Piolo Pascual still wants to keep son Iñigo out of showbiz despite brief TV appearance

IMAGE 0


"I never really asked [him] about that. Because for me, ayokong i-entertain yung thought. Ayokong isipin niya na, just because of what he did, na siyempre maraming magiging interesado, maraming mga gustong magtanong about him. I just don't want him corrupted," says Piolo Pascual when asked if his son Iñigo is aware that he has become popular.


"Torture yun!" ang sagot ni Piolo Pascual nang tanungin kung may pag-asa pa kayang maulit ang duet nila ng kanyang anak na si Iñigo sa February 14 concert niya na pinamagatang Piolo Pascual Meets The Maestro sa Philippine International Convention Center (PICC).

Nangyari ang duet nina Piolo at Iñigo sa ASAP Rocks noong Linggo, January 9 (CLICK HERE to watch the video). Kaya raw torture ang sagot ni Piolo nang tanungin kung mauulit muli ang duet: "E, kasi I was really caught [by surprise]."

Nasorpresa raw talaga siya, sabi pa ni Piolo sa press conference na ginanap kaninang tanghali, January 13, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, kaugnay sa darating na concert niya.

"It was a surprise. I mean, we are all aware that I'm trying to keep him from showbiz, because nag-aaral yung bata.

"Ayokong ma-publicize masyado because ayokong ma-divert yung attention niya from education or from school to showbiz.

"Because as it is, mahirap if magnified na, whatever you do and then you're in school, pag-uusapan ka.

"Which is one of the reasons why I agreed na mag-aral siya sa States o pumunta siya sa States. Para at least, he will have his own identity.

"But now that he's 13, and then that video was really a surprise, gustuhin ko man siyang pagalitan, gustuhin ko mang magalit, parang... it served its purpose.

"That was his... for me, talagang it's the biggest birthday gift I got from him.

"And hindi namin inisip yung mga issues, hindi namin inisip yung mga puwedeng sabihin ng tao.

"And for me, he's my son... He just wants to make me happy on my birthday, and we respect that," mahabang paliwanag ni Piolo, who turned 34 years old yesterday, January 12.

Dahil nga sa nangyaring paglabas ni Iñigo sa TV, marami tuloy ang naging interesado rito at may mga fans na nag-search na sa Internet para lang makakuha ng mas maraming impormasyong tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa madaling salita, unti-unti nang sumisikat ang anak ni Piolo.

"I hope it doesn't go to his head," nangingiting sabi ng ama.

"I hope na huwag niyang isipin na, way niya yun o maging door niya yun sa pagpasok sa showbiz at kalimutan ang pag-aaral. Because I really insist na tapusin pa rin yung pag-aaral bago mag-showbiz."

At ano naman ang masasabi niya sa komento na guwapo rin at kamukhang-kamukha ni Piolo ang anak niya?

"Pakisabi na lang kay Tito Alfie na totoo yung anak ko... joke!" sambit ni Piolo na sinundan niya ng pagtawa.

Madalas kasi noong kuwestyunin ng beteranong kolumnista at talent manager na si Alfie Lorenzo ang pagkakaroon talaga ng anak ni Piolo.

"Kasi marami ang nagsasabi na, ano ang tawag dito... make-believe or ano yun, or anything... But I don't have to defend, or parang expose him or anything, you know. I respect people's opinion. So, whatever my son did, kayo na'ng bahala."

Alam ba ni Iñigo na sumisikat na nga siya?

"I never really asked [him] about that. Because for me, ayokong i-entertain yung thought.

"Ayokong isipin niya na, just because of what he did, na siyempre maraming magiging interesado, maraming mga gustong magtanong about him. I just don't want him corrupted.

"I just don't him to think of other things other than education. Gusto ko talaga na i-enjoy niya yung pagkabata niya, more than anything. Kaya hindi namin pinag-uusapan," paliwanag ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN