Sharon Cuneta on KC Concepcion: "My daughter is not perfect. But, you know, she's a good kid and she works hard."

IMAGE 0


"Whatever it is that's between them, ako, as a mother lang yung reaction ko, hindi ako nakikialam. Pero siyempre, kaipokritahan namang sabihin ko, 'Hindi, okey lang.' Hindi okey sa akin 'yon!" says Sharon Cuneta about the rumored rift between daughter KC Concepcion (inset) and Mariel Rodriguez.


It was inevitable that Sharon Cuneta would talk about the concerns of her eldest daughter KC Concepcion at the recent presscon which launched the Megastar's line of perfume by Zen Zest (na ang unang inilunsad ay ang Loving scent).

Akma ngang banggitin ang pagiging "loving mom" ni Sharon kay KC, na over the past weeks ay naiuugnay sa iba't ibang issues.

Tulad ng pakikipaghiwalay ng singer-actress at TV host sa kanyang dating managers na sina Shirley Kuan at Sandra Chavez—na manager din ni Sharon.

"She's okay," bungad ni Sharon tungkol sa anak nila ni Gabby Concepcion.

"Actually, hindi ako nakikialam sa career niya talaga, even when she chose Sandra and Shirley to be her managers.

"Siyempre, happy ako, kasi mga kaibigan ko yun.

"Kami ni Shirley, okey kami," pagbanggit pa ni Sharon.

Nabalita kasi ang hindi magagandang sitwasyon involving KC and Shirley bago naghiwalay ang talent at manager. Na agad din namang itinuwid ni Shirley sa pamamagitan ng isang official statement.

"Kung meron kasi silang hindi pagkakasunduan, pareho silang may pagkukulang, e," sabi ni Sharon.

"And I think we have to look from the outside.

"Kasi, hindi porke kadugo ko ang isang tao, o kahit kadugo ko pa, kahit kapatid ko pa, kung mali, [hindi ibig sabihin magiging] blind ako, kakampi ako? Hindi!

"Pero, I thought of... After a while, sobra na rin yung nasusulat, marami namang na-exaggerate. Pareho silang may pagkukulang."

KC THROUGH MOM'S EYES. "My daughter is not perfect. But, you know, she's a good kid and she works hard," sabi pa ni Sharon.

"Later on, sabi ko, 'You know, just relax, it will take its course. And everything will be okay in the end.'"

Kampante si Sharon sa bagong management ni KC—ang Star Magic ng ABS-CBN network.

"I'm happy. She's in very good hands also," sambit ng Megastar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga disente rin naman yung mga managers niya ngayon, so I wish her rin success in her field.

"Actually, nag-a-advise ako pag humihingi siya."

Mother and daughter aren't like each other, ayon din sa assessment ni Sharon.

"KC is bullheaded and strong-willed, like me and my mom [Mrs. Elaine Cuneta].

"Mabait siya, pero magkaiba kami ng personality.

"Well, marami kaming similarities, pero mas marami kaming iba, e.

"Siguro kasi, KC went to school in Europe. There's a certain way they did things in Paris [France].

"Hindi siya mataray pag-uwi niya, baka iba ang dating sa iba.

"But she's a very hard worker.

"'Tsaka magaling naman siyang makisama.

"Kahit sa crew, sa staff, they all naman tell me that she's adored."

Early on, watchful si Sharon sa gawi ng anak, na ang gusto talaga niya for her ay: "Yung hindi siya magpakain sa sistema ng showbiz.

"At hindi niya makalimutan na pamilya ang pinaka-prayoridad, ang pinakaimportante.

"Kasi lahat ng success, makamtan mo man, wala ring mangyayari."

ISSUE WITH MARIEL. Lately, nababanggit din ang diumano'y issue ng hindi pagkakasundo nina KC at ng TV host na si Mariel Rodriguez.

"I heard about that," sabi ni Sharon.

"I think they tackled that in The Buzz, sina KC, Toni [Gonzaga]... Charlene [Gonzalez] also.

"It's basically more on Toni and KC ang nasa issue, tapos they showed VTRs of Luis [Manzano] at iba pa...lahat ng natsitsismis na may conflict with Mariel, gano'n."

Ang pinaka-issue diumano'y "nagmura" si Mariel behind KC's back.

"Na-hurt ako kasi ang nakarinig, talagang mga kasama ni KC in the corridors," sabi ni Sharon.

"Pero kay KC, she [Mariel] was very nice.

"Actually, nung umpisa, sabi ko, parang, 'Wait, it's understandable dahil tinanong siya ni KC about her ring."

Ang "ring" na tinutukoy ni Sharon ay ang singsing na ibinigay ni Robin Padilla kay Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Between them, sabi raw ni KC kay Sharon: "Mama, ang laki-laki! She was serious!" natawa si Sharon.

Pero ayon sa Megastar, "Parang ano lang, pangit, kasi paglabas, minura daw niya [Mariel] si KC. As in, talagang... something like that! E, may nakarinig."

Sharon understands that the issue is between KC and Mariel. But, as a mom, she would also want to set things straight. Obviously, nabigla rin si Sharon sa napag-alamang sitwasyon.

"Kasi, feeling ko, we're used to...stand up for ourselves, right? Like now, I'm answering questions.

"So, I'll prefer to say something to someone, hindi yung...

"Okey lang kung galit siya, na kausapin si KC," dagdag ni Sharon, patungkol kay Mariel.

"Pero kung totoo 'yon na kunyari minura siya, may sinabi siyang hindi maganda dahil nagtanong lang yung anak ko..."

Speaking for herself, Sharon said, "Kung ayaw ko, you'll feel it. Hindi yung, kunwari we're okay, tapos hindi."

Giving Mariel the benefit of the doubt, Sharon, told the press: "Nag-text naman siya ng sweet daw kay KC, or she told her yata, 'Galing! Galing! Good question!'

"I think si Toni rin, may issue rin [with Mariel], gano'n."

SHARON'S ADVICE TO KC. "Sabi ko, 'Life is too short, you're smart enough to be able to choose who you are. I'll stand by you."

Definite din ang stand ni Sharon sa issue on KC and Mariel.

Katuwiran niya, "Whatever it is that's between them, ako, as a mother lang yung reaction ko, hindi ako nakikialam.

"Pero siyempre, kaipokritahan namang sabihin ko, 'Hindi, okey lang.'

"Hindi okey sa akin 'yon!" diin niya.

Has KC learned to stand up for herself also, sa gitna ng mga nagiging issue sa kanya—personally and professionally?

"She does," paniniyak ni Sharon.

"I think, at certain times, takot lang siya na ma-misinterpret. Kasi napaso, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe pa niya sa anak, "But definitely, you'll learn to relax.

"You'll find friends in the press, who will understand you. Hindi yung bolang, 'Sige, 'I'm on your side,' hindi gano'n...

"Friends who will know you and appreciate the kind of person that you are.

"So, relax ka lang. Just do your job. Kasi, parang nawawalan ka ng focus, hindi maganda 'yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN