Rhian Ramos on being courted by Mo Twister: "He plays his cards well"

IMAGE 0


"I think [his advantage] is he already knows what I like and what I don't like. He knows everything about me already so I think he plays his cards well," says Rhian Ramos on Mo Twister's chances of getting a "yes" from her.


Nagsimula ang ugong-ugong na merong relasyon si Rhian Ramos at Mo Twister dahil madalas silang makitang magkasama as early as 2007. Noong panahong 'yon, sinabi ng dalawa na magkaibigan lang silang dalawa. (Click HERE and HERE to read related stories.)

Noong Hunyo ngayong taong ito, sinabi naman ni Mo na "crush" at hinahangaan niya si Rhian. (CLICK HERE to read related story).

Matapos ang mga haka-haka ay inamin na ni Mo noong nakaraang buwan sa publiko na nililigawan niya si Rhian. (CLICK HERE to read related story).

Matapos nito ay nagsalita na rin si Rhian tungkol kay Mo at ang real score nilang dalawa. Sa dalawang separate interviews, sinabi ni Rhian na bagamat importante si Mo sa kanya ay hindi pa talaga niya prayoridad ang love life sa ngayon. (Click HERE and HERE to read stories.)

UPDATE ON MO'S COURTSHIP. Kahapon, Nobyembre 23, ay nakausap muli ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa product launch ng HTC sa Manansala Building sa Rockwell, Makati.

Ano na nga ba ang update sa panliligaw ni Mo sa kanya?

"When he started courting [me], I really didn't want to talk about it until he said something.

"When he [finally] said something, 'yon na yung time na sumasagot na ako ng tanong. Kasi alangan naman sabihin ko, 'Uy, alam n'yo ba kung sino yung nanliligaw?' Ganun," kuwento ni Rhian.

Wala pa naman daw masyadong development.

"But, it doesn't mean that I'm not happy. It's still that way, with a smile," nakangiting sabi ni Rhian.

Dagdag pa niya, natutuwa siya sa ginawa ni Mo sa pag-amin na nanliligaw ito sa kanya.

"It's flattering kasi yung mga boys na nanliligaw palang usually, hindi sila nagsasabi. Kasi kung mabasted — mapapahiya, ganun.

"So, it's nice because I appreciate a little romance. If you can go out there and embarrass yourself in front of everyone for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, hindi sa gusto ko napapahiya yung lalaki. But I appreciate the meaning behind it. Kasi feeling ko mas nabibigyan niya ng importance ako kaysa sa ego niya," sabi ni Rhian.

Ibig sabihin ba nito ay may chance ang radio and TV host sa kanya?

"The bias does really lean towards him, because we've been friends since, like four years, and he never made it anything malicious or anything like that. We are very good friends, and he has been honest with me," sabi ng 20-year-old actress.

Ayon pa kay Rhian, hindi naman nila inaasahan na aabot sa ligawan ang friendship nilang dalawa ni Mo.

"I guess he just did what he felt."

Aniya, nakatulong daw ang apat na taon nilang pagkakaibigan sa panliligaw ngayon ni Mo sa kanya.

"I think the [advantage] here is that he already knows what I like and what I don't like. He knows everything about me already. So, I think he plays his cards well," nakangiting sabi ng magandang aktres.

UPCOMING MOVE WITH RICHARD GUTIERREZ. Samantala, katatapos lang ng dalawang shows ni Rhian sa GMA-7—Ilumina at Kaya ng Powers.

Nakatakda ring gumawa ng Valentine movie si Rhian kung saan makakapareha niya si Richard Gutierrez.

Ngayong Biyernes, November 26, gaganapin ang story conference para sa nasabing pelikula. Trilogy ang movie kung saan si Richard ay ipapareha sa iba't ibang leading ladies.

Si Eugene Domingo ang makakasama ni Richard sa first episode. Sina Lovi Poe at Solenn Heusaff sa pangalawa. At si Rhian Ramos sa huling part.

Ayon kay Rhian, love story ang tema ng tambalan nila ni Richard.

"I have a personal bias for love stories like every other Filipino in the world, you know. I like love stories, I'm a romantic and I'm excited na that's the part of the trilogy that I get to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Different stories, different genres. I'm lucky I get to do the love story," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN