Piolo Pascual dismisses "tampuhan" issue with KC Concepcion

IMAGE 0


"Hindi ko alam kung paano ie-explain. Pero there are things that we want to keep to ourselves. There are things na nalalaman ng tao. There are things na lumalabas," says Piolo Pascual about the status of his relationship with KC Concepcion.


Naiintrigang may matinding tampuhan daw ngayon sa pagitan nina Piolo Pascual at KC Concepcion. Lalo pang tumindi ang usap-usapang ito nang hindi dumalo o nagbigay man lang ng pagbati si KC sa birthday celebration ni Piolo sa ASAP Rocks noong Linggo, January 9.

Sa taped interview ng The Buzz kay Piolo noon ding Linggo ay pinabulaanan ng aktor ang nababalitang tampuhan nila ni KC.

"Masaya kami. Masaya naman. I got to spent a memorable Christmas with her," sabi niya.

May impression kasi na nabubuo na pagdating sa pagsagot sa mga isyu sa kanila ni KC, tila matipid na magbigay ng kanyang mga pahayag si Piolo.

Natawa muna si Piolo bago sumagot.

Aniya, "Hindi ko alam kung paano ie-explain. Pero there are things that we want to keep to ourselves. There are things na nalalaman ng tao. There are things na lumalabas.

"Tulad ng mga litrato, mga interviews, just the same. I can't give that much because as much as possible, we want it really private."

KC'S NEW SUITOR? Tinanong din si Piolo kung totoong apektado siya sa nababalitang bagong manliligaw ni KC na si apl.de.ap, ang Filipino-American member ng international singing group na Black Eyed Peas.

Niregaluhan daw kasi ng international rap artist/singer si KC ng mamahaling bracelet.

"Magre-react pa ba ko do'n?" natatawang sabi ni Piolo.

"As far as I know, they are friends."

Pero totoo bang sa mismong araw ng 34th birthday ni Piolo—January 12—ay sila ni KC ang magkasama?

"On the day of my birthday, which will fall on Wednesday, taping ako," sabi ng matinee idol.

"Enjoy naman ako. Ito na kasi ang buhay ko. Usually, kapag birthday ko, off ako.

"No questions asked, naghahabol kami sa taping, mabibigat yung mga eksena. So, I guess, masaya naman ako."

Malapit na raw kasi magwakas ang pinagbibidahan niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Noah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN