William Martinez rushed to hospital after suffering a stroke

IMAGE 0


William Martinez (right) was rushed to the hospital yesterday, November 22, following a stroke. His estranged wife, Yayo Aguila (left), watches over him at St. Luke's Medical Center in Quezon City.


Kasalukuyang nasa ilalim pa rin ng matinding pangangalaga ang aktor na si William Martinez simula nang isugod ito sa St Luke's Medical Center sa Quezon City dahil sa stroke kahapon ng umaga, Nobyembre 22.

Ayon sa ulat ni Ginger Conejero na nailathala ngayon, Nobyembre 23, sa website ng ABS-CBN News, kinakailangan sumailalim pa sa ilang pagsusuri ang dating Bagets actor para malaman ang kanyang kondisyon.

Sa text message na ipinadala ng asawa ni William na si Yayo Aguila sa ABS-CBN News, nabanggit din niya, "After 48 hours of monitoring, we will all be waiting and praying for positive results."

Gayunman, siniguro ng aktres na ang kanyang asawa ay stable na at mas uminam na ang kondisyon.

Ito ang kanyang pahayag sa text message, "Better than ystrday when we rushed hm to d ER. Thank God! Pero dpa din naten alam until d results of d tests today."

Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si Yayo sa mga taong nagbigay ng kanilang "support, concern, and prayers" para kay William.

Hiniling din niya sa publiko na irespeto muna ang privacy ng kanilang pamilya "during these trying times."

Matatandaan na noong Hulyo, inamin ni Yayo na halos isang taon na silang hiwalay ni William, na kanyang asawa for 25 years.

Sa panayam ng Paparazzi, pinabulaanan niya ang mga napabalitang dahilan ng kanilang paghihiwalay, tulad ng isang third party, financial problems, pati na ang alcohol at drug issues. (CLICK HERE to read related article).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN