KC Concepcion says apl.de.ap is not courting her; admits getting a Tiffany bracelet from the Black Eyed Peas member

IMAGE 0


"You know what, again, apl.de.ap and I, as PJ [Piolo Pascual] knows, we're friends. At sinabi naman ni PJ sa VTR, as far as he knows, he knows that we met up and, of course, a lot of people know kasi tini-tweet ko naman," says KC Concepcion.


Bilang isa sa mga host ng showbiz talk show ng ABS-CBN, ang The Buzz, hindi makaiwas si KC Concepcion sa mga intrigang kinasasangkutan niya.

At ang pinakabago nga ay ang balitang panliligaw raw sa kanya ng isa sa miyembro ng sikat na international singing group na Black Eyed Peas—ang Filipino-American na si apl.de.ap (o Allan Pineda Lindo Jr. sa tunay na buhay).

Sa The Buzz noong Linggo, January 9, ay ipinaliwanag ni KC ang namamagitan sa kanila ni apl.de.ap.

"Well, friend ko si apl. Ngayon lang kami naging friends ni apl.

"There were times that he was trying to get in touch for the last two years. Feeling ko naman kasi, hindi naman kami magkakilala. So, bakit ako mag-e-entertain ng ganoon kabilis?

"May pagka-picky pa, e, 'no? Choosy?" natawang sabi niya.

Pero dugtong ni KC, "But he's really, really nice. He was talking about the charity event na ginawa niya rito sa Pampanga dahil taga-Pampanga siya.

"And then, kasama ko ang pinsan ko, at kasama niya ang barkada niya na nag-fly-in for this event nga. And then, pinag-usapan namin yun.

"And then, we all get along. Kasi, siyempre, mga Amerikano yung mga yun, di ba?"

Nanligaw ba sa kanya si apl.de.ap?

"Hindi," nakangiting sagot ni KC.

Pero halatang hindi makasagot agad ang dalaga sa follow-up question ni Boy Abunda kung nagparamdam ba sa kanya ang international recording artist.

TIFFANY BRACELT. Ipinaliwanag din ni KC ang iniregalo sa kanyang Tiffany bracelet ni apl.de.ap noong Pasko.

"Pasko, Pasko.... 'Merry Christmas. I have something for you. Merry Christmas, thank you for seeing me after two years,'" sabi raw sa kanya ni apl.de.ap.

Diretsahang tinanong naman ni Boy si KC kung totoong iniimbitahan siya ni apl.de.ap na mag-date-sa U.S.

"Sa Amerika? Natatawa ako actually. Kasi, ang layo niya. Siyempre, apl.de.ap siya, you know, marami siyang... Maganda lang to be his friend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAMPUHAN ISSUE WITH PIOLO. Dahil sa balitang panliligaw ni apl.de.ap kay KC, may balitang nagkakatampuhan ngayon ang young actress at ang nali-link din sa kanyang si Piolo Pascual. Totoo ba ito?

"You know what, again, apl.de.ap and I, as PJ [palayaw ni Piolo] knows, we're friends," diin ni KC.

"At sinabi naman ni PJ sa VTR, as far as he knows, he knows that we met up and, of course, a lot of people know kasi tini-tweet ko naman.

"And apl was really, really kind. And it's so nice for people to really appreciate that."

Flattered ba siya?

"Of course!" bulalas ni KC.

"But it's really more than that. Pinoy siya. We're all proud to have Pinoy representative in Hollywood and international scene.

"That was one thing that I'm really proud of, and that I expressed to him noong magkita kami na, 'Grabe, ang proud ko sa 'yo!'

"Pati naman si Charice kapag nakikita ko."

Pero sila ni Piolo, wala talagang tampuhan?

"You know, for me, again, this New Year, I hope to meet new friends like Toni [Gonzaga], like Charlene [Gonzalez]. I like meeting new friends and, hopefully, lahat yun for keeps.

"Ibig sabihin, hanggang sa tumanda kayo, magkaibigan kayo. And I think apl has the quality naman na ganoon," saad ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN