Sam Milby and Marie Digby mutually decide to be just friends

IMAGE 0


"Wala kaming commitment. Never kaming umabot sa ganoong relationship, e. It was like, alam niyang gusto ko siya at alam ko na gusto niya ako. Umabot sa ganoon, pero walang commitment. There's no exclusivity sa relationship namin, never," says Sam Milby about his relationship with Marie Digby.


Dalawang concerts kung saan dapat ay guest siya ang hindi nasipot ni Sam Milby. Una ay ang concert ni Richard Poon noong November 12 sa PICC at ang pangalawa ay ang concert ni Jovit Baldivino noong November 13 sa Aliw Theater.

Ang dahilan: ang pagkakasakit ng Fil-Am actor-singer.

During that time, hindi kumonsulta sa doktor si Sam. Katuwiran niya, ang dahilan ng kanyang pagkakasakit ay "weather change, overfatigue, at kawalan lang ng lovelife."

Ito ang sinabi ni Sam nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa MYX Mo concert na ginanap noong Thursday night, November 18, sa MOA Concert Grounds.

Biro namin kay Sam, mukhang takot siya sa doktor?

"Hindi naman," nakangiting sabi ng Kapamilya talent.

"I don't like going...I hate going to hospital. If I feel I'm really dying, sige pupunta ako sa hospital.

"There's even last time na sumusuka ako, sobrang taas ng fever ko. Yun, pumunta ako sa hospital.

"Galing akong Only You taping noon and they gave me dextrose or whatever. I was there.

"Pero sabi ko, I really want to go home. Ayoko talaga rito.

"I don't know. I don't like things in the hospital. I'm not comfortable.

"Mas okay kapag sa bahay lang. Okay lang ako.

"Kung kailangan naman talaga, I'll tell someone para may sasama sa akin."

LONGING FOR GIRLFRIEND. Si Sam mismo ang nagsabing wala siyang lovelife ngayon. Kaya tanong ng PEP, tila nandoon na ang longing niya na magkaroon ng girlfriend?

"Well, hindi naman sa sad," sabi ng dating Pinoy Big Brother housemate.

"Pero for me, wala namang problema kapag single, e. I mean, you can concentrate on your career, yourself, on other things na gusto mong gawin.

"But, masarap talagang maging in love," pag-amin niya.

Dagdag ni Sam, "Of course, inspired, nakikita mo naman sa mukha, sa mga kilos, sa trabaho. When you're inspired, parang the whole world is going your way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ako, hindi naman nangyayari ngayon, e. So, it's not my time. Pero darating yun."

LONG-DISTANCE LOVE AFFAIR. Ayon kay Sam, wala rin naman siyang nililigawan ngayon. Kaya tinanong namin siya kung ano na ang nangyari sa kanila ng international acoustic singer na si Marie Digby?

"We just decided to be friends," sabi niya.

Bakit yun ang naging desisyon niya?

"Mahirap talaga. Siyempre, long distance. And yun, yun ang pinakamahirap.

"We started as long distance naman. Pero siguro, different is kapag nagkakilala kami in person muna tapos na-in love kami. Tapos, hiwalay or lumipat sa ibang bansa para magtrabaho.

"It's a mutual decision. We talked about it.

"Kasi, hindi naman kami naging M.U. [mutual understanding]. Wala kaming commitment. Never kaming umabot sa ganoong relationship, e.

"It was, like, alam niyang gusto ko siya at alam ko na gusto niya ako. Umabot sa ganoon, pero walang commitment. There's no exclusivity sa relationship namin, never.

"So, it wasn't like breakup or anything like that, kasi not even MU, e," paliwanag ng 26-year-old actor-singer.

WHITE CHRISTMAS. Ngayong darating na Kapaskuhan, magiging mainit pa rin ba ang Pasko ni Sam kahit wala siyang lovelife?

"I'll be with my family," sagot niya.

"Pero, malamig talaga ang Pasko dahil nasa States at malamig do'n sa States. So, in other ways, malamig din.

"Right before ng Christmas and, maybe, I'll stay there for two weeks."

Ikalawang taon na raw ni Sam to spend Christmas with his family in the U.S.

"It would be full of love dahil kasama ng pamilya ko. I'd like to, na every Christmas I'll spend it with them.

"Okay rin naman sa akin if gusto nila pumunta rito ng Christmas, basta magkasama. Christmas is the time to be with family," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN