KC Concepcion explains non-appearance at Piolo Pascual's birthday celebration on ASAP

IMAGE 0


Actor Piolo Pascual celebrated his birthday on ASAP Rocks yesterday, January 9, but many were surprised that KC Concepcion did not show up or did not even greet Piolo on his special day. But KC explained that she wanted to give the moment to Piolo's son, Iñigo, who did a duet number with his dad on video.


Nagdiwang ng kanyang 34th birthday si Piolo Pascual sa musical-variety show na ASAP Rocks kahapon, January 9. Marami ang nakapansin na wala man lang kahit birthday greeting ang nali-link ngayon sa aktor na si KC Concepcion.

Kaya naman sa simula pa lang ng The Buzz kahapon din ay nagpaliwanag si KC kung bakit wala siya sa birthday celebration ni Piolo.

Ayon sa The Buzz co-host, "Kasi ganito lang 'yan, guys, ang dami rin na nag-tweet sa akin na, 'KC, it was so nice to see Piolo and his son sa prod nila sa ASAP and we really missed you. It reminded us of your prod with your papa before.'"

Ang tinutukoy ni KC ay ang production number ni Piolo kasama ang anak na si Iñigo. Habang nasa studio si Piolo ay sinabayan siya ng kanta ni Iñigo sa video.

Ganito rin ang nangyari noon sa isang production number ni KC sa ASAP, kung saan siya ang nasa studio at ang ama niyang si Gabby Concepcion ay naka-duet niya sa video.

"Noong hindi pa kami nagkikita, nagkantahan din kami sa video screen."

Sabi pa ni KC, "You know, I know the feeling of being in that kind of... Yung prod na ganoon na magkalayo kayo, pero kumakanta kayo nang sabay. Paano nangyari?

"And I really didn't want anyone or anything to get in the way noong moment ni PJ [palayaw ni Piolo] at ng anak niya."

Gusto lang daw ni KC na ibigay ang moment na yun kay Iñigo.

"Yes, I know how it feels bilang yung anak na nandoon sa prod na ganoon. I wanted that to be his."

Dugtong pa ni KC, "Ayoko lang po kasing mag-isip ng iba ang mga tao, lalo na yung nagtu-tweet sa akin. Yun po ang rason.

"Siyempre, iwan na po natin ang message na yun kay Piolo and kay Iñigo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN