Alonzo.

Natapos na ang shooting ng pelikulang pagbibidahan ng dalawa, Tum: My Pledge of Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN