Maxene Magalona admits she's in a relationship but declines to give details

IMAGE 0


"Kaya rin naman ako napaamin, or kaya ko rin naman siya binanggit, kasi I really feel like he deserves to be known as the guy who makes me happy. That's what he does. So, why do I need to hide that?" says Maxene Magalona about her new boyfriend, whom she refuses to name. But PEP found out that the guy's name is Neil Arce (inset).


Masayang nag-celebrate si Maxene Magalona ng kanyang 24th birthday kagabi, November 23, sa showbiz talk show ng QTV 11 na Tweetbiz, kung saan isa siya sa mga hosts kasama sina Lolit Solis, Tim Yap, Gorgy Rula, Ron Carrasco, Danzen Santos, Sebastian, at Justine Ferrer.

Bukod sa cakes at cupcakes na sorpresa ng Tweetbiz para kay Maxene, na-touch din siya sa pagbati sa kanya through VTR ng kanyang mga mahal sa buhay.

Nanguna nga sa pagbati ang kanyang ina na si Pia Arroyo-Magalona, kasabay ng pambubuko sa kanya tungkol sa pagta-thumb suck niya mula noong baby siya hanggang sa kanyang early teenage years.

Ayon pa kay Pia, extremes daw ang ugali ni Maxene dahil pag love ka niya ay super love ka niya. Pero pag ayaw niya sa iyo ay super ayaw naman niya.

Wish din ni Pia for Maxene "to stay childlike but not childish."

Proud din daw siya sa mga na-achieve ng anak and for sure, proud din ang yumaong ama na si Francis Magalona.

Bukod kay Pia, bumati rin sa VTR ang mga nakababatang kapatid ni Maxene na sina Elmo, Arkin, at Clara.

Hindi naman maiwasang maluha sa saya ni Maxene at sabi niya: "Iba talaga when it comes to family."

Matapos niyang magpasalamat sa kanyang family, sinabi pa niyang proud siya sa achievements at magandang showbiz career ngayon ng kanyang mga kapatid na sina Saab (na kasabay niyang mag-birthday) at Elmo. Happy rin daw siya para kay Frank na malapit nang mag-graduate sa college.

ALESSANDRA DE ROSSI. Nasopresa rin si Maxene sa pagbati through phone patch ng kaibigan niyang si Alessandra de Rossi. Happy raw si Alex for Maxene dahil isa na ito sa mga hosts ng Tweetbiz.

Ayon pa kay Maxene, dream daw talaga nila ni Alex na maging talk show host, pero may nakakatuwang twist daw dahil ang mga guests nito ang mag-i-interview sa kaniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa rin ang lahat sa wish ni Alex for Maxene: "Sana mas maging maganda ka pa sa akin. Pero dahil hindi mangyayari yun, ang wish ko na lang ay magpatuloy ang magandang career mo."

WISHES GRANTED. Sobrang na-appreciate ni Maxene ang ginawa ng Tweetbiz para sa birthday niya kaya labis ang pasasalamat niya sa show.

"I'm very happy sa Tweetbiz. Matagal ko nang gustong mag-host at dito lang ako nabigyan ng chance. Madaldal kasi ako, e, kaya gusto kong maging host," ani Maxene.

Sa Tweetbiz daw kasi ay naipapakita niya ang totoong personality niya. Madalas daw kasi ay napapanood siya sa mga teleserye na inaapi, pero sa naturang showbiz talk show mapapanood ang tapang niya, pagiging kalog, at skill sa hosting.

Ikinagulat naman ng lahat nang ibuking ni Maxene ang sarili niya sa pagkakaroon ng masayang lovelife matapos batiin ng "I love you, baby!" ang isang mystery guy.

Kahit na hindi niya pinangalanan ito, sinabi ni Max na wish granted in terms of love life ang birthday niya.

Ang sinasabing bagong inspirasyon ni Maxene ang nagbigay ng surprise advance birthday party sa kanya noong Huwebes, November 18, sa Fiamma bar sa Makati.

MORE REACTIONS FROM MAXENE. Pagkatapos ng show ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Maxene.

Kaagad naming tinanong kung ano ang feeling ng after celebrating her birthday sa Tweetbiz?

"Sobrang saya, kasi first birthday ko dito sa [show]. And I'm really, really thankful to my Tweetbiz family kasi ang saya-saya ng show na ito. Parang naglalaro lang kami palagi, although seryoso naman yung pagbabalita namin.

"But what I mean is, sobrang comfortable na kami sa isa't isa. Kaya I'm very thankful sa ibinigay nila sa aking VTR greeting, tapos yung cakes, yung phonepatch kay Alex."

Ano ba ang ine-enjoy niya sa Tweetbiz?

"Ang ine-enjoy ko is yung friendship ko with the other hosts. I started here kasi as a guest lang and then naging regular ako. Tapos, naging close ako sa kanila kaya masayang-masaya ako," sabi ni Maxene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya wish granted daw ang pagiging host niya sa talk show.

"Ever since kasi lagi akong nagda-drama and then finally, eto nga, nagkaroon na ako ng chance na maging host.

"Kasi, napakadaldal kong tao. I really like saying things about celebrities. At natutuwa ako na ako yung napiling artista na masali sa show na ito," sabi ni Maxene.

DEFENDING THE ARTISTA. "Kasi I really feel na it's my job to defend the artista when people don't understand why they have to do this and that.

"Kung paano sila gumalaw in public. Kaya pag may sightings, minsan hindi naiintindihan ng mga tao kung ano talaga ang pinagdadaanan ng mga artista."

Ano naman ang masasabi niya sa pambubuko ng kanyang ina tungkol sa kanyang pagta-thumb suck?

"Yeah, my family knows about yung sa pagta-thumb suck ko until I was about 12 or 13. Siyempre, it's a hard habit to break. Pero ngayon, hindi na. Hindi na ako nagta-thumb suck. Grown-up na ako!" natatawang sabi ni Maxene.

Natuwa rin daw siya sa surprise phone-patch greeting ni Alex.

"Tuwang-tuwa ako kasi nami-miss ko na si Alex. Matagal na kaming hindi nagkikita.

"Talagang close na close kami and we get along very well. Pareho kaming madaldal, maingay, kalog.

"Kaya tuwang-tuwa ako na nakunan ng message ng Tweetbiz si Alex kahit nasa kabilang istasyon siya," sabi ni Maxene tungkol sa kanyang kaibigan na talent ng ABS-CBN.

HAPPY LOVE LIFE. Samantala, maraming na-curious dahil sa pagsasabi niya ng "I love you, baby!" sa show na kumukumpirma sa pagkakaroon niya ng boyfriend ngayon. Bakit niya ginawa ito?

"Siyempre gusto ko rin namang pasalamatan siya, my special someone. Kasi siya yung nagbigay ng surprise birthday party for me. At ginawa niya lahat.

"Naging children's party siya kahit na bar yung venue. Hello Kitty ang theme kasi favorite character ko yun. And all the people I love were there."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pagkakaroon ng mga lalaking na-link sa kanya before katulad nina JC Tiuseco at Dominic Roco, ngayon lang siya lantarang umamin ng tungkol sa kanyang lovelife. Matapos ngang mabalita na naghiwalay na umano sila ni Dominic, tila nakakagulat ang pag-amin niya ngayon.

Bakit nagiging open na siya ngayon tungkol sa kanyang love life?

"Like what I said before sa Tweetbiz, I'd rather... I don't want to lie or hide anything.

"Kaya rin naman ako napaamin, or kaya ko rin naman siya binanggit, kasi I really feel like he deserves to be known as the guy who makes me happy. Because that's what he does. So, why do I need to hide that?

"And he really deserves to be acknowledged kaya I don't care kung anuman ang sabihin ng mga tao. For me, it's the lessons I've learned from each relationship that are most important.

"If they think I got into a relationship too fast right after the last one, then it's up to them. But for me, it's really about being happy. Making someone happy and a special someone making me happy.

What makes her boyfriend special?

"Yung effort na ibinibigay niya, yung ginagawa niya for me. Simula nung niligawan niya ako hanggang ngayon, lalo na yung surprise party for my birthday.

"First time kasi yun na may nag-effort to do for me. Kaya thankful ako sa kanya," saad niya.

"Bagamat inamin ni Maxene ang pagkakaroon niya ng boyfriend ngayon, tumanggi naman siyang i-reveal ang katauhan nito.

Nang tanungin pa nga ng PEP kung showbiz o non-showbiz ang mystery guy ay isang tumataginting na "Secret!" lang ang isinagot ni Maxene sabay tawa.

"Ayoko na lang sabihin. Basta he is very special to me."

Bagamat ayaw banggitin ni Maxene, napag-alaman ng PEP na ang pangalan ng boyfriend niya ngayon ay Neil Arce, na mula sa pamilya ng may-ari ng Arce Dairy Ice Cream.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOTHER APPROVED. Dagdag pa ni Maxene, okay naman ang boyfriend niya sa kanyang ina.

"Si Mama naman hindi nakikialam basta nakikita niya I'm in good hands," sabi niya.

"Of course, she will always be there to give me advice. Pero she trusts me naman with my decisions.

"And my special someone naman respects my mom and my family, so walang problema."

Wala na raw mahihiling pa si Maxene. Ang gusto niya lang ay maging masaya ang lahat ng mga taong malapit sa puso niya.

"Wish ko talaga is for everyone to be happy. My family, the people I love, itong show namin, lahat.

"Wishes granted na talaga ako ngayong birthday ko in terms of career, my family, my love life, everything. I couldn't ask for more."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN